Chapter 26: Man to man

40 0 0
                                    

Mico's POV

Nagtext sakin si Sandra.

From: Pretty Sandra

Mico okay ka lang ba? Pasensiya ka na sa mga kapatid ko, ganun lang talaga sila. Sige kitakits na lang sa bahay.

Napangiti ako habang binabasa ko ang text niya. Nakakatuwa kasi yung mga kapatid niya ang kukulit pero at the same time kinakabahan ako sa mga kapatid niya baka nga nagtatransform sila, yung tipong nagiging halimaw.

Nireplayan ko siya.

To: Pretty Sandra

Oo okay lang ako. Kinakabahan nga ako sa mga kapatid mo. But don't worry gwapo ako kaya matatanggap nila ako. Hahahaha.

Sent.

"Mahal mo ba talaga si Sandra?" Nagulat ako kasi biglang nagsalita itong katabi ko.

"Oo. Bakit mo naman naitanong?"

"Huwag na huwag mo siyang sasaktan kasi kapag nangyari yun aagawin ko siya sayo. Tandaan mo na may gusto pa din ako sa kanya."

Mas nagulat ako sa sinabi niya. Siya may gusto pa din kay Sandra? Akala ko ba wala na siyang gusto?

"Hindi yun mangyayari." Hinding hindi ko sasaktan si Sandra. Oo masasaktan siya hindi yun maiiwasan kasi lahat naman ng umiibig nasasaktan pero sa punto namin ni Sandra hindi ko yun hahayaan na mangyari. Hindi ko siya sasaktan kasi mahal na mahal ko siya.

"Siguraduhin mo lang. Kasi kapag nasaktan siya hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo."

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nina Sandra.

Paano nga kung masaktan ko si Sandra ng hindi ko inaasahan? Natatakot ako na baka agawin siya sa akin ni Andrew. Si Andrew pa din siya, ang dating gusto ni Sandra, hindi malayong bumalik yung feelings ni Sandra para kay Andrew kasi andami nilang connections. Pinsan siya ng bestfriend ni Sandra at bestfriend naman siya ng Kuya ni Sandra. Haist ano ba tong iniisip ko.

Bumaba na ako sa kotse ko. Kanina pa palang nasa loob si Andrew. Pag naririnig ko ang pangalan ni Andrew natatakot ako kasi baka nga isang araw mangyari yung sinabi niya. No. Erase. Erase. Hindi yun mangyayari. Positibo lang dapat.

"Okay ka lang ba?" Hindi ko namalayan na nandito na pala si Sandra sa labas. Masyado ko kasing iniisip yung sinabi sa akin ni Andrew.

"Ahm Yeah. I'm okay."

"Sure?" Tumango ako. Ayaw kong magsinungaling sa kanya pero sa ngayon ayaw kong sabihin sa kanya yung sinabi sa akin ni Andrew, hindi pa ito yung tamang panahon para sabihin yun sa kanya.  "Tara na sa loob, nag aantay na sila Papa." Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry Mico magugustuhan ka nila. Huwag mo na lang isipin sila Kuya kasi nang aasar lang yun."

"Opo Pretty Sandra." pagbibiro ko. Pinisil ko ang pisnge niya. Binitawan ko na ang kamay niya. Ayaw ko kasing isipin ng pamilya niya na ang bilis ko. Baka sabihin nila na nanliligaw pa lang ako pero hinahawakan ko na ang kamay ni sandra.

"Bakit mo binitawan ang kamay ko?"

"Hindi nila pwedeng makita na naghoholding hands tayo baka maging halimaw ang mga kapatid mo kapag nakitang magkaholding hands tayo." Pagbibiro ko. Natawa naman si Sandra.

"Hahaha. Baliw ka talaga. Tara na nga sa loob." Pumasok na kami sa loob. Yung Mama at Papa lang ni Sandra  ang nandito sa sala nila. Siguro nasa mga kwarto nila yung mga kapatid niya pati na din si Andrew.

"Mama, Papa andito na po si Mico." Napatingin sila sa akin.

"Good afternoon po Mam at Sir." Bati ko sa kanila. Kinakabahan ako.

This Kind Of LoveWhere stories live. Discover now