KABANATA 12

3.8K 214 86
                                    

KABANATA 12

Ice

Nang makarating kami sa parking lot ng school ay kaagad na ipinarada ni Steven ang motor. Dali-dali akong bumaba at hinubad ang helmet.

Iniabot ko sa kan'ya ito. “Thank you,” I said.

Natataranta pa rin ako sa mga oras na ito. Lagot na talaga ako sa prof ko. Late na late na ako sa subject niya. Sermon na naman ang aabutin ko nito, or worst, ipahiya pa ako sa klase. Ayaw talaga kasi no'n ng late comers.

Kinuha niya ito. “It's nothing. You can go now.” He smiled.

I slightly bowed my head. “See you around!” Huling sabi ko bago ako tumalikod sa kan'ya at tatakbo na sana pero napahinto ako nang makita si Adrianne na nakatayo sa gilid ng motor niya habang seryosong nakatingin sa direksyon namin ni Steven.

Hindi ko alam pero parang may something sa way ng pagtitig niya. I could clearly see the emotions in his eyes—they were sad, and jealous? Katulad ang mga ito kahapon noong nakita niya kami ni Steven sa cafeteria. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang mga tingin niya. Or maybe, I was just assuming.

Iniiwas ko ang tingin ko at hindi na lang siya pinansin saka ako mabilis na naglakad paalis. Ramdam ko pa ngang sinundan niya ako tingin bago ako tuluyang makaalis sa parking lot.

Tagaktak ang pawis ko nang makarating ako sa pinto ng classroom. Napahawak ako sa dibdib ko at ilang ulit na bumuntong-hininga. I was so tired. I felt like I was going to pass out. God, tinakbo ko ba naman mula parking lot hanggang dito. Para tuloy akong aatakihin sa puso dahil sa pagod.

I slightly opened the door at sinilip ang loob, and I was like, what the hell? Bakit may kan'ya kanyang mundo 'yong classmates ko? I stepped inside and looked around—my prof wasn't here.

Napapabuntong hininga akong nagtungo sa upuan ko at ibinagsak ang sarili rito.

“Nasaan si Sir?” I asked my seatmate.

She shook her head. “I don't know. Late ata," she replied.

Isinandal ko ang ulo ko sa backrest ng upuan at ipinikit ang mata para pawiin ang pagod. Damn. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala ang prof ko at hindi ako nasermonan o dapat ba akong mainis dahil sayang lang ang pagod ko sa pagmamadali? God.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating din ang professor namin. Na-traffic daw siya sa daan kaya na-late. Kaagad naman siyang nagdiscuss.

“You can grab your lunch now,” my prof said after he finished the discussion.

Kaagad ko namang iniligpit ang gamit ko saka lumabas ng room. Nagugutom na rin kasi ako dahil hindi ako nakapag-agahan kanina.

Habang naglalakad ako ay nagulat ako nang may biglaan na lang bumangga sa akin nang malakas. I stumbled on the ground because of that.

“Ouch!” daing ko.

"Oh, sorry. Hindi ko alam na gan'yan ka pala kalampa. How pathetic."

Napaangat ako ng tingin sa taong bumangga sa akin at tumambad sa akin ang nakangising si Nicole.

“Ikaw na naman?” inis na sabi ko, “Kailan mo ba ako tatantanan ha?!” dagdag ko pa.

She smiled bitterly. “Hanggang sa mawala ka sa paningin ko,” she replied, “Ewan ko ba pero iritang irita talaga ako sa'yo. Gusto kong mawala ka sa landas ko!” sigaw pa niya.

Natawa ako nang mahina saka tumayo mula sa pagkakasalmpak sa lupa. Matapang ko siyang hinarap.

“Bakit ka naman iritang-irita sa'kin? Dahil ba ako pa rin ang hinahap ng lalaking inagaw mo sa'kin? Dahil ba pangkama lang talaga ang habol sa'yo ni Adrianne at ako pa rin ang totoong mahal?” sarcastic kong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Set Him Free For Someone Else (HS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon