16;

1.4K 83 66
                                    


seungkwan's

Move-on, maigsing salita na mahabang panahon ang kailangan upang magawa.

For my side siguro may mga anak na mga kaibigan ko pati siya, hindi pa din ako nakaka move-on.

"Seungkwan? Your spacing out, may problema ba?" Oo meron, ikaw ang problema ko Hansol.

Bakit pa kasi kami magkapartner? Bakit nga ba? Siguro may galit sakin si Prof.Seokjin kaya pinagpartner kami.

Nung dumating siya kanina hindi na ako nakapagsalita. Samantalang siya the usual Hansol. Talaga bang wala na kami? Hindi na ba talaga pwede?

"Ka-kamusta kayo ni Che?" Panimula ko dahil baka mahalata niya na hindi ako maka move-on.

Id rather be fake to him than admitting hindi ko siya kaya pakawalan.

"Ayun, malapit na niya ako sagutin." Two weeks lang nagliligawan sasagutin agad? Bilis ah, samantalang ako niligawan mo ng two months noon.

Oo, noon yon at hindi ngayon. Haha.

"Good for you." Ngiti ko ng pilit.

Siguro masokista na ako. Nasasaktan na ng sobra sige parin. Ang totoo niyang kayang kaya ko naman bumitaw at lumayo.

Pero sa loob ng puso ko ayaw nitong bumitaw, kahit nasasaktan na sige padin. Lintek na puso toh.

"Seungkwan ano ba gagawin natin dito?" Hindi niya alam kasi laging absent. Tss.

"Ah sabi ni Prof.Seokjin isosolve daw natin tong worksheet na toh." At sabay lapag ko ng papel sa lamesa.

Tinignan naman niya at napakunot siya.

"Ang dali naman pala nito. Peram ballpen ako na magsasagot." Aba- muntik ko na makalimutan matalino nga pala siya.

Dati natatandaan ko kapag may assignment o activity ako na nahihirapan nanjan siya para turuan ako. Hahaha dati nga lang yun. Hindi na pwede ngayon kasi mag kaibigan na lang kami.

"Nagugutom ka ba? Kukuha ako ng pagkain sa baba gusto mo?" Alok ko para naman may silbi ako sakanya.

Nandito kami sa kwarto ko, walang malisya. Kaibigan lang naman kasi kami ngayon.

"Wag na, may date naman kami ni Che after this."
Aray, narinig ko ata puso ko na nadudurog. Buti pa sila pa date-date na lang. Samantalang ako dito lang sa bahay mag-isa, kumakain. Haha.

"Ahh." Yun na lang nasabi ko.

Umupo na lang ako sa kama ko. Samantalang siya sinasagutan sa study table yung worksheet.

Nakatingin lang ako sa likod niya. How I miss to hug that.

How I miss the feeling that he was mine.
Hahaha, taena talaga.

"Hansol wala na ba talaga?" OH SHIT!! BAKIT KO SINABI YUN, NILINAW NA NGA NIYA EH ANO BA YAN BOO SEUNGKWAN YUNG BIBIG MO AISH NAKAKAINIS ARGHHH!!

Humarap siya sakin at tumingin. Ako naman hindi malaman yung mukha ko, para bang natatae na ewan juskooo IBAON NIYO NA AKO SA LUPA-

"Seungkwan..akala ko ba okay na?"

"Oo nga Hansol haha, wag mo na lang pansinin yon."

"Hindi ganun kadali Boo." He called me "Boo" again.

"Mas hindi madali sakin Hansol, sa tingin mo ginusto kong saktan ka?"

"Boo, nangyari na. Wag na natin balikan."

"Pero mahal talaga kita Hansol, sa tuwing nakikita ko kayo ni Che sobrang sakit. Sana, sana mabalik yung dati. Yung sakin ka tas sayo ako."

"Boo--you know. Walang patutunguhan ang pag-uusap natin."

"Hansol no--"

"Aalis na ako, tapos nanaman din yung worksheet. Inaantay na ako ni Che." Tumayo siya at kinuha ang gamit niya.

"Wait--" Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Boo, accept it please. Akala ko ba babalik tayo sa pagiging magkaibigan?"

"Hindi ko kaya."

"Kaya mo pero hindi mo lang gusto gawin. Boo, let me go Che is waiting."

With my heart shattered to pieces again binitawan ko ang kamay niya.

He left me, iniwan niya ako. Iniwan ako nung taong iniwan ko.

Talaga bang wala na? Hindi na ba ako pwede umasa na mababalik pa yung dati?

-
just published book three of this series!!
love chase ¤ jicheol ang title! just find it on my acc. ♡

perfect ⇝ verkwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon