One

71 3 1
                                    

"Imbyerna naman, ang aga namang masira ang araw ko" paismid kong sabi sa sarili nang makita sa newsfeed ko ang picture ng dalawa. Pagbukas na pagbukas ko kasi ng fb ay iyon agad ang bumungad sa akin. Heto tuloy at nagngingitngit ang kalooban ko. Minsan na nga lang ako mag-open ng fb ko tapos eto pa ang sumalubong sa akin.

Nasa isang korean restaurant ang dalawa at halatang masaya sila. So 1 year na pala ang relasyon nila. Ano naman ngayon? Kailangan talagang ipangalandakan sa fb world na nagcecelebrate sila ng anniversarry nila? Tapos may message pang nalalaman? Bakit? Para mainggit at magyabang? Ikinaganda niya na yun?

"Kairita" sabi ko sabay ibinalibag sa sofa ang cellphone.

"Something wrong?" tanong ni Penny na papalapit sakanya at may dalang isang baso ng juice at naupo na sa tabi niya. "What's with the face?" tanong pa nito.

"Wala" sagot ko.

Inilapag ni Penny ang baso sa center table at hinarap siya. "Wala? Eh bakit parang nalugi yang itsura mo?"

"May nakita lang ako na masakit sa mata" inis kong sabi. Sumandal ako at bahagyang pumikit.

Narinig ko namang tumawa ang kaibigan. "I knew it. Sabi ko na nga ba eh" sabi nito at tumawa ulit.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang hawak na nito ang cellphone ko. Alam kong nakita na nito yung picture.

"Tawa ka pa diyan" sabi ko at kinuha mula rito ang cellphone ko.

"Ano ka ba naman Moly, hanggang ngayon ba apektado ka parin?" naiiling nitong sabi.

"I am not affected" sabi ko.

Napahalukipkip nalang ako. Si Stephen ang lalaking nasa picture at kasama nito ang girlfriend na si Ali. Ang yes, i am affected!

"Oh my!! I thought you already moved on. Ilang taon ka na bang umaasa sa kanya?"

"Hindi ako umaasa okay?" sabi ko at pinandilatan ko siya mg mata.

Sebastian is my ultimate crush since elementary. Hindi ko maintindihan kung bakit ko siya naging crush. I already like him since the day i saw him. Kakatapos lang ng flag ceremony nun at nakapila kaming naglalakad pabalik ng classroom. Then i saw him. Siya yung lalaking unang nagparamdam sakin ng kilig. Kahit na may sakit ako ay nagpupumilit akong pumasok para lang makita siya. Kaibigan ito ni Penny pero kahit pa bestfriend ko siya ay hindi kami naging magkaibigan ni Stephen. Hindi ko nga maintindihan kung bakit. Parang iniiwasan niya ako at sinasadyang wag makipagkaibigan sakin. Hanggang tingin at ngitian lang kaming dalawa kapag nagkikita o nagkakasalubong.

"Eh bakit ka nasasaktan?"

"Sino naman ang may sabing nasasaktan ako?" deny ko pa.

Kahit pa ipilit kong wag aminin ang nararamdaman ko ay alam kong hindi ito maniniwala. Alam kasi ni Penny ang mga pinagdaanan ko para lang mapalapit kay Stephen.

"Naku saakin ka pa ba maglilihim? Sabi ko naman kasi sayo kalimutan mo na siya. Hindi kayo ang nakatadhana kaya ibaon mo na sa limot yang feelings mo para kay Sebastian" litanya nito at inabot ang juice saka uminom.

"Eh kung si Ali nalang kaya ang ibaon ko at nang makalimutan siya ni Stephen"

"Baliw ka talaga"

Napabuntong hininga ako. "Ilang simbang gabi ba ang kailangan kong kumpletuhin para matupad yung wish ko? Dapat ba mag-abang ako ng meteor shower para bongga?" seryoso ako. Every year ay isinasakripisyo ko ang mahimbing na tulog para lang makumpleto ko ang simbang gabi at makapagwish. Isa lang naman ang wish ko, ang magustuhan ako ni Stephen. Hindi parin ako sumusuko kahit na nga alam ko namang hindi matutupad yun. Malay mo naman maghimala at mapunta siya sa akin.

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now