6. Her Moment

24 0 3
                                    

Maayos at tahimik na dumaan ang sumunod na tatlong araw.

Mapayapa, normal, hindi tulad ng mga inaasahan ko.

Ang bukod tanging hindi lang naging normal sa tatlong araw na yon, ay ang hindi pagpasok ni Brianne.

Oo, tahimik. Pero andun ang lungkot at pag-aalala bilang isang tao.

Aba, malay ko bang ako ang dahilan ng pagliban niya sa mga klase namin.

Hindi ko alam kung may nangyari talagang masama sa kaniya ng hapong yon o nagkasakit ba siya dahil nabasa siya ng ulan.

Maayos, mapayapa at normal ngang nagdaan ang tatlong araw, pero puno naman yon ng guilt.

Natatakot ako, kung totoo nga ang pinakita niya sakin nang hapong iyon, hindi ko na talaga alam gagawin ko.

Paano kung kagaya ni Jonas, umalis din siya ng walang paalam? Umalis siya nang dahil sa sinabi ko sa kaniyang tumigil na?

Sana paranoid lang ako.

Dahil kahit naman saang anggulo tignan lahat ng mga nangyari samin nung nakaraan, kahit sobrang nasaktan ako, hindi pa rin sapat na dahilan ang iwan niya ako ng walang paalam.

Isa siya sa mga kaibigang tinuring ko sa campus namin, at alam kong naging ganun din ako sa kaniya.

Kahit papano, sa kabila ng mga negative na nangyari, may pinagsamahan pa rin kami.

Naalala ko iyong naging pag-uusap namin ni mama nang sumunod na araw matapos akong umuwi ng luhaan.

"Anak, sana, wag mo na ulit hayaang mangyari ang nangyari two years ago, huh?" Bungad sakin ni mama matapos ang mahaba at walang imikang umagahan.

"Sobrang nag-aalala ako sayo, anak."

"Sorry ma, huh? Ewan ko ba, napaka bata ko pa naman para sa mga ganitong issue, pero, grabe na 'ko kung magdrama."

Nakayuko ako habang pinaglalaruan na lang ang mga natirang pagkain sa aking plato.

"Wag kang mag-sorry, anak. Alam ko namang hindi mo pinili at ginusto ang bagay na yan, e. Kahit naman ako, di ba? Sinabi ko sayo noon na ganyang edad mo ako nagkandarapa sa papa mo. Ang ayoko lang mangyari ay yong naging sitwasyon mo two years ago, matapos bigla na lamang maglaho si Jonas."

Ang aga aga pero ang heavy na ng topic ni mama. Ang aga ko namang maiiyak sa bagay na kakabanggit niya lang.

Nakayuko akong napapatango na lang kay mama.

"Hangga't maaga pa anak, ayusin mo na yang kung anoman ang problema niyo ni Greg. Siguro naman hindi mo na hahayaang maiwan ka ulit ng walang kaalam alam, di ba?" Binibigyan ba ko ng pag-asa ni mama?

"Hangga't maaga pa, itanong mo na lahat ng katanungang naiisip mo, kung bakit nangyari ang ganito't ganyan at klaruhin mo ang bawat isasagot niya. Hangga't maaga pa, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sa kaniya mula sa puso mo, matapos mong pakinggan ang mga dahilan at rason niya."

Gusto kong matawa sa mga oras na 'to dahil hindi ko alam kung meron bang pinanghuhugutan 'tong si mama.

Pero dahil napaka over whelming ng mga tagpo, hahayaan ko na muna 'to.

"Anak, tandaan mo na walang mabuting patutunguhan ang pagtatanim ng galit sa puso natin. Minsan, kailangan nating buksan ang mga puso't isip natin para maintindihan at maunawaan ang mga bagay na maaaring sumisira satin. At, syempre," huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita, "tandaan mo ring hinding hindi magiging solusyon ang pagtakbo at ang pag-iyak sa kahit na anumang problemang kakaharapin natin."

"Salamat, ma." Buong sinseridad kong tugon sa kaniya.

"Grabe ka naman, anak. Hindi pa ko tapos sa moment ko, e. Hihi. Pwera biro, anak. Basta, pilitin mong kalimutan muna kung anumang galit ang meron ka sa pag-uusap niyo. Pag hindi mo na talaga kaya, tawagan mo lang ako at ako na ang jojombag at kukrumpalin ko yang Greg na yan, okay?"

Pero, ang plano namin ni mama na iyon ay hanggang ngayon, drawing pa rin.

Dadaan na ang limang araw na walang mangyayari at walang kasiguraduhan kung babalik pa ba si Brianne sa school.

Sabado na, kahapon kasi Biyernes at malamang sa malamang, Linggo bukas.

Pag tapos ng bukas, iyon na ang pang limang araw na hind ko siya nakikita.

Pero baka, baka nga talagang walang katuturan lahat ng mga pinakita niya sakin, na lahat talaga nang yon ay isang malaking joke lang.

Nagsisimula na namang mag-alab ang puso ko sa pag-alala ng mga ginawa nila ni Ashley sakin.

Oo tama, magkasabwat nga pala sila.

Pero, gusto ko rin malaman ang dahilan o rason niya kung bakit nangyari 'yon para kahit papano, mapapanatag na ang kaluluwa ko sa kakaisip sa mga bagay na yon.

Salungat sa mga binanggit ko sa kaniya nang hapong yon. Na ayokong marinig ang explanation niya, na alam ko na at naintindihan ko na ang nangyari.

Binabawai ko na ang mga yon. Ngayon, gusto ko nang manggaling mismo sa mga labi niya ang kadahilanan. Maging masakit o pabor man sakin yon.

"Anak! Paupau! Bumaba ka dito dali!" Bigla na lamang akong nabulabog sa pagmumuni muni nang biglang magsisigaw si mama mula sa baba.

Natunugan ko ang excitement sa boses niyang yon. Haaay.

Andyan na kaya ang magaling kong ama na sumakabilang bahay na kaya excited na excited na naman 'tong si mama? Si mama talaga, di pa rin ba siya naka-move on kay papa. Psh.

Syempre, kapag si papa na ang pinag-uusapan, ewan ko ba, lahat ng interes sa buong pagkatao ko nawawala.

Isama pa ang hitsura ni mama na katulad noong last year, noong last na bumisita si papa dito, grabe lang talaga, makikita sa mukha ni mama kung paano siya kamukhang tangang umaasang magkakabalikan pa sila ni papa.

Sa lahat ng ikaliligaya ni mama, dito ako pinaka hindi matutuwa, dito ko siya hindi susuportahan.

Kaya naman, tamad na tamad kong tinahak ang hagdan pababa ng sala.

"Anak! Si Bea andito!" Bungad niya kaagad sakin hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa hagdan. So, hindi pala si papa ang dahilan? Yes!

Pero si Bea? Ano naman ang pinunta niya dito? Nagmadali akong nagpunta sa sala ng bahay.

Oh.

Nagulat ako dahil pagkakita na pagkita niya sakin, biglang hindi na mapinta ang mukha niya.

"Ano problema mo?" Kinapa-kapa ko ang buong katawan ko. "Oh, tao pa naman ako at hindi pa multo. Bakit parang nakakita ka ng multo?" Usisa ko sa kaniya.

"Ahhh... eh-"

"Ih, oh, uh, ganon? Ano?!"

Pinameywangan ko siya dahil sa kabang pinapakita niya sakin. May ginawa sigurong kagagahan 'tong babaeng 'to. Tsk, tsk!

"K-kasi a-ano... ano---" Napansin kong panay ang lingon niya sa di kalayuang bintana sa kinaroroonan niya.

"Wait. Ano yon? Nagkakagulo ba sa labas?" Nakita kong may mga tao sa labas ng bahay namin, specifically sa loob ng bakuran namin.

Oh my gosh!

Hindi naman siguro nagwewelga ang mga estudyante sa campus dahil sa kagagahang ginawa ko, di ba? O di kaya'y ako sinisisi nila sa pagliban ni Brianne ng klase for three days?

"Iyon nga eh," kabado siyang napalapit sakin. "Tara dali." Atsaka niya ko hinila sa braso papunta sa pinto ng bahay namin.

"Ano ba talagang nangyayari?!" Kinalas ko ang braso ko sa pagkakahawak niya dahil hindi na talaga ako natutuwa sa mga inaasal niya sa harapan ko nang akma na niyang bubuksan ang pintuan.

Hindi siya sumagot. Sa halip, tiningnan niya lang ako at sinuklian ng hindi ko mawari kung anong klase ng ngiti. Ugh.

Pinaningkitan ko lang siya ng mata nang siya na mismo ang nag-offer sakin na buksan ko ang pinto.

- - -

Dominated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon