A/N: Meeeheeeheee 😂🙊
Hindi alam ni Nathan kung bakit sya napadpad dito sa lugar ni Sean. Kakalabas nya lang galing university, isang advantage ng part-timer hawak mo ang oras mo. Free ka na umalis pagkatapos ng turo.
His mind is still floating. He wasn't even sure kung ano bang pinagsasabi nya sa klase kanina. Lutang na lutang talaga ang pakiramdam nya. Habang nagdadrive kanina, maswerteng hindi sya naaksidente dahil sobrang preoccupied ng isip nya. He was going nowhere. Basta ang direksyon nya papauwi ng apartment. Kaso nung malapit na sya at tanaw na nya ang gate, bigla na lang syang nag U-TURN na para bang may sariling buhay yung kamay nya. Hanggang napadpad sya sa cupcake store ni Sean. Wala namang masyadong tao, may ilang clients lang na inaasikaso ang kaibigan nya nung dumating sya. Couple na nagpapagawa ng wedding cake. He waited on a corner, binigyan naman sya ng red tea and a slice of mocha chiffon cake nung isang crew ng shop. Pero hindi naman nagtagal at umalis na rin ang mga clients ni Sean.
"O pare, what brought you here?" Sean sat on the chair in front of him.
Napatingin lang sya kay Sean, tinitimbang ang nararamdaman at nasa isip nya. Pakiramdam nya sasabig sya pag walang napagsabihan.
Then he heaved a deep sigh.
"I... I think... I kissed Pibi last night."
---
OFFICE
Two days after ng unexpected reunion nila ni Nathan. Naniniwala pa rin si Pibi na walang katotohanan ang lahat. Muka na nga syang timang kakakumbinsi sa sarili nya, at madalas talaga syang tulala.
Kahit sa office daig pa nyang nakadrugs."HUUUUUY!!! SABOG KA?!" Kinalampag ni Andeng ang mesa nya. Di nya namalayan naa nakapasok na to sa cubicle nya.
"Tanga naman Andeng kakagulat to!" She frowned, at nagmamadaling inayos ang illustrations nya.
"Lakas ng tama mo eh! Siguro may two hours ka ng tulala dyan sa paperclips." Andeng propped her back on the cubicle's wall.
Hindi sumagot si Pibi. Nagpatuloy lang sya sa pag-aayos ng mga drawings nya sa table.
"Sino pala naghatid sayo pauwi nung isang gabi? Wasted ka raw ah!" Andeng eyed her conspiciously.
Umirap muna sya bago sumagot. "Si Brix yata. Di ko nga alam pano nun nalaman ang address ng bahay namin."
Andeng laughed boisterously. Napalingon tuloy sa kanila yung ibang kasamahan nila sa opisina.
"Andrea! Wag ka ngang maingay!" Tinakpan na ni Pibi yung bibig ni Andeng. Pero tawang tawa pa rin yung isa. Maya-maya when her laugh has subsided.
"Galing ni Brix no? Hahahaha!" Andeng
Confused. Annoyed.
Pinili na lang ni Pibi na wag patulan ang morning craziness ni Andeng. And just decided to change the topic.
"Deng, aalis na pala ulit si Chin?"
Andrea easily transformed into her usual sarcastic mode.
"Uh talaga? Good riddance."
Hindi naman nakalampas kay Pibi na biglang umiwas ng tingin sa kanya si Andrea.
"Alam mo ikaw ang sama mo kay Chin kahit kelan."
"Ako?! Masama?? Ako pa talaga??"
"Well as long as it works for you guys, okay lang naman, kaso baka minsan nasasaktan na rin si Chino sa mga pinagsasabi mo."
