Mico's POV
Nandito ako ngayon sa may rooftop kasi sabi ko kay Sandra na dito ko siya aantayin. Pero mukhang hindi na siya darating kasi naka ilang beses na akong tumawag sa kanya pero hindi siya sumasagot. Baka narealize niya na si Andrew talaga ang mahal niya. Ang sakit man isipin pero kailangan kong tanggapin. Mahal na mahal ko na siya pero kung mas pipiliin niya si Andrew rerespituhin ko na lang ang desisyon niya.
Akala ko magiging masaya na ako pero hindi pa din pala. Umasa lang ako na magugustuhan din ako ni Sandra.
Tinago ko na ang phone ko, wala na din naman akong aantayin, mukhang pumili na siya over us. Tumayo na ako. I decided na bumaba na lang kasi mahirap maghintay sa isang tao lalo na kung hindi mo alam kung may dapat ka pa bang antayin.
Pagbaba ko, nakasalubong ko siya. Mukhang nagtataka ang itsura niya. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko din naman kasi alam ang sasabihin ko.
"Ahm Mico..."
Yan na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang iiwan na nga niya ako. Pwede bang huwag mo na lang sabihin. Hindi ko pa kasi kayang marinig ngayon. Pwede bang sa ibang araw mo na lang sabihin.
"Mico saan ka pupunta?"
Ano bang dapat kong sabihin. Nakakainis naman kasi eh. Kung ano ano na tuloy ang tumatakbo sa isip ko.
"Hey Mico okay ka lang ba?"
This time, hinawakan na niya ang braso ko. Gusto ko na siyang yakapin sa huling pagkakataon pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita siya sa iba.
"Mico."
Natauhan lang ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Mukha na siguro akong timang kanina.
"Sandra okay lang ako."
Sa wakas na gawa ko din magsalita.
"Sure?" Tumango ako. Kahit hindi talaga ako okay tumango pa din ako. Ayaw ko kasing ipakita o sabihin sa kanya na hindi talaga ako okay. Lalo na't pinili niya si Andrew over me. Ang sakit kasi eh. Ngumiti siya. Nakakamiss ang ngiti niya. Lalo na't mawawala na siya sa tabi ko. Parang hindi ko kakayanin na mawala siya. Ano bang dapat kong gawin? "Mico bakit umiiyak ka?"
Umiiyak? Ako umiiyak? Hinawakan ko ang pisnge ko. At takte may luha nga. Bakit ako umiiyak?
"Napuwing lang ako." Pinahid ko ang luha sa pisnge ko. Siguro umiiyak ako dahil sa kanya. Dahil malalayo na siya sakin. Yun ang kinatatakutan kong mangyari, ang mawala siya sa buhay ko.
"Maupo nga muna tayo." Naupo kami sa may hagdan. "I know may problema ka. Sabihin mo sakin."
Sasabihin ko ba sa kanya? Natatakot kasi ako eh.
"Mico ano ba. Sabihin mo na sakin."
Siguro kailangan ko na ngang sabihin sa kanya. Para matahimik na din ako.
"Kung siya ang pinili mo okay lang sakin." Yumuko ako. "Hindi naman kasi kita pipigilan kung siya talaga ang gusto mo eh." May pumatak na luha sa mata ko. Naiiyak na naman ako. Ang sakit kasi eh. "Sige na lumakad ka na. Baka inaantay ka na niya." Nakayuko pa din ako. Ayaw ko kasing makita niya na umiiyak ako.
"Hahahahahaha." Napatingin ako sa kanya. Teka. May nakakatawa ba sa sinabi ko. Baliw tong babaeng ito, pasalamat siya mahal ko siya.
Bigla siyang tumigil sa pagtawa ng mapatingin siya sakin. Ano na naman ba. May nagawa ba ako?
"Umiiyak ka na naman?" Pinahid niya ang pisnge ko. Naging seryoso na ang mukha niya. "Sorry kung napaiyak kita or nasaktan kita. Kaya lang naman ako nagtagal at hindi na sagot ang tawag mo kasi nag usap lang kami ni Drew."
YOU ARE READING
This Kind Of Love
Roman pour AdolescentsWhat if ang taong gustong gusto mo ay biglang magkagusto sayo pero sa puntong iyon hindi mo na sya gusto. Maibabalik pa kaya ang feelings na nawala?