KABANATA 2

9K 322 84
                                    

KABANATA 2

Sorry

Nang makarating ako sa school ay tinungo ko agad ang cafeteria. I looked for vacant seat and occupied it. I placed the cup of coffee on the table, which I bought outside the campus.

Inalis ko ang takip ng kape at uminom nang konti. Napabuntong-hininga ako. Sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay may nagtatakbuhan sa loob nito. Nakakaloka. Was I really drunk and wasted last night? I couldn't even remember any detail after I confessed my problem to Alexa.

"Hey! Allaine! How's your morning?" napalingon ako sa gilid ko nang may bigla nalang tumapik sa balikat ko-it was Alexa and she was with Hillary, isa pa naming kaibigan na na-meet din namin during our first year in college.

They occupied the seats on the other side of the table. "Ano? Ayos ka lang ba?" Alexa asked again.

I rolled my eyes. "Do I look okay?" I replied, iritated.

Natawa siya. "Wow! Ang aga magmaldita ha!"

Napahawak ako sentido ko. "Ang sakit kasi ng ulo ko. Did I drink a lot last night? Wala akong matandaan sa mga pinaggagawa ko." Uminom ako ng kaonting kape.

"Wait, what?! Nag-inom ka kagabi?! Nag-inom kayong dalawa kagabi?! My gosh! Hindi niyo man lang ako sinabihan?!" Nanlalaking matang singit ni Hillary.

Tinaasan siya ng kilay ni Alexa. "'Wag ka ngang echosera riyan. 'Di ka nga umiinom ng alak, 'di ba? Pa'no ka naman niya yayayain? Loka-loka ka, girl?"

Napangisi ito. "Parang joke lang e. 'To naman, 'di mabiro, highblood agad? May mens ka ngayon 'no? Sabihin mo ang totoo."

Umirap si Alexa. "Bwiset ka talaga kahit kailan." Binatukan niya pa ito nang mahina.

"Aray ha! Masheket he!" pabebeng reklamo ni Hilary habang kumakamot sa ulo niya. "Pero what happened ba kasi mga sis?! Bakit may inumang naganap na hindi ko alam?" she then asked.

Isinubsob ko ang mukha ko sa lamesa dahil feeling ko ay masusuka na ako dahil sa pesteng hang-over na 'to. "Wala akong energy magkwento. Nahihilo ako sobra." Napapikit ako nang mariin. "Si Alexa nalang bahalang magkwento sayo." Nanatili akong nakasubsob.

"Ikukwento ko nalang sa'yo mamaya," sabi ni Alexa kay Hillary.

"Ay mamaya pa? Ba't hindi pa ngayon?"

"Mamaya na! Baka may umiyak bigla."

Napairap ako sa isip. I knew, she was pertaining to me. Well, baka nga. Naalala ko na naman tuloy 'yong nakita ko kahapon. B'wiset!

"Anyway Allaine, do you remember what happened last night?" She asked.

I shookt my head. "No."

"Gosh! Really? Wala ka talagang natatandaan?"

Napaangat tuloy ang ulo ko at kinunutan siya ng noo. "Bakit? Anong meron? May nangyari bang hindi maganda? May nagawa ba akong mali?" seryoso kong tanong.

Shit! Wala talaga kong maalala. Ano ba 'yong mga nangyari kagabi? Ano ba 'yong mga pinanggagawa ko kagabi? Wala talaga kong maalala. Blanko talaga ang utak ko. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakapunta sa kwarto ko.

"Seryoso ka talaga sis?"

Napairap ako. "Ano nga? Ano ba kasing nangyari kagabi? May hinalikan ba akong lasing? Nag-sexy dance ba ako sa harap ng maraming tao?"

Natawa siya. "Gago! Hindi!"

"E, ano? Sure naman akong wala akong ginawang mali kagabi 'no," proud kong sabi.

I Set Him Free For Someone Else (HS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon