Chapter 9

8 0 1
                                        

Nagising si Chloe na nararamdaman ang sakit sa puson niya at masakit din ang ulo niya.Naalala niya ang mainit na pagniniig na pinagsalohan nila ni Ryu ng nakaraang gabi,hindi niya napigilan ang sariling mapangiti at namula ang mukha niya ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran.
Ng humarap siya dito ay mas lalong lumawak ang ngiti niya,sana habang buhay siyang gumising na ang mukha ni Ryu ang una niyang makikita.
Nilaro laro niya ang buhok ni Ryu at hinalikan niya ito,nagulat siya ng tinugon nito ang halik niya.

" Kay aga-aga tinutukso mo ako. " pilyong sabi ni Ryu sabay buka ng mga mata nito.
" Ok ka lang ba? " concern ito sa kanya dahil alam nitong siya ang unang lalaki sa buhay niya at pinangako niya ito din ang huli.

" Ok lang ako.Maingat ka naman ehh.Pero sa tingin ko mahihirapan akong tumayo ngayon medyo malaki ka kasi. " at namula ito sa sinabi.
Tumawa din si Ryu sa komento ng dalaga.

" Buong araw tayo dito ngayon kaya wag kang mag alala.Aalagaan kita hanggang sa malakas ka na ulit. "
sabay nakaw ng halik dito at tumayo na ito at naligo.Paglabas ni Ryu ay inutusan siya ni Ryu na maligo at magluluto daw muna siya.
Inayos muna ni Chloe ang higaan ng pigilan siya ni Ryu.

" Don't do that.Tatawag nalang ako ng cleaning crew para diyan.Sige na. " at tinulak siya ni Ryu papasok ng banyo.

Paglabas niya naamoy niya ang pancake na niluluto ni Ryu.
Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang pinagmamasdan ang lalaking mahal niya na inaalagaan siya.

" Hungry baby? " nakangiting tanong nito sa kanya at kinintalan siya ng halik.Tumango lang si Chloe,sana hindi matapos ang kasiyahan na to.
Tumawag si Ryu ng tagalinis at habang kumakain sila nililinis naman ng tinawagan nito ang kwarto nila.

" Sana ako nalang ang nagpalit nun.Nakakahiya! "
habang kumakain.

" Ok lang yun.Bakit ka mahihiya?Mahal mo naman ako db? " nanunuyang saad nito.
Nakita ni Ryu na namula si Chloe.

" Pero..kasii.. " at tiningnan siya ng kunwari masama ni Ryu at nagpatuloy sa pagkain.
" Ryu,tungkol sa nangyari ayoko obligahin ka dahil lang dun.Ginusto ko rin naman ehh.Patuloy pa rin ang deal natin? " tanong nito.

" The deal is off.I'll provide for you.You don't have to work anymore.Mag-aaral ka at matutulog tayo sa iisang kwarto simula ngayon.And don't think about last night as just some fun sex.We did that because we love each other. " sabay hila ni Ryu sa dalaga at pinaupo niya ito sa kandungan niya.

" How can someone like you fall for someone like me? " mangiyak ngiyak si Chloe habang yakap siya ni Ryu.

" You're perfect.And I love you. " sabay ng pagkasabi nun ay hinalikan ni Ryu si Chloe,binuhat niya ito papunta sa kwarto ni Chloe kasi may naglilinis pa sa kwarto niya.At doon inangkin niya ng paulit-ulit ang dalaga.

Nag aya si Ryu na pupunta sila ni Chloe sa bahay nila at opisyal na ipakilala sa magulang nito.ö
Tinawagan niya ang magulang at excited ito sa pagdating nila!
Nasa sasakyan sila at nakahawak si Chloe sa kamay ni Ryu,di niya mapigilan ang kaba niya.

" Ano ba.Magugustohan ka nila. " at hinalikan ang kamay ng nobya.

" Hindi ko mapigilan ehh.Sigurado ka ba?alam mo naman sa tv kapag ganitong sitwasyon inaayawan ng mayayaman ang mahirap. " saad nito.

Tumawa ng tumawa si Ryu kakaiba talaga mag-isip si Chloe.

" Babe,hindi sa totoong buhay.Huwag ka kasi lagi manood ng ganun. " nakangising sagot niya.

Namangha si Chloe sa laki ng bahay nila Ryu mas malaki pa sa bahay nila Justin may maluwag na pool at garden na punong puno ng bulaklak.At daming sasakyan.
Pagpasok nila ay sinalubong sila ng mama at papa ni Ryu.
Hinalikan ni Ryu ang mama niya at niyakap ang papa nito.

" Ma this is Chloe. " masayang pakilala nito sa akin.
Kilala naman ako ng papa niya kaya nginitian ako ng huli.
" Hello Hija.Sa wakas nakilala rin kita. " hinalikan si Chloe sa pisngi ng mama at papa ni Ryu na kapwa mababait.
Pagpasok ay dumiretso sila sa kusina dahil naghanda daw ito ng tanghalian.
Masaya sila habang kumakain ng tanghalian at nagkwento ang magulang ni Ryu ng nakakatawa tungkol sa kanya.
Kinwento naman ni Chloe ang buhay niya sa kanila at maluwag nila itong tinanggap.Suportado nila ang relasyon nila ni Ryu.
Inimbitahan din nila silang dun na rin matulog pumunta si Chloe sa may pool pagkatapos ng masayang usapan,may lalakarin din kasi daw ang mga magulang ni Ryu.Habang inakyat ni Ryu ang gamit nila nag ikot ikot muna ang dalaga.Ng napagod ay umupo siya sa gilid ng pool at binabad niya ang paa sa tubig.
Napaisip siya kung totoo ba talaga itong mga nangyayari sa kanya.
Totoo ba tong kaligayahan na nararamdaman niya ngayon?Nagulat siya ng biglang may yumakap sa likod niya at pareho silang nagpatihulog sa tubig.

" Ryu. " sabay hawak sa leeg niya.

" Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? "
tanong nito sa kanya habang niyayakap siya sa ilalim ng tubig.

" Hindi lang kasi ako makapaniwala na nangyayari to sa akin ngayon.Sobrang saya ko dahil kasama kita. " at hinalikan niya ito.

Total StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon