Nagising si Chloe dahil nagugutom na naman siya.Sa dami ng kinain niya sa haponan,gutom na naman siya.Ilang araw na siya ganito,hindi niya maintindihan ang pagbabago niya sa sarili.
Tiningnan niya ang oras ala una pa ng madaling araw,niyakap niya si Ryu at tinusok tusok ang ilong nito." Babe?Babe? " gising niya dito." Gusto ko ng pizza. "
Binuka ni Ryu ang mga mata niya nagugutom na naman si Chloe.
" Hmmm?Pizza?Gusto mo initin ko niyang natira? "
sabay bangon.
Nakangisi lang si Chloe sa kanya,at binuhat niya ito papunta sa kusina.
Pagkatapos niyang initin ang pizza nilagay niya sa plato at binigay kay Chloe,nilagyan niya din ito ng gatas.Kung buntis man ito gusto niyang maging healthy ito at ang baby nila excited na siya ma dalhin ito sa doctor bukas." Babe?Can we go to the doctor tomorrow? "
sabi niya dito." Bakit?may sakit ka ba? " tanong nito.
" Hindi ako ikaw.I think you're pregnant. "
naka smile na sabi nito.Muntik ng nabulonan si Chloe sa sinabi ni Ryu.Buntis?Siya?Natakip niya sa bibig niya ang mga kamay niya.Ngayon lang niya naalala hindi pa siya dinadatnan.
Nilapitan siya ni Ryu." Alam mo anong ibig sabihin nito?Magkaka baby na tayo.At dapat pakasalan mo ako. " sabay halik sa tungki ng ilong nito.
" Ano ba namang proposal to.Wala man lang fireworks,background song at singsing. " sabay yakap sa leeg ng nobyo.
Kinabukasan isang magandang balita nga ang natanggap nila.4 weeks pregnant si Chloe.
Tuwang-tuwa naman ang magulang ni Ryu na sumama talaga sa check-up ni Chloe." This is a very good news.Magiging lola na ako. "
sabay yakap ng mama ni Ryu kay Chloe.
" At mama na ang itawag mo sa akin. "
utos nito." Congratulations anak. " bati naman ng papa ni Ryu at niyakap si Chloe.Hindi niya mapigilan ang maiyak,kay tagal niyang pinangarap na magkaroon ng pamilya at unti-unti ng natutupad.
Niyakap siya ni Ryu." Babe bakit? " at hinigpitan nito ang yakap sa kanya.
" Masaya lang ako. " at gumanti siya ng yakap dito.
Pagkalipas ng 2 buwan ikakasal na sila
Chloe at Ryu.ü
Ang mama mismo ni Ryu ang wedding planner nila.
Isang garden wedding sa mansion ng mga Smith ang magaganap,surprise announcement din ang pagbubuntis ni Chloe tanging malalapit lang nila Chloe at Ryu ang nakakaalam.
Papunta na si Chloe sa venue ng garden wedding nila walang pagsidlan ng saya ang pakiramdam niya sa wakas ay makakasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya.Ü
Tinawagan niya si Ryu." Baby bakit? " ng sagotin nito ang telepono.
" I'm just making sure if sisipot ka ba.Baka kasi takbohan mo ako ehh. " birong sagot nito.