Chapter 6

10 0 0
                                    

Limang buwan na simula ng lumipat si Chloe sa unit ni Ryu.Naging maayos naman ang pagsasama nila.Nakasama na rin siya sa kompanya nila at nakilala na niya ang papa nito na sobrang bait at down to earth sa kabila ng pagiging mayaman.
Hindi lang siya p.a ni Ryu tagalinis,tagalaba at tagaluto rin siya nito.Gusto rin naman niya ang set-up nila.Unti-unti din niyang nakikita na mabait naman pala talaga ang binata.At lalong nagpatindi sa nararamdaman niya.

Si Ryu naman ay masaya dahil hindi na sila nagtatalo ni Chloe.Ng pinakilala niya ito sa papa niya ay tuwang-tuwa ang matanda dito dahil napaka bibo nya.Pauwi na siya galing sa isang meeting,hindi na niya pinasama si Chloe dahil mas gusto niya itong nasa bahay at aabutan niyang magluto.Para silang mag-asawa at gusto ni Ryu ang pag-iisip na yun.
Hindi na niya pakakawalan si Chloe kahit anong mangyari.
Naabotan niya si Chloe na may bisita,hindi nito napansin na dumating sita dahil masaya itong nakikipag kwentohan sa bisita nito,at di niya mapigilan ang hindi makinig.

" Ano Chloe.Ayos ka lang ba dito?swerte mo naman maganda ang offer sayo,makakapag-aaral ka na sa mga susunod na buwan at si Ryu pa kasama mo. "
saad ng babaeng parang kasing edad ni Chloe.
Kumakain ng ice cream sa Chloe na nakaupo sa lababo,at naaliw siyang tinitingnan ito.

" Anong swerte dun?Lalo ko lang nakikita na magkaiba talaga kami.Alam mo ba kung gaano siya kayaman?kahit yata ibenta ko ang kaluluwa ko hindi ako papantay sa yaman nila.Kahit isipin ko na baka mahalin ako ni Ryu malabo talaga hindi ako ang taste niya.Kaya dapat hindi ako umaasa dahil ayokong masaktan,makita ko lang siyang nakangiti sa mga simpleng ginagawa ko masaya na ako dun.Tsaka mabait na siya sa akin ngayon. " sabay lantak ng ice cream na kinakain nito.

" So deeply inlove ka pa rin pala? " nakangiting sagot ng babae.

" Mawawala din to'.Baka dahil lage ko siya nakikita pagsasawaan ko rin siya. " at tumawa ito.

Hindi naman makapaniwala si Ryu sa narinig.
" Inlove ka pala sa akin ha?Pero pinipigalan mo? " nakangising naisip niya.Bigla siyang pumasok sa kusina at nagulat ang dalawang babae.

" Sinong inlove? " sabay lapag ni Ryu ng coat niya sa mesa at lumapit kay Chloe at inagaw ang ice cream at kutsara nito at sumubo,halatang nagulat naman ang dalaga.
Napatayo naman ang bisita nito na parang natakot.

" Good evening sir. " bati nito sa kanya.

Hinampas naman siya ni Chloe dahil sa panggugulat niya.

" Huwag mo nga takotin si Ysai baka mawala pa ang nag iisang kaibigan ko dahil sayo.At akin yan,kumuha ka ng sayo. " at inagaw ulit ang ice cream niya.

" Hello Ysai.Nice to meet you.May kaibigan pala tong si Chloe ngayon ko lang nalaman. " pangising sabi niya sabay lahad ng palad nito sa kanya.

" Ahh kasama ko po siya sa cleaning crew dati sir.Mauuna na po ako,may trabaho pa din po kasi ako sa bar.Chloe?bukas ulit? " paalam nito sa kanya.

" Sige.Kita nalang tayo bukas.Hatid na kita palabas. "
sabay talon ni Chloe pababa sa inuupoan.

Nagulat naman si Ryu sa dalaga,talagang mababalian na ito sa likot gumalaw.

" Pwede ba mag dahan-dahan ka naman. " utos niya dito,inismiran lang siya ng dalaga.

" Pasyal ka ulit Ysai. " paalam niya sa dalaga.

" Salamat sir.alis na po ako. " sagot nito sa kanya.

Pagkaalis ni Ysai binalikan ni Chloe si Ryu na nasa kusina at kinakain na naman ang ice cream niya.
Nagulat siya kanina ng bigla nitong sinubo ang kutsara niya,naalala niya tuloy ang halik nito.
" Namimiss ko ba ang halik niya? " sabay sabunot sa sarili.

" Masakit ulo mo? " tanong ni Ryu na nagtataka.

" Ahh hindi naman makati lang.Kumain ka na ba?Nagluto ako ng sinigang,gusto mo initin ko? "
tanong niya sa binata,mukhang pagod ito at ginabi din ng uwi.

" Sige.Gutom nga ako hindi kasi ako kumain kasi alam ko magluluto ka. " sabay tayo at naghugas ng kamay.

Ngumiti naman si Chloe para talaga silang mag-asawa  ni Ryu.At pinaghandaan niya nga ito at sinabayan na rin niyang kumain.
Pagkatapos kumain binitbit ni Ryu sa Veranda ang wine na binuksan niya,iniwan niya si Chloe na busy sa paghuhugas ng pinagkainan nila,ayaw kasi nitong ipagpabukas pa.

Pagkatapos ni Chloe sa kusina ay nagpaalam siya kay Ryu na mauuna na siya sa kwarto niya.
Ayaw niya kasi itong istorbohin at baka may importante itong iniisip.

" Samahan mo muna ako.May sasabihin ako sayo. "
sabay abot ng wine sa kanya.Ininom naman agad ito ni Chloe,bumibilis na naman kasi ang tibok ng puso niya.
" May problema ba? " concern na tanong ni Chloe sa binata.
" Wala naman.Bukas kasi pupunta tayo kina Justin birthday party kasi ng mama niya and he invited us both. " anunsyo nito sa kanya.

" Hindi pa pwedeng ikaw nalang?baka mapahiya pa kita dun,ano nalang sasabihin ng mga tao.Sigurado ako puro mayayaman ang nandun,tsaka nakakahiya. " tanggi niya dito.

Nakatawang pinagmamasdan ni Ryu si Chloe namumula kasi ang mukha nito halatang umiiwas sa tingin niya.

" I don't care what other people will say.You're coming because Justin personally invited you. "
saad ni dito.God!how he wish he could just kiss her,pero nangako siya dito kaya dapat niyang pigilan ang sarili.

Ayaw na makipagtalo ni Chloe kay Ryu ayaw niya kasing mauwi na naman ito sa away.Gusto niyang lage silang nagkakaintindihan.

" Sige na.Sasama na ako.Goodnight! " sabay halik sa noo ng binata at pumunta na siya sa kwarto.Nagulat siya sa sarili sa ginawa niya pero hindi niya mapigilan ang sarili.

Naiwan namang tulala si Ryu.What did she just do?naisip nito.Kahit paano nila itago pareho ang nararamdaman hindi nila mapigilan ipakita sa mga kilos nila.And he smiled.

Total StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon