KABANATA 11
Delivery
It was 5:30 in the afternoon when our professor ended his discussion and dismissed the class. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at ipinasok sa bag saka lumabas ng classroom.
Bago umuwi ay dumaan na muna ako sa Burgers and Drinks—a fast food chain near the campus, para bumili ng snacks dahil medyo kumakalam ang sikmura ko. Nagutom ako dahil sa mahabang discussion kanina. Imagine, 3-hour non-stop? God, feeling ko natuyo ang utak ko sa pakikinig.
When I entered the fast food chain, I immediately headed to the counter and order one large size hamburger, fries, and a regular coke. Mabuti na lang dahil walang pila kaya nakapag-order agad ako.
Pagkatapos kong magbayad at makuha ang resibo ay naghanap ako ng pwesto at naupo. Ilang minuto akong naghintay bago dumating ang waiter at inilapag sa mesang nasa harap ko ang mga inorder ko.
"Here's your order, Ma'am.” He smiled. “Can I check the receipt?”
Kaagad kong iniabot ang resibo at chineck niya naman agad ito saka tumango. “Thank you, Ma'am. Enjoy your food,” he said while giving back receipt to me.
Ngumiti na lang ako at umalis na rin naman siya. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad ko na rin namang kinain ang burger. Damn. I was really hungry to the point that I could eat the whole burger in just one bite.
Pero sa gitna ng paglamon ko ay bigla nalang may nagsalita.
"Oh my gosh. May patay gutom akong nakikita.”
Napatigil ako sa pagkain saka kaagad na nilingon kung sino uto at tumambad sa akin si Nicole. Otomatikong napataas ang kilay ko. God, siya na naman? Ano na naman kayang ineeksena ng bruha na 'to?
“Oh? Bakit ka napatingin? Natamaan ka ba?” She smiled teasingly.
I rolled my eyes. "Ano na namang problema mo? Stalker ba kita? Bakit lagi ka nalang sumusulpot kung nasa'n ako?” iritadong tanong ko.
Natawa siya. “Ako? Stalker mo? Yuck. Never.” She said, disgusted. “Actually, bibili sana ako ng foods here, kaso 'wag na lang pala kasi nawalan bigla ako ng gana dahil sa patay gutom na nakita ko,” she added.
Naningkit ang mga mata ko. “Patay gutom? Ako?” I pointed myself then smiled bitterly. “Well, kung patay gutom ako, e ano ka pa? Mas masahol ka pa nga sa patay gutom, e." I stood up from my seat and faced her fearlessly. "Alam mo kung bakit? Kasi kinain mo lang naman 'yong isinuka ko,” I said teasingly.
Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Mabuti naman dahil mabilis niyang naintindihan kung ano ang tinutukoy ko.
She smiled back teasingly. "Hmp? Tingin mo ba ikaw 'yong sumuka? Well, as far as I know, ikaw mismo ang iniluwa ni Adrian dahil sawang-sawa na siya sa'yo.” Bahagya niyang tinulak ang balikat ko. “Alam mo ba kung bakit?” She smirked. "Dahil nakakabagot ka raw masyado. Pinatulan ka na nga lang daw niya para may pampalipas oras siya pero hindi niya raw lubos akalain na mas mababagot lang pala siya lalo.”
Kahit hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niyang 'yon ay nakaramdam pa rin ako ng sakit. Bigla na lang kumirot ang puso ko sa mga narinig ko kahit na wala naman itong mga basehan.
Kaysa ipakita sa kan'ya na nasaktan ako sa sinabi niya ay pinilit kong ngumisi.
“If he really said that, then I don't care. It was not my problem anymore. Siguro, kaya siya nabagot sa akin, kung totoo man, ay dahil hindi ako 'yong tipo ng babae na ibinibigay ang sarili kong katawan para lang mapunan ang kailangan niya," I said sarcastically, "Unlike you, na pinakitaan lang ng motibo, bumigay naman agad.” I laughed.
BINABASA MO ANG
I Set Him Free For Someone Else (HS #1)
Roman d'amourAllaine Guevarra thought that her boyfriend was faithful to her, not until the day she caught him sleeping with someone else. Out of the desire to forget the pain, she went to a bar, got herself drunk and crossed her path with this band vocalist nam...