Ito na, papasok na ko sa grand entrance ng cafeteria ng maihagis ko sa malayo ang tray na hawak ko dahil nadulas ako at napaupo sa sahig.
Buti na lang at naitungkod ko agad mga kamay ko at pwet ko lang naman ang humambalos sa sahig.
Nakita niya ko, siya unang lumingon sa direksyon ko!
No choice na ko.
Kapit ka lang, Pau. Kaya mo 'to!
"Yeah! Yeah! Yeah!" pinatalbog-talbog ko ang pwet ko habang sumisigaw, kumbaga, tumatalon at sa bawat talon may sigaw na 'Yeah!'
Umikot-ikot ako hanggang sa makatayo ako.
"Oh yeah! Oh yeah!"
Hindi pa rin ako nagpaawat at kumembot kembot pa ko with matching ikot-ikot ng dalawang kamay na nakataas nang sabay.
Ngayon naman, umakto akong nagmamarshall arts at sumipa sipa sa hangin na kunwari'y may kalaban.
Umikot- ikot ulit at nagpose, isang kamay ko ay nakapameywang at nakataas naman sa ere 'tong isa.
"SA NGALAN NG MAHABAGING SI SAILOR MOON, PARURUSAHAN KO ANG MASASAMA! DI KAYO MAKAKATAKAS! DAHIL ANDITO NA SI-- SUPER GIRL! ANG MAGTATANGGOL SA LAHAT NG NAAAPI!"
Sumipa at hinataw ko ang mga kamay kong parang nagkakarate.
"Sino ang maghahamon sakin?" Kunwaring nag-aya ako ng makakalaban, kahit alam kong wala naman talagang may interes kalabanin ako, at saka nilingon ang buong lugar.
Makikita mo sa mga mukha ng estudyanteng narito ang pamumula ng kanilang mukha't pagpipigil humalakhak sa mga nasasaksihan nila.
Kailangan ko 'tong mapanindigan.
"Wala? Okay. Ito nga pala ulit si Super Girl! LAGING TO THE RESCUE!!!" Tumakbo na ko palabas ng cafeteria.
Naiwan namang nagsisitawanan ang mga estudyante doon habang dala ko naman ang lahat ng kahihiyan sa mundo. Lupa, buka!
- - -
"GINAWA MO YON?!!" Gulantang na gulantang ang buong pagkatao niya. Kairita!
"BWAHAHAHAHAHHAAH! BWAHAHAAHAHAH! BWAHAHAHAHAHAHAAHAHHAAHHAHAHAHAAHAHAHAHAHHAHA!" Obvious naman, laughtrip siya ngayon. Pakibilang na lang ang tawa niya. Psh.
"Kanina pulang pula ka na. Pigil na pigil yang pagmumukha mong parang natatae. Ayan. Masaya ka na? Sige! TAWA LANG!"
"BWAHAHAHA! BWAHAHAAHAHAAHHAAH!!!!! BWAHAHAHAHAHAHA! Bwahaha! Bwahaaa! Bwaha! Ha! Ha, ha, ha."
Tumawa siya ng tumawa hanggang sa magfade na mismo ang tawa niya.
Hinampas niya na nga lahat ng pwedeng mahampas dito, e.
Nagtatalon at nagpagulong gulong na hanggang nakahawak na lang siya sa tiyan niya na siguro masakit na.
"'Di ko akalaing magagawa mo 'yon! Sakit ng tiyan ko sayo! Animal ka! HAHAHAHA! The best ka talaga!" Oh, 'di ba? Bwisit. Magtae ka sana sa katatawa mo!
"Kinaganda mo yang pagtawa mo. ULOL! Mukha kang butiki diyan! Magtigil ka nga." Tiningnan ko siya ng masama.
"Okay." para siyang bugok na bigla na lang nag-stop tumawa. Madali naman pala 'tong kausap, e.
"Why am I very stupid when it comes to him?" Oo, naka-move on kaagaad ako sa kagagahan nitong si Bea.
I covered my face with my hands habang nakasabit patiwarik sa isang puno dito sa labas ng cafeteria.
Gawain ko 'to kapag stress ako. Mabuti na lang at kakatapos lang ng P.E. class namin.
"Aba, malay ko sayo! You're even the school's vice-president, don't let your emotions and stupidity ruin you. Or else, it could also affect the school's performance, especially ang SC. Tingin mo matutuwa sila tita sa ginagawa mo? Hell no. Baka sabihin pa nilang bad influece ako sayo. Tsk!" Dire-diretso niyang sinabi to sakin habang dinuduro ang kamay kong nakatakip sa mukha ko.
Kahit baliw 'to, marunong pa rin naman siyang magseryoso paminsan minsan.
"That's why nag-break muna ako from running after Brianne-myloves. Bukas na lang ulit. HAHAHA!" Oo, binuhat ko sarili kong bangko.
"Ayan! Diyan ka magaling. Iyak-tawa ka na naman! Saan ka ba pinagli--" naputol ang pagsasalita niya nang makarinig kami ng sunod-sunod na pito.
"PRRRRRRRT! PRRRRRRRRRRRT!!!! TIGIL! TIGIL!" Nangangamoy gulo. Sino na naman ba 'to?
"Pau, may nagkakagulo ata banda doon, oh?" Kinulbit niya ko sa pagkakatitig ko sa lugar kung saan nagmula ang pumipito.
"Obvious naman siguro. Nakikita ko, 'di ba?"
"Tara, dali!" Sabay hila ng braso ko. Ang ingay! Ang daming nagtatakbuhan. Ano bang meron?
Sa dami ng taong tumatakbo, isa lang talaga pumukaw ng paningin ko.
Malayo pa lang kilalang-kilala ko na siya. Fast runner, eh? Papuntang... papunta sakin?
"Ahh! Saan mo ko dadalhin?!" And why people in this world keeps on dragging me?
"Dora's house..?" I saw him smirked. "Joke. Just run."
Nag-joke ba talaga siya?
"Bea! Tignan mo yang nagkakagulo! Awatin mo! Wait lang at importante ata 'to! Bye!" Sigaw ko kay Bea, sapat lang dahil di pa naman ganon kalayo ang distance namin habang hawak hawak ni Brianne ang left arm ko. San ba niya ko dadalhin?
---
We're still running and I think, what he's about to tell me is serious and important. But, what could it be?
Could it be-- tsk!
No!
Ano ba?! Ayokong umasa. Please mind, wag kang ganyan mag-isip!
Pero, ugh! There's something inside me telling na umasa ako, and it's possible--really possible to happen.
Mukhang sa gymnasium ng campus ang diretso namin nito. May humahabol ba samin? Di ko tinitignan ang nasa likuran ko, e.
Nakatitig lang ako sa kanya kanina pa habang tumatakbo. Nilalasap ang bawat sandali.
Duh?! Kahit naman classmates kami, ang rare mangyari ng ganitong moment. Hawak niya braso ko. Ganito kami kalapit sa isa't isa.
Sa panaginip ko lang 'to nangyayari dati pero ngayon, myghad!
Pagpasok na pagpasok namin sa loob nito, ang dilim. Mas nabalot naman ng kadiliman ang loob ng maisara na niya ang pinto sa gilid ng gym na pinasukan namin.
"Ahhhmm--" I was about to ask him what's happening when he suddenly hug me, tight.
Shit.
- - -

BINABASA MO ANG
Dominated By You (COMPLETED)
Teen FictionKatangahan. Ang number one reason kung bakit tayo nasasaktan. Tungkol 'to sa katangahan ng isang dalagang nagngangalang Pauline. Kung paano siya mag-assume sa mga bagay-bagay patungkol sa iniirog este crush na crush niyang miyembro ng isang banda. K...