Five

44 1 2
                                    

"Seryoso ka ba ineng?" labis ang pagtataka ng matanda nang sabihin niyang kailangan niya ng gayuma. "Sa ganda mong iyan ay hindi mo na dapat kailangan pa ng gayuma, pihado akong madaming lalaki ang nagkakagusto sayo"

"Pero hindi po ako mahal ng lalaking mahal ko." sabi ko. "Sige na po Nanay Suling tulungan niyo naman ako. I am aware that there are consequences, kung meron man. Pero wala na po akong pakialam basta mahalin lang niya ako. Promise, this is not forever. Konting panahon lang Nanay Suling then i will stop na."

"O sya tutulungan kita, hindi naman mapanganib ang gayumang ginagawa ko."

Natuwa naman ako sa sinabi ng matanda. "Thank you Nanay Suling"

"Hindi ko ito ginagawa para magkapera lang ineng. May malalim akong rason kung bakit ako gumagawa ng gayuma. Malalaman mo din yun ineng sa tamang panahon"

Tumayo ang matanda. Kumuha ito ng basong may lamang kaunting tubig, papel at lapis. Inabot din nito ang isang bote na hindi ko alam kung ano ang laman pagkatapos ay binalikan siya. Inilapag nito ang mga bitbit sa mesa.

"Isulat mo diyan sa papel ang buong pangalan ng lalaking yun" utos ni Nanay Suling.

Agad ko naman isinulat ang buong pangalan ni Stephen, pagkatapos ay ibigay iyon sa matanda. Tinupi ni Nanay Suling ang papel ng tatlong beses at inilapag sa mesa katabi ng basong may tubig. Binuksan nito ang bote at pinatakan ng tatlong beses ang baso. Hindi naman langis ang laman ng bote, kulay pula iyon na medyo malapot. Habang ginagawa iyon ng matanda ay may sinasambit ito na hindi ko naman maintindihan kahit pa anong pilit ko.

Hindi ko maiwasang kabahan habang pinagmamasdan si Nanay Suling. Tama ba itong ginagawa ko? Am i being too selfish? Parang gusto kong umatras. Pero sa tuwing naiisip ko na niloloko lang siya ni Ali ay napapatunayan kong tama lang ito. Sa ganitong paraan ay matutulungan ko si Stephen na kahit papaano ay hindi masaktan kapag iniwan siya ni Ali. And at the same time, ititigil na din ni Dad ang kalokohan nitong ipakasal siya kung kanino.

Isiniksik ni Nanay Suling ang papel sa maliit na bote at ibinuhos doon ang laman ng baso. Pagkatapos ay ibinigay na iyon sakanya.

"Ito na po ba yun?" tanong niya habang pinagmamasdan ang maliit na bote.

"Hindi pa ineng" sagot naman nito. "Kailangan mo pa itong orasyunan. Mamayang hating gabi magsindi ka ng tatlong kulay pulang kandila at ipagitna mo itong bote"

Tumango ako, pinakinggan ko ng mabuti ang mga sinasabi nito para hindi ako magkamali. Iyon ang huli at importanteng parte ng ginawang gayuma ni Nanay Suling para maging mabisa iyon.

"Tandaan mo ineng, anumang bagay na nakuha sa pilit ay kailanman hindi magiging totoo" hinawakan siya nito sa kamay.

Napabuntong hininga ako sa sinabi nito. I know what she mean. "Gaano po ba katagal ang epekto ng gayumang to?"

"Ang mga pangyayari na sinadya ay hindi nagtatagal, kapag ito ay naging permanente hindi na magiging balanse ang mundo" sabi nito. "Isang halik ang makakapagbalik ng totoong itinitibok ng puso niya"

"Sinasabi niyo po ba na hindi ko siya pwedeng halikan?" parang may panghihinayang na tanong ko.

Napangiti naman ang matanda sa naging reaksyon niya. "Mawawala ang bisa ng gayuma sa oras na hinalikan mo siya sa kanyang mga labi"

"Okay, ano pa ang silbi ng gayumang to kung hindi ko naman maienjoy" reklamo ko.

"Ang mga kabataan nga naman ngayon, pinagbigyan mo na nga ay hihirit pa"

"Pano naman kasi, ang tagal ko naghintay na mahalin ako ng lalaking yan, tapos ngayon na may pag-asa na ay hindi ko naman pala matitikman" napailing nalang ako. Is this what we call the balance of life?

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now