Chapter 10

6 0 3
                                    

Nag grocery si Chloe at namasyal na rin siya dahil may importanteng lakad si Ryu.
Pauwi na siya ng biglang may muntik makasagasa sa kanya sobrang natakot siya,at umalis lang agad ang sasakyan na hindi niya nakita kung sino ang nagmamaneho.
Pagdating sa bahay ay tinawagan niya si Ryu at binalitang dumating na siya,nakasunod lang naman pala ang binata.Kinuwento niya ang nagyari at napatayo si Ryu.

" Hindi mo ba nakita ang driver?O matandaan ang plate no.? " galit na tanong nito.

" Hey!calm down. "
at pinaupo niya ito at hinilot-hilot.
" Baka aksidente lang yun muntik niyang pagsagasa sa akin. " pagpatuloy nito.

" Paano kung nasaktan ka? " at humarap ang binata sa kanya.

" Pero ok ako di ba?Kaya ok lang. " sabay halik dito.
At niyakap niya ang binata.

Alas 2 na ng madaling araw ng hindi pa rin makatulog si Chloe.
Tiningnan niya ang nobyo na himbing na himbing habang nakayakap sa kanya.
Dahan dahan siyang bumangon at pumunta sa kusina parang nagugutom siya.
Naalimpungatan si Ryu ng hindi niya makapa si Chloe.Hinanap niya ito pero wala ito sa unit.Bigla siyang natakot alas 2 pa ng madaling araw saan naman kaya pumunta yun.Nagulat siya ng bumukas ang pinto at nakita niyang may bitbit na supot galing sa 7/11 at Jollibee ang nobya.

" Really?Baby bakit ka naman nawawala ng ganun ganun lang.At anong oras pa ohh. " at tinulongan niya itong bitbitin ang dala papunta sa kusina.

" Nagutom kasi ako.Ayoko naman gisingin ka kasi sarap ng tulog mo. " pahinging paumanhin nito.
Pagkalapag niya ng pinamili ay inumpisahan na niyang kainin ito fried chicken at ice cream.

" Baby hindi ba pwedeng bukas na yan?Baka sumakit tiyan mo madaling araw pa ohh,dapat natutulog pa tayo.May meeting pa ako ng maaga. " pakamot sa ulo na sabi ni Ryu kay Chloe.

" Mauna ka na susunod ako pagkatapos.Promise di na ako lalabas. " sabay taas ng fried chicken na kinakain niya.

" Okay.Magpakabusog ka. " at hinalikan niya ito sa noo.

Maagang umalis si Ryu hindi na niya ginising si Chloe na sarap na sarap ang tulog.Hinalikan niya ito bago umalis may meeting kasi sila ni Justin napag desisyonan niya kasing mag invest sa projects nito.

" Hoy Ryu. " sabay hampas ni Justin kay Ryu na naabotan niyang natutulog sa couch ng opisina niya.
" Pinuyat ka ba ni Chloe? " pilyong tanong nito.

" Yea bro.She's eating fried chicken and ice cream kaninang madaling araw. " kwento niya dito.

" Baka naman ginugutom mo? " biro nito.
At nagsimula na silang mag meeting.

Pagkagising ni Chloe ay sobrang sama ng pakiramdam niya.
Naiinis siya ng wala si Ryu sa tabi niya at tinawagan niya ito.

Naputol ang meeting nila Justin ng tumawag si Chloe.

" Sandali lang.I'll take this. " paalam niya sa pinsan.

" Nasaan ka? " pasigaw na tanong ni Chloe sa kabilang linya.

" Baby may meeting kami ni Justin ngayon.db sinabi ko sayo kagabi?Maaga kasi akong umalis kaya di na kita ginising.Babalik agad ako pagkatapos nito. "
paliwanag ni Ryu.

" Come home right now. " paiyak na utos ni Chloe.
At narinig niyang sumuka ito.

" Baby?Chloe?Anong nangyari?ayos ka lang ba? "
at patakbong bumalik kay Justin.
" I need to go,can we meet again later?Chloe's
sick. " tarantang paalam niya.

Nakangisi naman si Justin habang tinitingnan ang pinsan.
" Fine.I'll be here then. " sabay senyas na umalis na ito.

Biglang parang bumaliktad ang tiyan ni Chloe habang tinatawagan niya si Ryu.
Baka dahil siguro sa kinain niya kanena.
Nagulat siya ng pagtayo ay nasa pinto na si Ryu ng banyo at hinihingal.

Total StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon