42;

1.1K 55 10
                                    


seungkwan's

"Sige bagalan mo pa baka kasi malapit airport dito." Sabi ko kay Che dahil ang bruha ay kausap si Dino sa cellphone. Ewan ko ba dito hindi nagkwekwento kung ano na ganap nila.

Binaba na niya ito at tumingin sakin.

"Bakit hindi ko babagalan eh 10pm kagabi nandito ka na agad? Diba sabi ko sayo susunduin kita? Natulog ako ng maaga dahil alam kong maaga tayo aalis tas nambulabog ka naman ang aga nga ginawa mong gabi. Tsk."

"Eh kasi naman po excited ako. Sensya na mahal ko yung susundan natin eh."

Umirap lang siya sakin.

"Oo na, mag mamake-up lang ako 1:30am pa lang naman eh."

"Bilisan mo Chershel jusko wala namang magbabago sa mukha mo eh." Hindi nalang niya ako sinagot at sinimulan mag make-up. Pero joke lang maganda siya, chixx to eh.

Umalis ako ng bahay ng hindi nag papaalam kela mama at papa pero nag iwan ako ng sulat. Hindi nila alam na si Hansol ang pupuntahan ko ang sinabi ko lang bibisitahin ko yung kaibigan ko sa Japan.

Bahala na kung pag-uwi ko lagot ako sakanila. Ang importante maibabalik ko si Hansol dito.

"Tapos na ako baboy."

"Oh tara na! Rak na tayo!" Sabi ko sabay kuha ng luggage ko at muntik na ako madulas kasi natapakan ko yung floor mat.

"Hayaan mo na ang mga maids at butlers jan. Tara na at bumababa na tayo naka ready na ang kotse." Reyna nga pala kasama ko, nakalimutan kong uso pala maid at butlers dito.

Bumaba naman kami at sumakay na ng kotse.

Shetttttttt excited na ako makakakita ng panda sa Japan. Teka Japan nga ba yun?

Rinig ko din may onikiki sila don? Onikiki ba yun? Basta ewan.

Atsaka ramen ayun masarap yung noodles na yon. Atsaka yung water parks nila waaah.

"Seungkwan paano kung hindi mangyari ang gusto mo? Sa tingin mo maibabalik mo pa si Hansol?" Tanong ni Che sakin.

Sa totoo niyan hindi ko alam, kung mangyayari ang gusto ko o hindi.

Pero alam ko at naniniwala ako na hindi matutuloy ang kasal.

Kasi walang Rene sa buhay ni Hansol, ang meron lang ay Seungkwan.

"Hindi ko yan iniisip Che, im confident na maibabalik ko si Hansol kasama ko, maibabalik namin ang dati at mababayaran ang mga panahon na hindi kami nagkasama." Sana.


After 2 hours ng biyahe nakarating na kami ng airport.

Aantayin na lang namin ng mga 30mins bago makasakay sa eroplano dahil chinecheck pa ito.

Japan, here I come.

Rene, here I come din ihanda mo na kabaong mo dejk.

-
konting chaps na lang to mga 4-8 more na langgs :-))

perfect ⇝ verkwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon