Grey's POV
Kahapon pa ako umuwi pero hindi ko sinabi kay Sandra kasi I want to suprise her. Balita ko andito na din si Mikmik, yun ang sabi ni Tita sakin, yung mommy ni mikmik. Mga 2 months na ata, i don't know.
Naligo lang ako at gusto kong pumunta kina Sandra. Kahit sa family niya hindi ko pinaalam, close ako sa family niya kaya okay lang na makitulog ako sa bahay nila. Parang magkapatid na kami ni Sandra even though Ex ko siya. Pero past is past ika nga niya. Nung una nailang din kami sa isa't isa pero hindi nagtagal bumalik yung closeness namin ni Sandra. At tsaka may girlfriend na din naman ako ngayon.
Kinuha ko ang susi ng kotse ni Daddy at umalis na. Mga ilang minuto lang naman ang papunta kina Sandra. I missed her badly. Matagal na din nung huli kami nagkita, siguro mga 15 years old kami. Mga 2 years and half. I don't know the exact year, basta matagal na.
Huminto ako sa may tapat ng bahay nila pero hindi ganun kalapit basta sakto lang para makita ko ang bahay nila. Ayaw ko naman kasing magpakita agad. Hindi pa din ako bumababa. Nakita kong nagbukas ang gate nila. At si Sandra ang lumabas dun. Mas gumanda siya ngayon, i guess may boyfriend na siya. Naupo siya sa may bench sa labas ng bahay nila. Mga 5 minutes na siguro siya nag-aantay at 5 minutes na din akong nakatingin sa kanya mula dito sa kotse ko. Tumayo na siya siguro papasok ulit siya sa loob ng bahay nila. Kinuha ko ang phone ko and i dial her number. Nakita kong kinuha niya ang phone niya.
["Grey?"] Yan agad ang bungad niya sakin. Halata mo sa boses niya na hindi siya sure sa kausap niya. Hahaha. Paano ba naman tumawag ako sa kanya at ang gamit kong number ay hindi roaming. Syempre magtataka siya. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya kasi nakatalikod siya.
"Yup. It's me. How are you my dearest bestfriend?" I decide na bumaba na ng kotse. Naglakad ako ng konti palapit sa kanya.
["I'm okay. But wait bakit hindi roaming ang gamit mo. Don't tell me na nakauwi ka na dito sa Pinas."] See. Alam niya na agad na nandito ako. Ganyan kabilis ang pakiramdam niya even though may pagkaslow siya.
"Yup. Sorry if i don't tell you. Anyway tumalikod ka."
Hindi na siya nagsalita pa at humarap siya sakin. Nahulog ang phone niya i don't know why. Siguro nagulat siya sa nakita niya. Hahaha. I missed her face.
"Grey it's that you?" Tumango ako. Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. The way she hugs me, alam mo na miss niya ako. And I'm happy kasi she miss me. Mga ilang minutes kaming magkayakap.
"Ehem." Bigla kaming bumitaw ni Sandra sa pagkakayakap. Sabay kaming napatingin ni Sandra.
"Mico/Mikmik" sabay na sabi namin ni Sandra. Napatingin sakin si Sandra. Hindi ba niya alam na si Mico ay si Mikmik?
"Grey?" Tumango ako. Lumapit siya sakin tapos niyakap niya ako. Yung yakap na panlalaki. Hahaha. Basta ganun. "Long time no see. Kailan ka pa umuwi?" Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin. "Magkakilala kayo ni Sandra?"
Syempre magbestfriend kami eh. At diba kaming tatlo ang magbebestfriend? Anong nangyari sa kanya. Don't tell me na. Huwag naman sana.
"Oo magkakilala kami. Ikaw si Mikmik? Ba't hindi mo sakin sinabi? For almost 2 months tinago mo sakin."
Oo nga noh.
"Wait lang guys. Magbebestfriend tayo, marami ba akong hindi nalalaman?"
Nung sinabi ko na magbebestfriend kami parang hindi makapaniwala si Mikmik. Ano bang nangyari sa kanya. Sana'y mali ang nasa isip ko.
"Pumasok nga muna tayo sa loob. At Mico may kasalanan ka sakin."
Napakamot ng ulo si Mikmik.
"Sige Sandra susunod kami ni Mikmik este ni Mico pala, may pag-uusapan lang kami." Tumango na lang siya. I know pipigilan niya kami pero nginitian ko siya. Hahaha. Alam na niya kasi kapag ngumiti ako.
YOU ARE READING
This Kind Of Love
Teen FictionWhat if ang taong gustong gusto mo ay biglang magkagusto sayo pero sa puntong iyon hindi mo na sya gusto. Maibabalik pa kaya ang feelings na nawala?