KABANATA 1

9.5K 238 43
                                    

KABANATA 1

Drunk

"Hey! What's up?” Biglang may tumabi sa akin. “Parang ang bigat ata ng problema mo, ah?" she asked.

Umayos ako ng upo. "Ha? Wala ah. Trip ko lang tumambay at mag-inom ngayon. Pampatanggal ng stress. Daming ganap sa school these past few weeks," paliwanag ko sabay tungga ng alak sa baso.

Kasalukuyan akong narito sa bar na pagmamay-ari ng pamilya ni Alexa—my partner in crime since elementary. At dito ako sa bar nila mahilig tumambay, magpalipas ng oras at mag-inom kapag may selebrasyon o kapag naman may gusto akong kalimutan na problema.

Inirapan niya ako. "Stressed sa school o talagang may personal na problema?! 'Yung totoo?!" pag-uusisa niya.

Matamlay akong umiling. “Ano ka ba! Wala nga! Sobrang exhausted lang talaga ako sa dami kong ganap sa school. Need lang talaga mag-chill para malamigan ang utak kahit papaano.” Ngumiti ako nang pilit.

“E, bakit gan'yan 'yang mga mata mo? Ba't namumugto, aber?” Tinaasan niya ako ng kilay.

Napahawak tuloy ako sa mata ko at napaiwas ng tingin. “Ah ito ba? 'Wag mo nalang pansinin. Kulang lang ako sa tulog dahil may hinabol akong requirements kagabi," pagdedeny ko at bigla nalang siyang napatawa sa nirason kong 'yon.

“Hay nako, Allaine! Sa akin ka pa talaga magsisinungaling? Girl! Iba ang mata ng puyat sa umiyak. 'Wag ka nang magpalusot pa," natatawa niyang sambit.

Argh! Ang talino talaga ng bruhang 'to. Kahit kailan talaga hindi ko siya maisahan. Alam na alam niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Ibang klase.

"Kung may problema ka, sabihin mo. I am always here naman for you, 'di ba? Handa akong pakinggan ka sa lahat ng oras. Ano pa't naging kaibigan mo ako,” she said.

Ngumiti ako nang pilit. “Ano ka ba! ‘Wag mo na ‘kong intindihin. Magtrabaho ka nalang riyan. Dami nang customers oh! Magagalit sila tita kapag nakita kang hindi kumikilos,” pananakot ko.

Natawa siya at napairap, "Hello! Hindi naman ako bayad rito, 'no! Tumutulong lang ako dahil gusto ko! Saka marami namang staff dito! Keri na nila ‘yan!” Bahagya siyang lumapit. “So ano nga? Ano bang problema? Spill it. Makikinig ako, promise. I am willing to help too,” seryosong sabi niya.

Tumungga ako ng alak saka bumuntong hininga. Nagsisimula na namang bumigat ang pakiramdam ko.

“Parang hindi ko pa kasi kayang pag-usapan.” Napalunok ako nang mariin.

Her eyes slightly widened. “Allaine kinakabahan ako ha! Ano ba kasi 'yan ha?!” mas lalong sumeryoso ang tono niya.

Muli akong napabuntong hininga. "Si Adrianne," pag-uumpisa ko.

"O, ano namang meron diyan sa boyfriend mo?"

"Si Adrianne." Huminto ako saglit. Kumikirot na naman ang puso ko. “Si Adrianne, may ibang babae.” Sa wakas, nasabi ko rin.

"Ha?! Anong ibig mong sabihin?!" Gulat na gulat na tanong niya.

Nag-umpisa na namang magtubig ang mga mata ko. "Nahuli ko kanina... sa kwarto niya... may kalampungang ibang babae. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano sila magpalitan ng halik sa isa't isa."

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko at tuluyan na namang bumuhos ang lintik na mga luha.

Napayukom ng kamay si Alexa. "E, gago pala 'yong lalaking 'yon, e! Akala ko matino ang gago! May kalandian palang tinatago! Nasa loob pala ang kulo!" she uttered angrily.

I Set Him Free For Someone Else (HS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon