Sandra's POV
Andito ako ngayon kina Stephen kasi niyaya nya akong pumunta dito kasi miss na daw nila ako ni Chloe. Grabe akala mo matagal akong nawala eh, siguro nga matagal na yun pero hindi ko naramdaman eh kasi nag enjoy ako ng sobra, andoon kasi ang bestfriend ko na si Grey kaya hindi ako nabored kung saan saan ako pinasyal ng bestfriend ko,namiss din nya ako eh. Wala na samin yung past kahit na ex-boyfriend ko sya, bestfriend pa din kami kasi yun ang usapan namin at tsaka may girlfriend na sya ngayon, si Allyson. Maganda sya at mabait, nakilala ko na sya, bagay sila ng bestfriend ko, i hope na silang dalawa na ang para sa isa't isa. Pinay din sya pero dun lang lumaki.
Umorder si Stephen ng Pizza, nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano, nagdate pala ang dalawa hindi nila sakin sinasabi, mga baliw talaga, akala nila may malilihim sila sakin pero nagkakamali sila. Hahaha.
After namin kumain ng Pizza, nag excuse ako sa kanilang dalawa na mag Ccr lang ako. Biglang sumagi sa isipan ko yung sinabi ni Stephen kanina. Paano nga kung nandito si Andrew, malamang nagwalk out na ako. Oo hindi ko na sya gusto pero kapag lagi ko syang makikita at makakasama, natatakot ako na baka biglang bumalik yung feelings ko para sa kanya. Hindi malabong mangyari yun kasi pinsan sya ng bestfriend ko na si Chloe, kung nasaan si Chloe andun din si Andrew minsan eh palagi akong kasama ni Chloe, edi makikita ko sya palagi.
Beep.
May nagtext sakin kinuha ko ang phone ko, pagtingin ko si Carlo lang pala. Umuwi na daw ako kasi miss na daw nya ako, grabe akala mo hindi kami magkasama sa bahay. Nireplayan ko sya sabi ko okay, papaalam lang ako kina Stephen at Chloe.
Pumunta na ako sa sala kung nasaan ang dalawa.
"Ahm guys uuwi na ako. Nagtext kasi si Carlo eh."
Lumapit sakin si Chloe then pinulupot nya ang kamay nya sa braso ko. Naglalambing na naman ang bestfriend ko. I know na may kailangan sya or di kaya may binabalak. Ganyan sya. For almost three years of friendship nakilala ko na sya ng husto. Para na nga kaming magkapatid eh.
"Sandra mamaya ka na lang umuwi. Ako na ang bahala kay Carlo. Sabay na tayong umuwi. Namiss kasi kita eh."
"Pero."
"Sige na. Please." Nagpuppy eyes pa sya. May kailangan to sakin panigurado.
"Sige na nga. Itetext ko na lang muna si Carlo." Nagulat ako sa ginawa nya, bigla nya kasing inagaw ang phone ko. Problema nya.
"Hindi na. Ako na ang bahalang magsabi kay Carlo. Hoy Stephen diba may pinapakuha ako sayo."
"Ah. Oo nga pala. Nakalimutan ko. Ahm Sandra pwedeng pakuha ako ng bag ko sa kwarto ko may kukunin lang ako sa kotse ko."
"Teka bakit ako? Andyan naman si Chloe eh." Mukhang may nasesense ako. Bakit ako ang uutusan nyang kumuha ng bag nya. May binabalak ba sila?
"Ikaw na kasi Sandra, ikaw ang gusto ni Stephen na kumuha ng bag nya. At tsaka may gagawin lang ako sa Kitchen."
"Sige na nga. Ang tamad nyo talaga. Pasalamat kayo at maganda ako este mabait pala. Hahaha. " pumayag na din ako, wala na din naman akong magagawa kasi alam ko na pagtutulungan lang nila ako. Ganito ba nila ako namiss?
Umakyat na ako sa taas. Alam ko kung saan ang kwarto ni Stephen kasi nakapasok na ako dito, isang beses lang. Pumasok na ako sa kwarto nya. Binuksan ko ang ilaw. Takte ang dilim, diba uso ang ilaw dito. Nakakatakot naman, wala naman sigurong multo dito kasi kung mayron lagot sakin si Stephen. Alam naman nila na takot ako sa multo eh. Nilakasan ko ang loob ko, hinanap ko ang switch ng ilaw. At buti naman nahanap ko agad kung hindi, hindi ko na kukunin yung bag. Hinanap ko agad ang bag nya pero di ko makita, saan ba kasi nya nilagay, ang laki laki kasi ng kwarto nya kaya ang hirap maghanap. Buti pa yung kwarto ko tama lang para sakin, hindi malaki hindi din maliit. As in tama lang talaga.
YOU ARE READING
This Kind Of Love
Roman pour AdolescentsWhat if ang taong gustong gusto mo ay biglang magkagusto sayo pero sa puntong iyon hindi mo na sya gusto. Maibabalik pa kaya ang feelings na nawala?