Chapter 30: Confusing

57 0 0
                                    

Sandra's POV

Tinanghali ako ng gising ngayon kasi hindi ako nakatulog kagabi ng ayos. Naiisip ko kasi yung kiss namin ni Mico. Kyaaaah. Hindi ko na alam kung ano bang real score sa pagitan namin. Feeling ko kami na pero sabi niya hindi ko pa daw siya sinasagot kaya hindi pa kami. MU siguro kami, kasi gusto na namin ang isa't isa. Hay ang gulo. Umamin na nga ako eh pero hindi pa din kami. Bahala siya.

Bumangon na ako. May pasok kami pero hindi ako pumasok kasi late na din naman ako. Siguro mamayang tanghali na lang.

Beep.

Kinuha ko ang phone ko. Pagtingin ko may 3 text messages ako. Galing kay Chloe, kay Drew at kay Mico.

Una kong binasa yung kay bes.

From: Chloe

Sandra i miss you. Antagal na nating hindi nakakapagbonding. Anyway i understand naman, I know busy ka kay Mr. Mico Atienza. Hahaha. And I know about couz, sinabi na niya sakin ang lahat kaya hindi mo na kailangan magkwento. I'm happy for you kasi narealize mo na kung sino ba talaga ang mahal mo. Sana magtagal kayo ni Mico. I'm happy for both of you. Mwuah.

Hahahaha. Grabe ang bestfriend ko. Pero ang saya ko kasi may bestfriend akong tulad niya. At tama siya miss ko na din siya. Hindi na kami nakakapag bonding kasi lagi kaming magkasama ni Mico. Nireplayan ko siya.

To: Chloe

Best sorry. I miss you too. Makakabawi din ako sayo. And about samin ni Mico thanks din sa support pero hindi pa din kami. Makakapag bonding ulit tayo I promise.

Sent.

Sunod kong binasa kay Drew.

From: Drew

Sandra thank you kasi friends pa din tayo. Don't worry i don't have a feelings for you. Aaminin ko mayroon pa din kaso makakalimutan ko din yun, hindi kasi ganun kadaling kalimutan ka. Anyway I'm happy for the both of you. Sana si Mico na ang makakapagpasaya sayo.

Grabe yung mga messages nila sakin. Lalo na siguro kapag nabasa ko ang text ni Mico. Nireplayan ko si Drew.

To: Drew

I understand you Drew mahirap kalimutan ang taong gusto mo kasi naranasan ko din yan sayo. Pero huwag kang mag-alala makakalimutan mo din ako. And thanks kasi dahil sayo narealize ko na mahal ko na si Mico. And for our friendship don't worry hindi ko yun ipagdadamot sayo. Okay lang sakin kahit na may feelings ka pa din sakin.

Sent.

After kong basahin ang kay Chloe at kay Drew, kay Mico naman. Ihahanda ko na ang sarili ko kasi I know na lalanggamin ako sa mga laman ng text niya.

From: Gwapong_Mico <3

Good morning prinsesa ko. Hindi ka pumasok siguro hindi ka nakatulog sa kiss ko sayo kahapon. Hahaha. But don't worry kahit na puyat ka pa mahal pa din kita. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko. Anyway susunduim kita diyan sa inyo. Maghanda ka na mahal kong Sandra. Mwuah. I love you. :*

Kyaaaah. Ang sweet talaga ni Mico. Grabe yung emoticon niya ha. May mwuah na may :* pa. Lunod na ako sa kiss niya. Bwahahaha. Nilagay ko na ang phone ko sa bulsa ko at bumaba na ako. I know may sermon na naman ako pagbaba ko. Swerte ko na lang kapag pumasok na sa office sila Mama.

Pagbaba ko. Nagulat ako kasi andito silang lahat. Wala ba silang pasok. Aakyat uli sana ako kaso nakita ako ng magaling kong Kuya.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa."

Eto na naman tayo. Napatingin silang lahat sakin. Si Carlo lang ang wala kasi pumasok na siya. No choice ako kundi bumababa na.

"Maupo ka na dito Sandra."

This Kind Of LoveWhere stories live. Discover now