Nine

9 0 0
                                    

"Hello hugsy wugsy?" sagot ko sa tawag nito. Kasama ko si Garlic at kakatapos lang namin magpacheckup sa vet.

"Tapos na ba kayo ni Garlic?" tanong nito sa kabilang linya.

"Yes, kakatapos lang. Nasaan ka na?" tanong ko dito. "Wag kang malikot Garlic" saway ko sa alaga. Karga ko ito pero ang likot likot nito na gustong bumaba.

"Sorry huggy boo, hindi pa tapos yung kotse ko"

"It's okay. Sabi ko naman sayo wag mo na kaming sunduin" sabi ko. Coding ang kotse kaya nagpahatid lang ako sa driver ni Daddy kanina dahil nasa Davao naman ito. Then Stephen told her na ito na magsusundo sakanya kaya pinauwi niya na ang driver.

"Sorry talaga, hindi ko naman akalain na matatagalan ako dito".

"Don't say sorry hugsy wugsy, i told you na okay lang. Magpapasundo nalang kami kay Mang Isko, wala naman si Dad kaya pwede ko pa siyang hiramin" sabi ko naman.

"Are you sure na okay lang? Hindi na to mauulit huggy boo, promise."
Napangiti ako. He's so sweet. Ayaw na ayaw ni Stephen na hindi nito nagagawa ang sinabi. I'm sure nagngingitngit ito dahil hindi siya nasundo. Gusto ko tuloy siyang yakapin ng mahigpit.

"Relax ka lang diyan. Kasama ko naman si Garlic. Just make sure na maayos yang kotse mo para iwas aksidente okay? I'll call you later, tatawagan ko lang si Mang Isko" paalam ko dito.

"I love you huggy boo"

"I love you, bye" sabi ko at pinutol na ang linya.

Nilagyan ko ng dog chain si Garlic at ibinaba na. Pagkatapos ko tawagan si Mang Isko ay naglakad lakad muna kami ni Garlic sa labas.

"Garlic don't run" sabi ko sa alaga nang tumakbo ito at hilahila siya. Tumigil naman ito pagkatapos ay tiningnan siya. "Just walk okay" sabi ko dito. Naintindihan naman siya nito at naglakad nga ito.

Pagkatapos namin tumawid ay nakita ko si Henry na nakatayo sa may di kalayuan. May mga bitbit itong shopping bag at parang may hinihintay. Nag-iisip pa ako kung lalapitan ko ba ito pero napatingin na ang lalaki sa kanya.

"Moly" tawag nito sabay kaway sa kanya.

Kumaway din ako kay Henry. Wala na akong nagawa kundi ang lumapit dito.

"What are you doing here?" una itong nagtanong nang makalapit siya.

"Galing kami sa vet and we're waiting for the driver to pick us up" sagot ko. "Ikaw? Sinong kasama mo?" i asked him.

I am expecting that he's waiting for Ali. Matagal na din akong walang balita dito mula nung naging kami ni Stephen. Hindi ako nagtatanong kahit na ano tungkol dito. The truth is, iniiwasan ko talaga siyang makita. I don't want to see her, pakiramdam ko kasi ay babawiin niya si Stephen sa akin.

"I'm with my wife, may tinitingnan lang siya sa loob" sabay turo sa appliance store na nasa likuran nito.

His wife? Akala ko ba ay naghiwalay na ito? Naguguluhan ako. "You mean your ex-wife" i corrected him.

Ngumiti lang ito. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiting yun. Then suddenly i felt worried. Worried for the fact that i might lose Stephen. Ano ba talaga ang status nito at ni Ali? Nagkabalikan na ba sila ng asawa nito?

"Hey, are you okay?" tanong nito.

Para naman akong natauhan nang hawakan ako sa braso ni Henry. Hindi ko napansin na malalim na pala ang iniisip ko.

"Yeah i'm fine, madami lang kasi akong iniisip ngayon" sabi ko.

"I've heard you're having an art exhibit. If you need an architect i can help you" sabi nito.

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now