47;

1K 59 35
                                    


seungkwan's

"Bakit ba kasi hindi mo ako ginising!? Che alam mo namang tulog mantika ako! Ilang minutes na lang oh!? Sa tingin mo makakahabol pa ako??"

"Baboy naman, malay ko naman, puyat din ako. Atsaka oa ka 30mins pa naman ah."

"Bes naman, maliligo pa ako, magbibibis tas magbibiyahe pa papunta doon! Ang alam ko 15 mins away yun sa hotel natin."

Tinignan lang niya ako, atsaka lumabas. BASTOS TO AH.  Nakabihis na kasi siya kaya hindi siya naloloka.

Gisingin ba naman daw ako ng 30 minutes before wedding. JUSKO.

Tinignan ko ang phone ko, 28mins. Kaya pa kaya?

Kinuha ko ang towel ko at damit, bibilisan ko na lang maligo at magbihis.

'~'
Natapos agad ako ng 5 minutes. Dali-dali kong kinuha ang phone at wallet ko at lumabas.

Bahala na si Che, iiwanan ko na siya.

Sumakay ako sa unang taxi na nakita ko.

"Main Osaka Catholic Parish. Keep the change." Sabi ko sa driver at binigay agad ang bayad ko.

Please, sana umabot ako kundi sasampalin at sasakalin ko si Che.

Tinignan ko ulit ang phone ko. JUSKO NINETEEN MIMUTES NA LANG. HALPPPPP.

Sinabi ko sa driver na pakibilisan kaso traffic pa. ANO BA YAN KUNG ALAM KO LANG SAAN MAGLALAKAD NA AKO AT BABA DITO.

Tinignan ko ulit ang orasan ko sa phone. 10 MINUTES NA LANG. SHETTTTTTTT.

Gusto ko sabihin sa driver na magmadali siya kaso hindi ako marunong mag japanese.

Yung english ko naman kay Hansol lang gumagana.

Maya-maya nawala na ang traffic at nakadating na ako ng simabahan.

THANKFULLY.

Kaso pagdating ko walang tao. Teka? Baka mali napuntahan ko.

Pero joke lang yun kasi nakita ko si Rene naka wedding dress.

Nasaan si Hansol??

Nakatingin ako kay Rene at napansin kong lumapit siya sakin.

"Oh Seungkwan? Bakit ka nandito? Tapos na ang kasal, kanina pa siya tapos actually. Late na late ka ata."

A tear run down on my cheek. SAYANG EFFORT.

SAYANG PAMASAHE, SAYANG PAGMAMADALI KO, SAYANG LAHAT NG PAGOD KO.

FUCK. FUCK. FUCK. FUCK.

Hindi ko sinagot si Rene at lumabas ng simbahan. Umupo ako sa nearest bench na makita ko.

Hindi ko mapigilan ang luha ko.

Kung kailan ako umasa na meron pang pag-asa na magkaayos kami kaso wala. Madamot ang kapalaran. Madamot ang oras.

Kung ginising lang sana ako ng maaga ni Che edi sana kaya ko pa mapigilan ang kasal.

Edi sana may Seungkwan at Hansol pa na mababalik. Pero wala eh, puro hanggang "sana" na lang ako ngayon.

Sabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan. Umuulan sa Japan, akala ko ba nice weather dito.

Pati ba naman weather nakikitulong sa kalungkutan na nararamdaman ko.

Kung sana hindi na lang ako pumunta dito edi sana masaya pa ako sa Pilipinas, naka move-on. Pero hindi eh, pinili ko siyang sundan kasi mahal ko.

Ganun naman pagmahal ko diba, hindi mo iisipin ang mga masasamang bagay na maaring mangyari. Lahat ng iniisip mo masasayang bagay, lagi kang nakatingin sa positive side at bulag sa negative side.

Hindi pa din tumitigil ang pagluha ko. Baka maubusan na ako ng tubig sa katawan.

Saan ba kasi ako nagkulang? Bakit ang damot naman. Kela Wonwoo at Mingyu may happy ending eh bakit samin wala?

"Excuse me? Kanina pa tapos ang kasal, bisita ka pa?"

"O-oo..." Hindi ko makilala kung sino ang nagsasalita dahil nakatungo ako. Ayoko muna makipagusap sa kung sino man.

"Ahmm hindi na tuloy ang kasal." Ha??

"Ba-bakit?"

"Bakit?" Natawa siya sa tanong ko. ABA LOKO TO AH.

"Siguro... dahil na realize ng groom na hindi niya mahal ang bride niya at may mas importante pang tao na nag-iintay sakanya. Na mas kailangan siya ng taong yun at mas deserve ng taong yun ang pagmamahal ng groom. Kaya siguro hindi natuloy? Haha..."

Kung kanina kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan.

Ngayon kasabay ng mga salitang ito ay ang pag-iisip ko na may hindi naman pala talaga madamot ang kapalaran.

Tumingala ako at tinignan ko ang nagsasalita. "Ang tanga naman ng groom na yan."

I said each words with a smile, kahit iyak ako ng iyak I managed to say it clearly.

"Boo??"

-
huehuehue hiii goissseee ;-)))

perfect ⇝ verkwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon