4. As Usual

34 0 3
                                    

Bakit dito?

Bakit dito ako dinala ng mga paa ko? Baka nga gumagana na sakin yung bagay na parating sinasabi ni mama sa kapatid kong lalaki sa tuwing gagawa siya ng katangahan.

Napunta na naman ba yang utak mo sa talampakan mo?!

Oo nga. Baka nga napunta na talaga ang utak ko sa mga talampakan ko dahil nakakapag-decide na ‘to ng mag-isa. Pero, no! Hindi naman pwedeng mangyari yon, diba?

Itinaas ko ng bahagya ang kaliwang paa ko para masilip ang talampakan ko.

Bobo.

Nakasapatos pala ako. Kung i-ignore ko na lang yung bagay na iniisip ko tungkol sa mga talampakang nagkakautak?

3...

2...

1...

Better.

Dito ako dinala ng mga nagkukusa kong mga paa, sa lugar kung saan madalang magsipunta ang mga estudyante, dito sa dulong bahagi ng school.

Maraming puno, karamihan puno ng mangga, madamo na mapapansing inaalagaan pa rin naman kahit madalang ang mga tao dito.

Maaliwalas, presko, dahil na rin siguro tabing ilog ang bahaging ito. Pero ang pupukaw talaga ng paningin mo kapag andito ka sa pwesto ko ay ang ‘di kataasang puno ng mangga na may dalawang swing na isang metro lang ang layo sa isa’t isa.

Lumapit ako dito at naupo paharap sa ilog na mga pitong metro lamang ang layo sa kinauupuan ko.

It has been two years since I last visited this place.

Nakaka-miss. “Bakit ba kasi wala ka dito ngayon sa tabi ko, Jonas?”
Pumulot ako ng isang maliit na bato at inihagis ito sa ilog para tumalbog ito ng dalawang beses sa ibabaw ng tubig.

At, ito na naman sila, parang mga tangang nag-uunahan makababa mula sa mga mata ko. Parang mga milyon milyong sperm cell na nag-uunahan at nag aagawan sa iisang egg cell. Ang kaibahan lang, mismong lupa ang goal ng mga luha ko.

Ang sabi noon ng mama ko, masama daw ang loob ng isang bata o ng isang tao kapag panay ang hikbi nito sa pag-iyak, nagdadamdam daw ito, nagtatago ng hinanakit towards sa ibang tao.

Sobrang sama na siguro ng loob ko dahil ngayon, sinasabayan na ng sunod sunod na hikbi ang pagragasa ng mga luha ko.

“Wala na tuloy akong iba pang matakbuhan ngayon, maliban kay Bea na sa tingin ko, busy na sa mga oras na ‘to.” Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa isa pang duyan.

Bumulong ako sa hangin. “Wala na ‘kong kasabay sa pagduduyan dito.”

Dalawang taon na rin nang huli kaming magkita dito, dito sa mismong puno na ‘to. He was my bestfriend before I even met Bea.
The latter transferred here the following school year when the former gone missing in action.

Inaalala ko yung mga sandaling kami lang parating dalawa ni Jonas ang tao dito at malaya kaming nakakapaglaro at nakakapagkwentuhan ng parang mga grade schoolers lang.

Yung mga panahon na umiiyak ako dahil sa pang-aasar niya sakin na agad naman niyang hinihingan ng tawad.

Yung mga panahong ngumangawa ako sa kaniya na parang isang baby kapag kinakagalitan ako ni mama dahil sa mga scores ko sa mga quizzes at exams ko (na either isa or dalawa lang naman ang mali ko).

At pinapatahan niya ko sa tuwing hindi ko na mapigilang umiyak kapag nalalaman kong nambababae na naman si papa at lalo na nang magkaroon na siya ng ibang pamilya sa States.

Dominated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon