Fourteen

8 0 0
                                    

Ilang minuto na akong gising pero nakatitig lang sa kisame. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi. Na sana panaginip lang na nagkita na kami ni Stephen. But when i look into my hands and saw the ring in my finger i knew that everything was real. I am already engage to Gio.

Am i having a regret? 

Yes. 

No. 

I don't know. 

Naguguluhan parin ako. Siguro nga it's already time to settle down. Hindi ako dapat maguluhan dahil lang sa nakita ko ulit si Stephen. Kahit naman aminin ko na andito parin siya sa puso ko ay wala naman na akong aasahan. May anak na sila ni Ali and I bet they're already married. May Gio na din sa buhay ko at ikakasal na kami.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang bigla iyong bumukas at pumasok si Penny. Lumapit ito sa kama at nakapamewang na tiningnan siya.

"It's already noontime and yet you're still lying on your bed" sabi nito.

"What are you doing here?" tanong ko dito. Wala naman akong natatandaan na magkikita kami ngayon. Ang aga naman nito mang-istorbo hindi man lang ba ito napuyat kagabi?

Naupo ito sa gilid ng kama "I'm bored" sabi nito.

"Dito ka sa tabi ko, mahiga nalang tayo maghapon" sabi ko.

"No plans for today?" tanong nito saka nahiga na din sa tabi niya.

"None yet" sagot ko. "Because i'm already engage i'll stay here for long" gusto kasi ni Gio na dito kami sa Pilipinas ikasal. Pag-uusapan palang namin ang details ng kasal kapag dumating na ang parents ni Gio. Nasa cruise kasi ang mga ito at next week pa ang dating sa Pilipinas. Wala pang idea ang family namin tungkol sa engagement. We both agreed na sabihin nalang kapag magkakasama na.

"I like Gio for you pero hindi ko inisip na aabot sa kasalan ang relasyon niyo. Hindi parin ako makapaniwala na ikakasal ka na, nakakainis" sabi nito.

Napangiti ako, lagi kasi nitong sinasabi na sa aming dalawa ay mauuna ito ikasal pero kelan lang ay naghiwalay din sila ng long time boyfriend nito.

"Mag-boyfriend ka na kasi ulit" sabi ko naman.

"Para namang nabibili lang sa grocery ang matinong boyfriend" sabi nito saka tumawa. "Kelan naman ang wedding?" tanong pa nito.

"As soon as everything is set"

Napabangon ito "nagmamadali ba kayo?"

"Sa kasal din naman ang punta namin so why take it long. And besides wala naman tututol sa pagpapakasal namin diba?"

Tumahimik ito at parang may iniisip "samahan mo ako"

"Saan?"

"Kahit saan, let's enjoy while you're still single" sabi nito.

"Okay sige wait for me i'll just take a quick shower" sabi ko saka nagmamadali nang nagtungo sa cr. Hindi naman kami magkikita ni Gio ngayon, he's busy with their family business. Lalo pa ngayon na nasa cruise ang parents nito.

"Ate Moly?"

Napalingon ako nang marinig na may tumawag sa akin. I saw Pia waiving at me.

"Hi" sabi ko at agad itong niyakap nang makalapit ang dalaga sa kanya. Natutuwa ako dito dahil sa kabila ng ginawa ko sa kapatid niya ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa akin. In fact hindi namin napag-usapan ang tungkol doon kahit pa nung exhibit.

"How are you?" tanong ko dito. Nasa mall kami ni Penny at kasalukuyan ko itong hinihintay dahil magpunta ito sa CR.

"Eto mas lalong gumaganda, parang ikaw lang Ate" sabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now