Eleven

10 0 0
                                    

Isang linggo na akong nagkukulong sa kwarto ko mula nung gabing yun. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpinta buong araw, kung minsan pa nga ay hindi na ako natutulog. Wala akong pakialam kahit na mukha na akong zombie. Basta ang gusto ko lang ay maging busy ako para hindi ko na maalala si Stephen. I am pushing my self to move on. Wala akong karapatan para magreklamo na nasasaktan ako.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig ko ang marahang pagkatok.

"Come in" sabi ko lang at ibinalik na ang atensiyon sa ginagawa. Sa nakalipas na ilang araw ay hindi ko parin matapos tapos ang ginagawa ko. Ilang beses din kasi akong umulit.

"Miss Moly nasa telepono po si Miss Penny" sabi ng kasambahay nila.

"Bakit daw?" tanong ko. Ipinagbilin ko na kasi dito na hindi ako makikipag-usap kahit na kanino kung hindi naman importante.

"Tungkol daw po sa paintings ng mga estudyante niyo" sagot naman ng kasambahay.

Nilingon ko ito at kinuha ang telepono. "Hello Penny, napick-up mo na ba?" tanong ko.

"At talagang wala kang balak na kausapin ako" galit na sabi ni Penny.

Napabuntong hininga nalang ako. "Kailangan ko lang magfocus sa ginagawa ko, remember we only have two weeks left before the exhibit and my theme is not yet complete" sabi ko.

"Pati ba naman ako Moly, I am your bestfriend and yet..."

"Penny, kung napick-up mo na ang mga paintings just leave it in the gallery ako na ang bahala" putol ko sa sinasabi nito. Alam ko na kung saan papunta ang sinasabi nito at ayokong pag-usapan yun.

"What is wrong with you Moly?"

Sandali akong hindi nagsalita. "K-kung wala ka ng ibang sasabihin ay ibababa ko na to. May kailangan pa akong tapusin".

"Fine. Pagbibigyan muna kita kung ayaw mo pa pag-usapan ang mga nangyari. But i want you to know that you're being unfair with Stephen"

"Bye Penny" then i hang up. Dahil sa kasalanang nagawa ko, feeling ko i don't deserve na marinig ang pangalan niya. Ibinigay ko ang telepono kay Lisa. "Bring me coffee...dark coffee" sabi ko.

"Miss Moly pinapasabi po ni Sir Arthur na wag na daw kitang bigyan ng kape kung hindi ka daw kakain" sabi nito.

Napapikit nalang ako. Puro kape lang ang laman ng tiyan ko. Hindi naman kasi ako nakakaramdam ng gutom.

"Just a cup of coffee Lisa, don't worry hindi ito malalaman ni Daddy" sabi ko.

Nakatayo lang ang babae sa harapan niya at nag-aalangan ito kung susunod ba sa sinasabi niya.

"Wala naman dito si Dad kaya hindi niya malalaman, so go and bring me a cup of black coffee" sabi ko.

"Hindi po pwede"

"And why not?"

"May guard po sa labas ng kwarto niyo"

Natawa ako sa sinabi nito "stop it Lisa" sabi ko. Tiningnan ko ito pero seryoso parin ang itsura nito. "No way" i hurriedly walk out the door and to my surprise i saw one of my Dad's bodyguard.

"Good afternoon Mam" bati sa kanya ng lalaki. Ito yung pinakabata sa mga bodyguard ni Dad.

"Kelan ka pa nandiyan?" tanong ko sa lalaki.

"Halos isang linggo na po" sagot naman nito.

"Damn!" may bodyguard na pala sa labas ng kwarto ko nang hindi ko man lang alam. "Nilagay ka diyan ni Dad just to report how many cup of coffee i drink in a day?" naiiling kong sabi.

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now