Chapter 2

8 0 1
                                        

Hindi mawala sa isip ni Chloe ang nangyari sa bar kagabi paano ba naman hindi niya akalain na hahalikan siya ng costumer na yun.Matagal na niya itong napapansin na lage nalang umiinom at nasabi nito na kapag pagod siya gusto niyang umiinom.Tinatawag siya nitong " Mother " dahil lage niya itong napagsasabihan,pero alam niyang mas matanda ito sa kanya.Pero d niya mapigilang hangaan ito sa tuwing tinitingnan niya ang mga mata nito para siyang nadadala sa kung saan lupalop at ang labi nito na gustong gusto niyang halikan.
At nangyari nga kagabi,isang malaking pagkakamali na nakapukaw sa natutulog at bata niyang damdamin.Hindi siya masyado nakatulog ng dahil sa first kiss niya na yun.
Kinabukasan diretso siya sa ubang unit na lilinisan niya,hindi pa kasi siguro magpapalinis ang regular niya dahil kalilinis niya lang kahapon.
Kinabahan siya pagdating ng oras ng trabaho niya sa bar simpleng jeans at white blouse ang sinuot niya at nilugay niya ang buhok niya,wala siya sa mood mag ala punk princess ngayon.

" Makikita ko kaya siya? " tanong niya sa sarili.

Buong araw hindi lumabas si Ryu,himala yun para sa kanya paano kasi hindi mawala sa isip niya ang bartender na yun.Naligo siya at nagbihis siguradong makikita niya ito ngayon sa bar.
Sa di kalayoan makita ni Ryu ang bartender iba ang aura nito ngayon bumakat ang sexy nitong katawan sa fit na jeans at blouse na suot nito at ang buhok nito na gusto niyang amoyin.

" Bakit ko ba siya pinagpapatansyahan?It's not that I can't make her come to bed with me! " sabi niya sa sarili.Pero bakit ayaw niyang gawin yun?Gusto niyang kusa itong magpaubaya sa kanya at ayaw niyang gawin dito ang ginagawa niya sa ibang babae.
Lumapit siya ag umorder dito,hindi nito napansin na siya ang umorder.

" Sandali lang sir. " sagot ni Chloe sa order na isang beer.May nauna pa kasi dito.
Muntik niyang nabitawan ang beer ng mapagsino ang umorder nito.

" Hello mother. " nka smile na bati nito na parang walang nangyari.

Dahil sa inis,kaba at kung ano pang emosyon tinungga ni Chloe ang isang big mug ng beer ng walang hingahan,kailangan niya to para matakpan ang hiya sa mukha niya.

Nagulat naman si Ryu sa inasal ng bartender ng tunggain nito ang order niya.

" Hey you!That's my.. " at inubos na nga nito ang beer niya.

" I'm sorry but I really needed that drink.I'll get you another one. " sagot nito sabay punas sa bibig at talikod sa kanya.

Natawa siya sa naisip.Hindi lang naman pala siya ang apektado sa halik na yun.
Tinawag ni Ryu ang isa pang bartender at pinatawag ang manager nila.

Nagulat si Chloe ng bigla siyang pinatawag ng Manager dahil gusto raw siyang makausap ng may ari ng bar.ü
Pa linga-linga siya habang tinitingnan kung sino ang mukhang mayaman at baka may-ari ng bar.
Nagulat siya ng may biglang humila sa kanya papunta sa private room ng bar.

" Anak ng!Ano ba? " pag harap niya nagulat siya ng siniil siya ng halik ng lalaking humila sa kanya.At bumalik na naman ang damdaming yun,bakit hindi niya mapigilan ang sarili.Yumakap siya sa leeg ng lalaki at ganun din ito sa kanya.Kapwa sila humihingal ng maghiwalay.

" Hindi ako pinatulog ng halik mo. " sabay tingin ng lalaki sa kanya.

" Bakit mo laging ginagawa sa akin to?Harassment to db? " nanginginig na sagot ni Chloe sabay upo at tungga ng beer na nasa mesa.Gusto niyang malasing at mawalan malay para pag gising niya wala na ang lalaking to sa harap niya.

" Harassment kung hindi mi nagustohan,pero Honey your body tells me you like the way I'm kissing you. "
nakangising sagot ng lalaki sa kanya at naupo sa harap niya.

Napansin ni Ryu na niyayakap ng bartender ang sarili nito.Hinubad niya ang jacket niya at sinuot dito.

Nagulat naman si Chloe sa ginawa ng lalaki,bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya?Bumibilis ang tibok ng puso ko at gusto ko siyang yakapin.
Kumuha na naman siya ng beer sa barrel at tinungga.
Nagulat siya ng akmang aagawin ng lalaki ang baso pero naiwas niya ito.

" Hey!Wag kang makialam.Bakit ba?Ikaw lang ang may karapatang uminom? " galit na siya dito.
Pagkatapos niyang inomin kinuha ng lalaki ang baso at napasandal siya nahihilo na siya,ngayon lang siya nakainom ng ganun karami sa loob lang ng ilang oras.

" Hindi ka dapat umiinom kasama ang isang hindi mo kakilala.Paano kung may masamang balak ako sayo? " tanong nito sa kanya.

Kinuha ulit ni Chloe ang baso at nilagyan ng alak.

" Nagawa mo na ang masama mong balak kaya wala na akong dapat katakotan. " at ininom niya ulit ito.

" Hey easy there!Marami na nainom mo.Are you even allowed to drink? " sabay bawi sa baso naaliw siya habang pinagmamasdan ito mukhang mas apektado talaga ito sa mga halik niya.
Nagulat siya ng bigla itong tumayo at lumapit sa kanya.

" Bakit mo ako ginaganito?Anong kasalanan ko?Anong ginagawa mo sa akin? " lasing na turan ni  Chloe sa lalaki.Gusto niya itong sakalin hanggang sa mawalan ito ng buhay.Hindi niya malaman kung bakit ganito nalang ang nararamdaman niya para sa lalaki,pakiramdan niya poprotektahan siya nito pero alam niya sasaktan din siya nito.

" Lasing ka na.Mag-uusap pa naman sana tayo ng matino pero paano ehh ako lang ang matino ngayon. " sabay kamot ni Ryu sa ulo.
Ihahatid na kita sa inyo.

" Hindi!Ayoko!Dito lang ako.Iinom ako hanggang lamonin ako ng lupa.Nabigla siya ng umupo ito sa sahig at sinipa ang upoan niya.
" Walang hiya ka!Bakit mo ba kasi ako hinalikan?Alam mo bang virgin pa to ha? "
sabay turo sa sarili.
" Tatapos isang d ko kilala ang first kiss ko? "
sabay gulo ng buhok nito.

Hindi mapigilan ni Ryu na matawa sa hitsura ng bartender.At sa sinabi nito,talaga pa sinabi niya
yun?Parang may kung anong humaplos sa puso niya.Parang gusto niyang alagaan ang babaeng nasa harapan niya,hindi niya matanggap na may ibang lalaking hahalik o hahawak man lang dito.

Total StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon