Pagkagaling ni Chloe kay Ryu ay dumiretso siya sa kwarto niya.Hindi niya maalis sa isip ang pag-uusap nila ni Ryu.Kahit gusto niya ang narinig pero alam niyang malabo,nasasaktan man siya ngayon pero mas masasaktan siya kung ipipilit niya ang sarili niya dito.Makakalimutan din nila ni Ryu ang isat-isa.
" Chloe? " tawag ni Ysai sa kanya.Matalik niyang kaibigan si Ysai at kasama niya rin sa cleaning crew at sa bar.
" Bakit? " matamlay niyang sagot dito.
" Saan ka natulog kagabi?Huling kita ko sayo sinukahan mo yung gwapong lalaking kasama mo palabas ng club. " nakangisi ito sa kanya.
" Si Mr.R yun,yung regular na nag rirequest sa akin.Doon din ako nakatulog sa unit niya.At kumain kami,at nag-usap.At mahal ko siya. " at hindi na nga napigilan ni Chloe ang sarili at niyakap siya ni Ysai.
" Taha na.Kung ano man yan magiging maayos din yan.Kaya mo yan,ikaw pa.Siya nga pala sabi ni Manager pinapatawag ka ni Mr.Lao ang may-ari nitong Condotel may sasabihin daw sayo. " sabay punas ng mga luha niya.
" Bakit daw ako kakausapin ng may-ari?Naku baka nalaman niya yung nangyari kagabi,baka kilala niya si Mr.R at tatanggalan ako ng trabaho. "
at agad siyang tumayo papunta sa opisina ng Manager nila.
At nandun nga si Mr.Lao sa tingin niya ay magkasing edad lang ito ni Ryu pero mas mukhang strikto ito." Good morning sir. " bati niya dito.
" So ikaw pala si Chloe? " sabay lahad ng kamay nito.
Kinamayan naman ito ni Chloe." Narinig ko ang insidente na nangyari kagabi tungkol sa pinsan ko. " seryosong sabi nito.
" Sabi ko na nga ba.Patay ako nito!Humanda ka Ryu. "
sabi ni Chloe sa sarili." At dahil dun napahiya siya sa lahat,at sabi niya may unfinished business kayo.Sisisantihin sana kita,dahil sa nangyari kasi umalis ka at nalasing sa oras ng trabaho at alam mo naman strikto ako sa trabaho. "
gusto ng tumawa ni Justjn dahil sa seryosong mukha ni Chloe sa harap niya,maganda nga pala talaga ang dalaga at mukhang mabait kaya pala ganun nalang ang gusto ni Ryu dito.
Nagulat siya ng biglang sumagot ito." Yun pinsan niyo talaga.Hindi na ako magtitimpi sa kanya.Siya naman ang may kasalanan sa akin ahh tapos ngayon ako ang mawawalan ng trabaho?Siya tong hindi matanggap sa sarili na hindi ko siya gusto,ayoko sa kanya.Tapos gagawin niya sa akin to?Bakit dahil akala niya mayaman siya,gwapo,at masarap humalik ay may karapatan na siyang ganitohin ako?Papatayin ko talaga yun. " galit na wika ni Chloe hindi na niya napigilan ang galit hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho dahil malaki ang kinikita niya sa Condo at libre pa ang tinitirhan niya.
" His a good kisser huh? " tanong ni Justin na nakangiti.
" Sir,bigyan niyo po ako ng chance.Kailangan ko po talaga tong trabaho ko,sa kalye ako pupulotin pag nagkataon,kailangan ko pa mag ipon para sa pag-aaral ko.Huwag na kayong makinig sa pinsan niyong utak isda. " pagmamakaawa ni Chloe.
Nakangisi naman si Ryu habang nakikinig sa pag-uusap ni Chloe at Justin sa cellpone niya tinawagan niya kasi ito at sinabing makikinig siya sa magiging usapan nila.
" See?she likes the way I kiss.Pero ayaw niya sa akin. "
sabi niya sa sarili.Nagsalita ulit si Justin sa background." Fine.Follow me. " at pinatay na nito ang cellphone.
" Sir,saan tayo pupunta? " tanong ni Chloe habang nasa elevator na siya.
" Sa solusyon ng problema mo. " nka smile ito sa kanya,mukha naman palang mabait ito.
Gustong tumakbo ni Chloe palayo ng makita kung kaninong unit sila huminto.
Bakit ba siya pinapahirapan ng tadhana!
Nakangising Ryu ang bumukas ng pinto at dahil sa galit ay bigla niya itong sinuntok.Sapol sa panga at napaatras ito.
Nagulat naman si Justin sa inasal ng dalaga,at tumawa sa ginawa nito." So i'll leave you both to talk.Baka mabahiran pa ng dugo ang mga kamay ko. " sabay talikod.
Nagulat naman si Ryu ng suntok ang bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto.May lahi bang Bruce Lee si Chloe at ang lakas manuntok.
" Aray ha?Ano ba problema mo at bigla ka nalang nagiging marahas? " habang hawak ng pisngi niya at hinila si Chloe papasok.
" Kulang pa yan.Babasagin ko talaga yang gwapo mong mukha sa pinag gagagawa mo.Ano ba talaga gusto mo?Kailangan ko tong trabaho ko para makapag ipon dahil gusto ko mag-aaral.At wala na akong ibang mapupuntahan sa ngayon dahil kulang pa ang ipon ko. " at napaiyak na ito.
" Tigilan mo na ako Ryu. "Naiinis si Ryu sa sarili dahil lage niya nalang napapaiyak si Chloe.Ang gusto lang naman niya ay mapalapit sa talaga at ma realize nito na meant to be sila.
" I have an offer for you. " sabay pahid sa luha ng dalaga.
" I'll hire you bilang personal assistant,cleaning crew and bartender tataasan ko pa ang usually na sahod mo.Hindi na kita iinisin at hahalikan basta-basta.At pwede ka rin mag-aaral habang nagtatrabaho sa akin.Sabihin na nating peace offering ko.Kailangan ko kasi ng assistant ngayon since lage ako sa company ni papa at you look smart to be just a bartender.And besides if tatanggihan mo ang offer ko wala ka na rin trabaho sa Condotel nato I'll make sure of it.So ano? " at sabay upo sa sofa na nakangisi.Pinag-isipan ni Chloe ang offer ni Ryu.Personal assistant at pwede pa siyang mag-aral habang nagtatrabaho dito at higit sa lahat hindi na siya hahalikan nito basta-basta,bakit sa lahat ng offer yun ang hindi niya nagustohan?
" Total nandito na rin lang naman ako.At may utang ka naman talaga sa akin.I'll accept it.So pwede ako mag-aaral next sem? " masayang sagot nito.
" Yes!I'll personally enroll you sa Professional World Academy maganda daw ang offer ng Tourism course nila dun. " at nilahad niya ang kamay dito.
" So saan ba kwarto mo at ng makalipat ka na. " dugton niya dito." Anong lilipat?Saan? " nagtakang tanong ni Chloe.
" Since you're mine now.You'll live here para mas madali kitang makita.At tsaka di ka na pwede sa staff room dahil hindi ka na sa condotel nagtatrabaho.Nakakapagod bumaba para hanapin ka lang. " pa ngiting sabi nito.
" Anak ng!Ryu naman ehh.Pwede bang kuhanan mo nalang ako ng sariling unit kaysa tumira ako kasama mo?total mayaman ka naman tsaka pinsan mo si Mr.Lao malaki discount mo dun. " sagot ni Chloe kay Ryu habang pa lakad-lakad.Hindi pwedeng tumira sila sa isang bobong talagang talong-talo siya kay Ryu,lalo lang niya nitong gugulohin ang nararamdaman niya na pilit niyang kinakalimutan.
" May dalawang kwarto itong unit ko at tsaka bakit ako bibili sayang lang yun.Pwede naman tayong dalawa dito.Tsaka nag iipon ka naman db?Di ikaw ang bumili.At pangako ko sayo hindi na ako gagawa ng bagay na makakasakit sayo. " at inismiran siya nito.