KABANATA 3
Paubaya
My tears kept on falling from my eyes while standing here at the waiting shed outside the campus and waiting for a taxi. Paulit-ulit ko itong pinupunasan gamit ang manggas ng suot kong damit.
Ang sakit lang sa puso. I'd never imagined myself to be in this painful situation—akala ko kasi si Adrianne na talaga 'yong para sa akin. Akala ko kami na talaga. Pero wala talagang permanente. Everything is meant to come to an end, and all we have to do is to accept it—and move on.
I took a deep breath at pinakalma na ang sarili. Magiging maayos din ako soon. Makakalimutan ko rin kung paano ako niloko at ginago ng taong sobra kong minahal at pinagkatiwalaan.
Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa nang mag-ring ito. I immediately answered the call and place the phone on my ear.
“Hello?” bungad ko, garalgal ang boses.
“Allaine, I have a good news,” sabi ni Alexa mula sa kabilang linya.
“What is it?” I asked.
“He's here! They're gonna perform tonight!”
“Ah, okay.”
“Ha? Anong ah okay? Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya.
Napalunok ako nang mariin. “I guess?”
“Tsk! Adrianne na naman ba?” she asked.
Parang maiiyak na naman tuloy ako. Naalala ko naman 'yong nangyari sa pagitan namin ni Adrianne kanina.
“Ano? Tutuloy ka pa ba rito? Okay lang naman kahit hindi. Kunin ko nalang kay Dad 'yong info niya para mag-meet nalang kayo next time at do'n ka nalang mag-sorry.” muling pagsasalita niya.
“Hindi na. Actually, nag-aabang na ako ng taxi papunta diyan,” I replied.
“Are you sure?” paninigurado niya.
“Yep. Just wait for me,” I answered.
“Okay, ingat.”
I ended the call at muling ibinalik sa bulsa ang phone.
I think, okay rin naman na magtungo ako sa bar ngayon. Parang na-miss ko rin kasi bigla ang lasa ng alak. Joke. Baka may magawa na naman akong 'di maganda kaya kailangan ko na munang umiwas sa ngayon. Hindi ko pa nga naaayos 'yong unang eskandalong nagawa ko.
Nang may matanaw akong paparating na taxi ay kaagad ko itong pinara. Sumakay ako at kaagad naman itong umalis. Inabot ng ilang minuto lang naman ang biyahe bago ako makarating sa bar.
"You're here!” nakangiting sabi niya nang matanaw ako.
“Where is he?” I asked and took a seat. Inilibot ko rin ang paningin sa paligid para hanapin ang lalaking 'yon.
“At the table near the stage,” she replied at nilingon niya ito.
Nilingon ko rin ito at pilit na tinatanaw pero hindi ko ito masyadong maaninag gawa nang pakurap-kurap ang mga ilaw.
“Let's go. Samahan mo ako,” tatayo sana ako para magtungo roon pero kaagad akong pinigilan ni Alexa.
“Mamaya na. Mag-pe-perform na rin kasi sila. Pinapatapos lang 'yong disco song,” she explained, “Lapitan nalang natin after nila tumugtog.”
Tumango ako. “Okay,” I whispered.
Pinanood ko nalang 'yong mga nagsasayawan para pansamantalang malibang habang nag-aantay.
BINABASA MO ANG
I Set Him Free For Someone Else (HS #1)
RomanceAllaine Guevarra thought that her boyfriend was faithful to her, not until the day she caught him sleeping with someone else. Out of the desire to forget the pain, she went to a bar, got herself drunk and crossed her path with this band vocalist nam...