Chapter 7:
Maghapon akong hindi pinapansin ni Sam. Iniiwasan nya ako. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong matandaang nagawa o nasabing masama sa kanya.
Simula kaninang umaga, matapos mag-almusal hindi na sya kumibo. Hinintay ko sya kaninang umaga para sabay na kaming pumasok sa trabaho, pero nauna na pala sya. Halatang iniiwasan nya ako kahit nasa trabaho kami. Hindi rin nya ako kinakausap. Bakit kaya?
“Jason hinihintay mo si Tam?” tanong ni Joy.
“Oo.”
“Nasa loob pa. May iniutos pa si Sir. Kayo ha.” Nanunudyo ang mga ngiti ni Joy. Pero hinayaan ko lang sya.
“Bakla tara na.” tawag kay Joy ng isa pa naming katrabaho.
“Teka lang—sige Jason ha, una na ko.”
“Sige.”
Umalis na si Joy. Saktong natanawan kong palabas na si Sam. Naglagay sya ng earphone sa tenga. Alam kong nakita nya ako pero parang wala lang sa kanya. Sinubukan ko syang tawagin pero hindi sya lumingon. May suot nga pala syang earphone.
Sinundan ko sya. Tahimik akong naglalakad sa likuran nya. Nakakapanibago, ang tahimik nya. Ayaw nya talaga akong kausapin. Ano bang nagawa ko?
“Uy!” kinalabit ko sya.
Lumingon sya pero hindi nagsalita. Sinundan ko pa rin sya.
“Uy!” kalabit ko ulet.
“Sinusundan mo ba ako?” Bigla sya tumigil sa paglalakad. Muntik na akong bumangga sa kanyang likuran, mabuti na lang naging maagap ako.
“Magkapitbahay kaya tayo.” Nagsimula na ulet syang maglakad.
Naririnig nya ako kahit may suot syang earphone?
“Galit ka ba sa akin?”
“Hindi.”
“Iniiwasan mo ba ako?”
“Hindi rin.”
“Bakit hindi mo ako pinapansin?”
“Bakit ba ang kulit mo?” Tumigil na naman sya.
“Hindi mo kase ako pinapansin. Baka may nagawa ako na ikinagalit mo. Meron ba?”
“Wala.”
“Bakit ba ang suplada mo?”
“Bakit ba ang kulit kulit mo? Tanong ka ng tanong.”
“So hindi ka nga galit?”
“Hindi nga.”
“Bati na tayo?”
“Magkaaway ba tayo?”
“Hindi mo kase ako pinapansin.”
“Ang kulit mo. Alam mo yon?”
“Hindi.”
Tumigil na naman sya sa paglalakad saka humarap sa akin. Todo ngiti ako, pero bigla nya akong inirapan. Hala! Bakit na naman?
“Uy peace na tayo.”
“Tsee!”
“Ngingiti na yan.”
“Ewan ko sa’yo.”
“Ngingiti na yan. Ayan na oh.” Sinubukan ko syang kilitiin sa tagiliran nya pero mabilis syang nakaiwas.
“Tigilan mo nga ako.”
“Ngingiti na yan. Uy—Ngingiti na yan.”
“Ang kulit mo. Para kang bata.”

BINABASA MO ANG
Please Be Careful with My Heart (Revised)
Ficción GeneralOh huwag ng magtaka. Hindi ito Book 2, eto pa rin iyong original ng Please Be Careful with My Heart. Nirevised ko lang po para masaya. Marami pong bago dito. Kaya I suggest basahin nyo pa rin. Thank You. Partey-Partey :)