Six

20 0 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas mula nung huling magkita sila ni Stephen. Dapat ay umipekto na yung gayumang pinainom ko sakanya. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ito nagpapakita. Samantalang yung sa kakilala ni Thelma ay wala pang 24hours ay gumana na agad. Ibig ba sabihin noon ay hindi dito gumana ang gayuma?

Should i say it's already over? Ano pa ba ang ipaglalaban ko? Kung ang gayuma nga hindi umipekto ano pa kaya? Dasal nalang ganun?

"Moly, nakikinig ka ba?" tinapik siya ng kaibigan sa balikat.

Para naman siyang natauhan. "What did you say?" obviously hindi talaga ako nakikinig. Kanina pa ito salita ng salita pero ni isa ay wala akong naintindihan.

Napailing nalang ito "lutang ka nanaman, ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" pinagmasdan siya nito.

"Nothing" pagsisinungaling ko. "Ano nga ulit yung sinasabi mo?" pag-iiba ko. Baka magtanong pa ito ng kung ano ano.

"As i was saying, we will be needing 2 persons to help us"

"For what?"

"To do the painting and other stuff"

"No need. Kaya naman natin yan so hindi na natin kailangan ng tutulong sa atin" tanggi ko. Hindi naman nila kailangang baguhin ang buong gallery. Wala akong planong magdagdag ng kung ano-ano. Kailangan maging maluwag yun dahil dadalo din ang PWD's na estudyante niya.

"Hindi ka pwede, baka kung ano pa ang mangyari diyan sa kamay mo at hindi ka na makapagpinta. You have to be very careful"

Naiintindihan ko naman ang gusto nitong mangyari. "Wala tayong pambayad" diretso kong sabi. Kailangan kong tipirin yung budget para sa art exhibit.

"I can do that for free"

Sabay kaming napalingon ni Penny sa pinto at nakita doon si Stephen. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko siya. Pakiramdam ko ay ilang taon ko na siyang hindi nakikita. I missed him so bad. Ano kaya ang nangyari sa gayuma?

"Wala ng bawian yan ha" sabi ni Penny.

Napangiti ang binata at lumapit sa kanila. Sumulyap ito sa kanya. "I'm yours now" sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Hindi ako mapakali sa ginagawa nitong pagtitig. Kakaiba din ang naging dating sa akin ng sinabi nito. Naguluhan ako bigla sa sinabi nito. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Tinutukoy niya ba yung tungkol sa trabaho o akin na siya sa totoong buhay? "Are you sure?" tanong ko.

"Yes. Ngayon lang ako naging sigurado sa buhay ko" sabi nito.

Umiwas ako ng tingin , hindi ko na kayang salubungin pa ang pagtitig nito sa akin. He's acting so weird. Epekto na ba to ng gayuma? Ibig ba sabihin nito ay mahal na ako ni Stephen?

"Excuse me, are we still talking about the free labor?" singit ni Penny na salitan kaming tiningnan.

"Ofcourse we are. May iba pa ba?" sabi ko at umiwas na. Masyadong mapang-usig ang mga tingin ni Penny. "Pano mo naman kami matutulungan eh di ba may trabaho ka?" tanong ko kay Stephen.

"I am on leave for a month" tila ba excited na sabi nito.

Agad akong napatingin dito. Seriously? Nakaleave siya? "If you're on leave then why help us? Dapat magbakasyon ka, magpahinga and spend time with your loved ones" para naman akong tinutusok dahil sa sinabi ko. I am refering to Ali, diba ito naman talaga ang mahal niya at hindi ako.

"Kaya ko nga kayo tutulungan. To spend more time with you" nakangiti nitong sabi.

I am speechless. Gusto kong magtago at sumigaw sa sobrang kilig. Para akong matutunaw sa mga pinagsasabi nito. Ako ang gusto niyang makasama at hindi si Ali. Confirmed! Gumana nga ang gayuma. What can i say?

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now