Chapter 21: Mico's Treat (Part 2)

58 0 2
                                    

Sandra's POV

Hindi namin namalayan na ubos na pala yung kwek kwek na binili namin kay Manong.

"Gusto mo pa Sandra?"

"Hindi na Kuya Mico." Pagbibiro ko.

"Kuya Mico?"

"Hahaha. Diba sabi mo para na tayong magkapatid kaya Kuya Mico ang tawag ko."

"Oo para tayong magkapatid pero huwag mo akong tawaging Kuya Mico, baka akalain nila na matanda na ako. Hindi na tuloy ako makakapang chicks." Babaero talaga o baka naman sinasabi niya lang yun para mag mukha siyang playboy. Hahaha.

"Hahaha. Oo na. Mag mall na lang tayo."

"Sige." Pumunta na kami sa kotse ni Mico, nagdrive na siya. Mga ilang minuto dumating na kami.

"Sandra behave okay."

"Opo Kuya Mico." Hahaha. Natatawa ako sa mukha niya. Ba't ba ayaw niyang magpatawag ng Kuya? "I mean Mico pala." Sabay peace sign. Hahaha. Baka magalit pa siya at hindi na niya ako ilibre. Waaah, hindi pwede.

Pumasok na kami sa loob. Ang daming babaeng nakatingin samin. Oo na, may kasama kasi akong gwapo. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Mico. Hahaha. Magselos kayo.

"What are you doing?" Bulong sakin ni Mico.

"Ang dami kasing nakatinging girls eh. Gusto ko lang silang galitin. Hahaha." Pinisil niya ang pisnge ko.

"Baliw ka talaga."

"Same as you." Sabay dila. Ngumiti na lang siya. Mukha ba kaming mag boyfriend-girlfriend?

Nakikita ko yung ibang girls na umiirap, yung iba naman nagbubulungan. Who cares.

May biglang bumangga samin dahilan para matumba ako. Ako lang ang natumba pero si Mico nakatayo pa din tapos yung babae napaupo din sa sahig.

"Fvck." Sigaw nung babae. So siya pa ang may gana na magalit. Tinulungan ako ni Mico na makatayo.

"Okay ka lang." Bulong sakin ni Mico. Tumango na lang ako. Tumayo na din yung babae.

"Bulag ka ba?" Sigaw ulit nung babae. "O sadyang malandi ka lang kaya kung saan saan ka nakatingin kaya nakakabangga ka ng tao." Ako? Malandi? Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito. At mukhang hindi siya taga dito kasi may accent ang pagsasalita niya ng tagalog.

"Hey miss sorry about that. And don't call her malandi cause she's not. Or baka ikaw ang Malandi?"

"Mico bakit mo naman sinabi yun?" Bulong ko sa kanya. Hindi ako warfreak kaya hindi ako pumapatol kung kani-kanino. Nagiging warfreak lang ako pag below the belt na. "Tara na Mico." Hinawakan ko ang braso niya pero

"Aray."

"Saan ka pupunta?"

Sinabunutan ako nung babaeng nakabangga ko. Problema niya? May galit ba siya sakin pero i don't know her. Humarang si Mico para hindi ulit ako masaktan ng baliw na babaeng yun.

"Hoy Miss kung sino ka man. Sumosobra ka na. Anong karapatan mo para saktan siya. Kilala ka ba namin?"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Kasi malandi siya."

"Ikaw ang malandi. Kung pwede lang tumigil ka na baka makalimutan ko na babae ka." inakbayan ako ni Mico at naglakad na kami palayo.

"Humanda ka sa aking babae ka. I'll hunt you."

Ano daw? I'll hunt you? Ano bang ginawa ko sa kanya. Nababaliw na ata siya.

This Kind Of LoveWhere stories live. Discover now