KABANATA 4

6.4K 273 90
                                    

KABANATA 4

Ahas

Nag-aayos ako ng sarili ko sa mga oras na 'to para sa pagpasok sa school nang bigla akong tawagin ni Mama.

"Allaine, nandito si Alexa."

Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito?

"Pasabi sandali lang po,” sagot ko at mabilis na nag-apply ng liptint sa labi saka ako lumabas ng kwarto at bumaba sa ground floor.

Kaagad kong naglakad patungo sa couch kung saan nakaupo si Alexa habang itinatali ang buhok ko. "What's with a sudden visit? Miss mo 'ko?" I asked.

She glared at me like she was going to kill me. “Why aren't you answering my call?" she asked.

I looked at her innocently. “Ha?”

She rolled her eyes. “I'd been calling you since last night! Bakit hindi mo man lang sinasagot?!” galit pa rin ang tono niya.

“Ha? Why?” nagtataka kong tanong. “Wait, nasaan na ba ang phone ko.” Binuksan ko ang bag ko at kinapa ito sa loob. Nang mahanap ko ito ay kaagad kong tiningnan ang screen at tumambad sa akin ang sandamakmak na missed call mula sa kan'ya.

My eyes widened in surprise. “148 missed call?” I whispered and looked at her. Napahawak siya sa noo at napailing-iling.

“Kagabi pa ako tawag nang tawag,” she explained, frustrated.

I shrugged. “Sorry, I didn't notice.”

“Akala ko kung ano nang masamang nangyari sa'yo,” she said, “Sa'n ka naman nagpunta no'ng tumakbo ka paalis ng bar? Hinabol kita pero bigla ka ring nawala sa paningin ko,” she added.

I sat beside her. “I stayed at the convinient store nearby. Pinakalma lang ang sarili,” I replied. “I am very sorry if I suddenly left. I just couldn't stay there any longer. Masyadong masakit 'yong kinanta ng banda. I just couldn't take the sudden flashback of the memories. It was killing me,” I smiled like an idiot.

“I should've informed you. I'm sorry for making you worried,” I apologized.

She took a deep breath and nodded. “It's okay. I understand. Next time, magsabi ka ha? Sagutin mo ang mga tawag ko. Para akong mababaliw kagabi kakahanap at kakaisip kung ano nang nangyari sa'yo,” sermon niya.

Ngumiti ako. “Sorry na. Love you.”

Umirap siya. “Libre mo 'ko ng kape ha! Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa'yo,” she grinned.

Natawa ako. “Oo na! Gusto mo pag-aralin pa kita, e!” pambibiro ko.

“Gaga!” she laughed.

Sabay kaming nagtungo ni Alexa sa school. Dahil maaga pa naman ay tumambay na muna kami saglit sa coffee shop sa labas ng campus dahil nagpalibre nga ang gaga ng kape. Nagkwentuhan na rin kami saglit hanggang sa mapagdesisyunan naming umalis nang maubos ang kapeng inorder namin.

"Sige, Allaine. Dito na ako, ah? Salamat ulit sa pakape mo. Love you,” ngiting-ngiti niya sabi.

Inirapan ko siya. “Welcome. Next time ikaw naman!” Nginitian ko siya bago kami tuluyang maghiwalay ng daan patungo sa mga building namin.

Bago magtungo sa room ay dumiretso na muna ako ng comfort room para umihi. Pero habang naglalakad ay hindi ko inaaasahang may mababangga ako at sumalampak sa sahig ang taong iyon.

"Ouch! What the hell?!" pagdaing niya habang hinihimas ang parte ng pwetan niya.

“Oh my gosh! I'm so sorry, Miss!” tutulungan ko sana siyang tumayo pero marahas niyang tinapik ang kamay ko.

I Set Him Free For Someone Else (HS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon