seungkwan'sSINASABI NA NGA BA, PAG PUMUNTA AKO PAG TUTULUNGAN KAMI NG MGA ALIEN NA TO EH.
PAG GITNAAN BA DAW NAMIN NI CHE SI VERNON.
TAMA KAYO SA PAGKAKABASA NIYO, KASAMA SI CHE. TSK, MAG MOMOVE-ON NA NGA LANG AKO LALO PA AKONG SASAKTAN ABA VERNON'S WAY YAN EH.
"Paabot nga nung chixx jan sa tabi mo Vernon." Saad ni Dokyeom.
Inabot naman ako ni Vernon kay Dokyeom joKe--
Yung chicken ang inabot niya. Asa pa seungkwan, baboy ka hindi ka chicks.Nandito kami sa Mang Inasal. Yuck, cheap, eww so low class JOke ulit-- syempre pang masa ang mang inasal, isa to sa mga favorite ko ♡
"Dokyeom kunin mo ng yung pork barbecue." Utos naman ni Soonyoung hyung ngayon.
Tumayo naman si Dokyeom at lumapit sakin.
Hinawakan niya ako at sabay hinila."Teka! Ano ba ginagawa mo!?"
"Pinapaabot ka ni Soonyoung hyung eh."
"Aba kingina mo Dokyeom! Di ako pork barbecue!!"
"Ay hehehe sarreh naman, akala ko kasi eh."
"Tse." Bumalik na ako sa upuan ko at umayos na ako ng upo.
Eto namang katabi ko, hindi man lang ako kinakausap simula kanina.
Niyayaya niya pa ako, tsk plastik.
Dapat talaga di ako pupunta kaso sayang libre, atsaka pagkain na din to noh. Hindi ako makakatanggi.Kumakain ako ng bigla akong nasamid sa sarili kong laway. Kadiri pero tanga ko eh sorry naman masyado kasi napasarap sa pagkain.
Kinuha ko yung tubig ko kaso wala ng laman, napansin naman nila ako at binigyan ng tubig.
Binigay sakin ni Vernon ang tubig niya hindi na ako nag inarte at ininom na ito.
YIEEE INDIRECT KISS KAMI---TAMA NA BOO MOVE-ON NGA DIBA!?
PERO YIEEE KILIGMATS AKO BINIGAY NIYA AGAD SAKIN ANG TUBIG NIYA.
"Sa-salamat." Sabi ko na pautal pa para pabebe lang.
Pabebe kasi role ko dito sa book na to. Pabebe hindi pababoy ah WAG KAYO ANO JAN. Im just doing my job as a character. Nuxx straight english.
"Hala! Okay ka lang ba Seungkwan?" Tanong ni Che at mukhang nag-aalala siya.
MUKHA LANG, PERO I CAN FEEL IT NA PLASTIK SIYA! I CAN SMELL HER KASI LIKE OH MY GASH SHE IS LIKE A BURNED PLASTIC HARHAR-
Okay back to normal, so yun nga nag-aalala si gull pero dahil mas maganda ako hindi ko siya pinansin.
Oh diba taruy ko matakot sana siya.
"Seungkwan alam kong gutom na gutom kasi lagi ka namang gutom pero dahan-dahan lang hindi tatakbo yang plato mo." Sabi sakin ni Hoshi hyung.
Sa totoo lang napupuno na ako sa mga hyungs ko eh, lalo na kayla Minghao, Dokyeom at Soonyoung hyung. Tas kay Hannie hyung mga 50% kasi minsan mabait, minsan hindi.
"Edi wow." Sagot ko na lang at tinuloy ang pagkain ko na masarap hihi.
Si Che naman parang naglagay lang ng isang butil na kanin at isang punit ng laman ng manok pagkatapos non wala ng kinain. Linis ng plano, lahat kami kumakain siya kanina pa tapos. Diet ba siya? Kasi ako hindi.
Maya-maya natapos na kami lahat at nagbayad na si Vernon.
Lumabas na kami at pumuntang department store para tumingin tingin ng damit.
"Seungkwan, siya ba yung nililigawan ni Vernon?" Bulong sakin ni Wonwoo at sabay nguso kay Che.
"Sa kasamaang palad oo, siya nga." Sagot ko.
"Hala ang ganda naman pala niya, ang bait pa. Mukhang hindi maarte." Mabait daw, plastik lang yan eh.
"Kunwari lang yan! Para may points agad satin. Tsk, tignan mo pag naging sila na susungit na satin yan. Pero hopefully hindi sana maging sila."
"Ay bitter." ABA-- pero totoo naman siya.
"Tsk." Yan na lang nasabi ko, sayang laway pag nakipagtalo pa ako.
"Vernon alin maganda dito?" Tanong ni Che habang hawak ang dalawang blouse.
"Yung blue bagay sayo." Sagot ni Vernon, edi wow talaga sakanila.
"Panget yan ikaw magsusuot eh." Bulong ko para hindi marinig hehe.
"Seungkwan? May sinasabi ka ba? Ano tingin mo mas maganda?" ABA MALAKAS ANG PANDINIG NETONG BABAENG TOH.
"Hahaha yung pink, bagay sayo." Pero actually parang mas maganda yung blue. Plastik na ngiti na lang ako.
"Ah sige! Eto na lang blue kukunin ko." NAGTANONG KA HINDI MO DIN PALA KUKUNIN.
YUNG TOTOO? NANG IINIS TOH AH! RERESBAKAN KO NA TOH! PIGILAN NIYO KO!Ang Meanie at Junhao naman nagsariling shopping na.
Naiwan na lang kami dito, hay dapat sumama na lang ako kayla Wonwoo.
Binayaran na ni Che yung binili niya. Aba rich kid toh ah, daming laman ng wallet. Iclose ko kaya to? Tas lagi ako papalibre hihi.
"Baboy? Wala ka bang bibilin?" Tanong ni Kabayo.
"Wala, kanina ko pa nga gusto umuwi eh." Nilakasan ko yun para marinig ni Hansol at Che.
"Ah ganun ba, sige umuwi ka na." ANG BABASTOS TALAGANG PINAUWI AKO MAG-ISA!?
"Okay, uuwi na ako. Bye sainyo, ingat na lang." Aalis na talaga ako. Nakakainis eh.
Tumalikod na ako at dirediretso.
Nang makalayo layo na ako. Tumingin ako sa likod ko.
Shett-- BAKIT WALANG SUMUSUNOD SAKIN??
Akala ko nagjojoke si Kabayo eh, aba bastos talaga sila.
Tsk. Bahala na, itetext ko na lang si Wonwoo, makikisabay na lang ako sakanila tutal may kotse naman si Mingoy.
Lintek na araw toh.
-
BINABASA MO ANG
perfect ⇝ verkwan
Fanfiction❝in which seungkwan thinks nothing is really perfect about his relationship with hansol❞ -bxb series #2. all rights reserved 2016.