EEEEKKK!
Gusto kong magwala at magsisigaw dito dahil sa kakaibang nararamdaman ko.
Sobrang kabado ako. Kumakabog ang dibdib. 'Wag kang mangarap, wala kang dibdib!
I can feel my heart's pumping wildly and I think he can feel it too because he's hugging me tight.
Tingin ko mapupunit na 'tong dibdib ko, at hindi rin nakakatulong ang pangangatog nitong mga tuhod ko.
Gusto kong ilabas 'tong abnormal kong nararamdaman pero baka isipin niyang napakalandi ko naman.
Is this the moment? The moment I've been waiting for months? I can feel his body heat.
Gusto niya rin kaya ako tulad ng feelings ko for him?
I closed my eyes. I want to feel this moment.
Thank you Lord for giving me this moment with this abnormal feeling. Ito na ba 'yon?
Yung pagdilat ko bubukas yung mga ilaw? Then, malalaglag ang mga confeti mula sa taas sabay sasabihin niyang "Will you be my girl for the rest of my life?" habang nakaluhod and full of sincerity ang mga mata.
WAAAAAAHH!! I can't wait na! Didilat na ba ko?? EEEEEKKK!
Nararamdaman ko, unti-unti niyang tinatanggal ang mga kamay niya sa pagkakayakap sakin.
HUUUMAAYGOODNESS!
Baka sasabihin niya na talaga?
Handa na ba 'ko?
Diniinan ko pa ang pagkakapikit ko at hinayaan siyang kumawala sa katawan ko.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Hudyat marahil na magsisimula na siyang magsalita.
Ito na nga 'yon!Ididilat ko pa lang ang mga mata ko, naaninag ko na agad na maliwanag na ang paligid. Wow. Slow motion. At nang makadilat na ko ng buong buo...
"OO! I WANT TO BE YOUR GIRL FOR THE REST OF YOUR LIFE!!!"
Isinigaw ko 'to ng napakalakas at puno ng excitement ang buong pagkatao ko habang hawak-hawak ang mga malababae niyang kamay dahil sa lambot nito. Damang dama ko ang bawat ponema't grapemang lumabas mula sa labi ko.
Isinigaw ko din yon para maramdaman niya ang lah-
"Greg! Tara na! May-- HUUUUH?! Ano ginagawa niyo?!"
"Anong meron, Greg?"
"Pau, ano yan?"
Ang mga katagang pumutol sa mga pagna-narrate ko sa isip ko.
Sunod-sunod ang narinig kong tanong at pagtataka ng mga taong sa pagkakaalam ko'y kapapasok lang mula sa pinto.
Narinig nila?
Narinig nila. WAAAH!! Narinig nga nila! Kitang-kita sa mga ekpresyon ng mukha ng bawat isa sa kanila.
Kingina!
Napamura na lang ako sa isip isip ko.
Yung inakala kong liwanag... yung mga confeti... yung itatanong niya sakin dapat... wala! Nanggaling lang pala sa pinto lahat ng liwanag na yon!
Hindi ko na namalayang medyo napapatagal na pala ang pagtitig ko at pagnganga sa mga taong naka-witness sa muli kong kagagahan.
Wala pang isang oras ang nakalipas mula nang mangyari yung sa cafeteria, Pau. Ano ka ba naman?
Nagbubulungan. Mga tinging sumasaksak at yumuyurak sa pagkababae ko. Mala-Ang landi-landi mo ang dating nito sakin. Mukhang gusto nilang isampal ngayon yon sakin. Grabe sila manghusga. Pero, totoo naman ata.
BINABASA MO ANG
Dominated By You (COMPLETED)
Genç KurguKatangahan. Ang number one reason kung bakit tayo nasasaktan. Tungkol 'to sa katangahan ng isang dalagang nagngangalang Pauline. Kung paano siya mag-assume sa mga bagay-bagay patungkol sa iniirog este crush na crush niyang miyembro ng isang banda. K...