Chloe's POV
Ilang buwan ng wala ang bestfriend ko miss na miss ko na sya. Wala tuloy akong kasama sa pagsashopping, sa pag-gala at sa lahat. Wala na akong baliw na bestfriend. Hindi ko nga alam kung paano ako naka survive ng wala akong bestfriend na katulad ni Sandra.
Andito ako ngayon sa Mall to be exact sa isang fast food chain, nagpapalipas oras. Naboboring na kasi ako sa bahay. Si Andrew naman umamin na gusto na nya si Sandra kaso umalis naman ang bestfriend ko. Baliw talaga hindi man lang sinabi sakin na aalis sya, hindi man lang nagtext o tumawag.
Nagulat ako kasi may biglang nagpatong ng tray sa lamesa. Pagtingin ko.
"Stephen?"
Bigla akong natigilan. Shet naman oh, bakit sya nandito. Sinusundan ba nya ako. Hahaha.
"Can i seat?"
Hindi ako makaimik. Parang walang lumalabas sa bibig ko.
"Ayaw mo ata. Sige lilipat na lang ako."
"Nooo. Ahm i mean okay lang, wala din naman akong kasama eh."
"Hahaha. Nakakatawa ka talaga. Diba may gusto ka sakin." Teka paano ba nya nalaman na gusto ko sya. Wala namang nagsasabi ah. Ay alam ko na si Andrew baliw din yun eh. Magkaibigan silang dalawa siguro naikwento nya.
"Ahm oo." Nahihiya kong sabi. "Okay lang naman na hindi mo ako gusto, hayaan mo na lang akong mahalin ka." Tinignan ko sya habang sinasabi ko yan. "Si Cousin ba ang nagsabi sayo."
"Oo. Sige hindi naman kita pagbabawalan na mahalin ako, ang gwapo ko kasi eh." Nag pogi sign pa sya. "Balita ko umalis daw si Sandra."
May pagka mayabang din pala to. Ngayon ko lang nalaman.
"Oo three months na syang wala pero malapit na yun bumalik. Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Masama ba magtanong?"
"Oo. Nagseselos ako eh." Bigla syang natigilan.
"Hahahaha. Pinagseselosan mo ang bestfriend mo? Naku hindi kami talo kasi gusto sya ni Andrew."
So may chance na magustuhan nya si Sandra. Maganda at mabait si Sandra kaya madaming boys ang nagkakagusto sa kanya. At hindi malabong magustuhan nya si Sandra. Siguro kung walang gusto si Andrew baka naligawan na nya.
"Hindi noh, hinding hindi ako magseselos kay Sandra kasi ayaw kong magkagalit kami ng dahil sa lalaki. Bestfriend before Boys ang rule namin sa isa't isa. Pag may nagkagusto kay Sandra na gusto ko magpapaubaya ako at ganun din sya."
"So paano kung gusto ko si Sandra? Magpapaubaya ka ba?"
"Teka akala ko ba wala kang gusto sa kanya?" Natawa sya. Napa-pout na lang ako. "Kung mangyari man yun, move on agad. Madami pa naman dyang iba eh."
"Hahaha joke lang. Mahal mo talaga si Sandra noh? Magpapaubaya ka para sa kanya."
"Oo para ko na syang kapatid. Mabait kasi sya pero may pagkamaldita minsan pero dun ko sya minahal. Swerte nga ako kasi may bestfriend akong tulad nya."
"Kung walang gusto siguro si Andrew kay Sandra, magugustuhan ko din sya, naunahan lang kasi ako ni Andrew eh."
Oo na. Alam ko naman na magugustuhan mo din sya. Pero buti na lang at naunahan ka ni Andrew. Hahaha.
"Bestfriend before girls din ba kayo?" Tumango sya. "Anyway why are you here?"
"Wala lang. Ayaw kasing lumabas ni Andrew eh, may problema ba yun?"
"Hindi ko alam. Pupunta nga ako dun mamaya sama ka?"
"Sige wala din naman kasi akong gagawin. Gusto mo gala tayo?"
YOU ARE READING
This Kind Of Love
Teen FictionWhat if ang taong gustong gusto mo ay biglang magkagusto sayo pero sa puntong iyon hindi mo na sya gusto. Maibabalik pa kaya ang feelings na nawala?