1. Sinigaw ng Puso

45 1 1
                                    


P

auline Meagan Huang

Ano ba kasing meron sa gwapong talented na napakabait na nilalang na yon?

Bakit baliw na baliw kami sa kanya.

Kami. Yes, kami. Uulitin ko pa? Kami. Isa pa? Kasi nga marami KAMI.

Kasama ko ang mga mukhang mga karag na mga bakla at mga kiringking na mga mukhang mangkukulam na mga babae dito. O, diba? Mapanlait though.

Bestfriend ko lang kasama ko sa pang-i-stalk sa banda nila dahil maarte siya masyado sa makakasama since talaga namang maganda siyang tunay, kaya siguro may karapatan naman siyang mag-inarte.

"Hoy! Ano daw sayo?!"

Iyan ang bestfriend ko, si Bea, ang tumulong sakin para makilala ko tong si UC ng husto about sa trabaho nila at sa buong banda nila. Halos mabaliw na nga ako nang kabisaduhin ko ang lahat ng mga kantang kinakanta niya sa mga gigs nila, e.

"Dalawang fries na lang sakin atsaka pearl shake, ate. Atsaka burger, piatos, nova, breadpan, choco mucho at isang 1.5 na coke." Wala kong pakeng utos sa tindera. Iritado na ata, e.

"Dun tayo malapit sa kanya, Pau?" Tanong sakin ni Bea.

Oo. Malapit lang kami sa kanya.

As usual, pinagkakaguluhan na naman siya ng mga fangirls and fangays niya. Dapat kasama kasi talaga ako diyan. Kaso timatamad ako kaya 'wag na lang muna.

Pagod na kasi ako maghabol, e.

Sa apat na buwan naming magkakilala, this last two months lang naman nang magstart akong magmukhang tanga sa harap ng maraming tao, na kasalanan naman niya, without him noticing.

Asang-asa akong mapapansin niya 'ko katulad ng pagpansin at bibigay atensyon ko sa kaniya. Not just as a friend, but as, you know. Ugh.

"NAKAKABWISIT NAMAN KASI, E! BAKIT KASI KINIKILIG AKO SA MGA BAGAY NA GAWIN NIYA SAKIN?!"

"Pau??" Nagulat ako ng bigla akong kulbitin ni Bea.

"Bakit?!" Tumaas nang bahagya ang boses ko dahil nasira niya ang paghuhuramentado ng feelings ko.

"Baka naisigaw mo yang isinisigaw ng lukaret mong damdamin?" Sarkastiko niyang saad habang iniikot-ikot niya ang pa-alon niyang buhok habang nakatitig diretso sa mata ko na may halong pang iinsulto.

Napatingin na lang ako sa paligid ng dahan-dahan, iyong parang sa mga horror movies kapag may multo na sa gilid ng bida, at tama nga hinala ko.

Nakatingin na silang lahat sakin, maging siya.

WAAAAH! Naghuhuramentado na ang dibdib ko pero wait! 'Di ako pwedeng magpanic. Okay Pauline, inhale---exhale!

"Sorry. Sorry." Tumayo ako at nag-bow nang dalawang beses para humingi ng pasensya sa maliit na eskandalong nalikha ng damdamin ko. Kahit naman sabihing maraming tao dito, di pa rin naman ganoon kaingay since maaga pa.

"Ano na naman ba kasi ang iniisip mo? Siya na naman, 'no?" Usisa nitong kaharap ko. Lukot na lukot na ang mga mukha niyang nilapit sakin.

"Wala, bruha! Tigil tigilan mo nga yang mukha mong nakakadiri. Nakakairita." Mas nilapit niya kasi sakin ang mukha niya.

Pinakita lang naman niyang hindi siya naniniwala sa sinabi ko na alam ko rin naman sa sarili kong 'di talaga totoo.

Haaay. Sana talaga infatuation na lang talaga 'to.

Kung bakit kasi lagi ko siyang nakakabanggaan, e. Bakit niya ko binigyan ng super favorite kong fries at burger last week?

Bakit kasi everytime na magkasalubong kami sa pathway abot batok ngiti niya sakin?

Tapos nung friday, 'di ko napansing nahulog wallet ko. Hinabol niya ko hanggang gate para lang ibigay sakin 'yon, na pwede namang ngayong Monday na lang, right?

Tuloy, sa bawat move na gawin niya for me ay umaasa ako. Asang-asa akong may feelings din siya sakin. Or talagang feelingera lang ako?

Hindi ba pwede? Ang isang fan at isang iniidolo ay magsama or magkatuluyan? Pwe! Ang cliché ng dating!

But seriously, sobrang sikat sila dito sa probinsya namin, maging sa mga kalapit probinsya. At ako? Lintik na yan! School level lang!

Pero ang pinakamalupit para sakin, siya lang yung humingi ng permiso kung pwede niya raw ba kong tawaging 'Meg' na siya nga lang nakakagawa non. Oh, eh anong konek non sa pagiging famous niya? Stupid.

"Wag ka na ngang umiyak diyan, kung alam ko lang na magkakaganyan ka, edi sana 'di ko na siya in-introduce sayo." Hindi ko na tuloy namalayan ang pagbagsak ng mga pure love tears ko. Pero joke lang, naluluha lang ako sa katotohanan.

Yung gising na gising na 'ko sa katotohan, nagtutulog-tulugan lang.

"Tara, don tayo sa labas." Hinila niya na ko at nagpadala lang ako sa kanya habang hawak-hawak ang trey na puno ng snacks na binili ko.

Walang hingi hingian dito, galit-galit kami ni Bea pagdating sa pagkain.

Ipinatong ko mga pagkain ko sa isang bench sa tabi ng puno sa labas ng cafeteria namin para isauli 'tong tray sa loob.

Dahil pangalawang pangulo ako ng Student Council, taas noo kong nirampahan ang daan papasok ng cafeteria.

Ito na, papasok na ko sa grand entrance ng cafeteria ng ... Boom! Paktay na!

Haay. Greg Brianne Kim. Mukha kang KPop.

Ang pogi-pogi mo, nakakainis ka!

Okay lang kahit magmukha akong tanga sa harap mo, maging masaya ka lang.

- - -

Dominated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon