Twelve

4 0 0
                                    

Tumakbo ako palabas at hinabol ang binata. Hindi ko pala kayang tanggapin na magalit siya sa akin.

"Stephen, sandali lang...please let us talk" sabi ko habang papalapit dito.

Tumigil naman ito at hindi na itinuloy ang pagbukas ng pinto nang kotse pero nanatili lang itong nakatalikod sa kanya.

Bahagya naman akong natuwa, hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay niya."I won't ask for your forgiveness, what i did is unforgiveable" sabi ko. "I was so desperate at that time, wala akong ibang gusto kundi ang mahalin mo lang ako Stephen. I am too selfish para gawin sayo yun but i swear i mean no harm".

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito pero nanatili lang itong walang imik. Gusto ko sanang lumapit pa at yakapin ito pero nag-alala ako na baka mas lalo lang itong magalit sakanya.

"I'm sorry... I already broke the spell Stephen. I can accept the fact na hindi mo ako mahal, kahit na nga sobrang sakit para sa akin na tanggapin yun. I want you to be happy with Ali, siya naman talaga ang mahal mo diba?" saying those words kills me.

Dahan dahan itong humarap sa kanya. "Kelan pa?" tanong nito.

Is he asking me kung kelan ko siya ginayuma o kung kelan ko binawi?

"Nevermind, it doesn't matter. Mas madali kitang makakalimutan kung iisipin kong minahal kita dahil sa ginayuma mo ako" tumalikod na ito at binuksan ang pinto ng kotse. "Atleast now i have the reason not to accept the engagement. Ilang taon ko pinag-isipan if i am the right one to spend your life with. I was wrong Molie, it's not you don't deserve me but it's more of i don't deserve you" tuluyan na itong sumakay at iniwan na siya.

Naiwan akong nakatulala.. nasasaktan.. naguguluhan.. That engagement thing, anong ibig niyang sabihin?

"Shit!" nasabi ko ng may biglang maalala Si Stephen ba yung lalaking gustong ipakasal ni Dad sa akin? Pero paano naman nangyari yun? Hindi connected sa politics ang parents ni Stephen. Alam ko naman na politika ang dahilan kung bakit ito nagdesisyon na maikasal ako. Bakit siya?

Matagal nang alam ni Stephen ang tungkol sa engagement pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Ang daming tanong sa isip ko.
Kailangan ko makausap si Dad.

Pagdating sa bahay ay agad akong dumiretso sa opisina ni Dad. Alam kong gising pa ito, nakita ko sa labas na bukas ang ilaw sa opisina nito. Marahan akong kumatok saka binuksan ang pinto. Nakaupo ito at malalim ang iniisip.

"C-can we talk?" tanong ko. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa opisina nito na hindi pinapagalitan.

Tiningnan siya nito "have a sit" sabi nito sabay turo sa upuan na nasa harapan nito.

Sumunod naman ako dito. Ilang minuto din kaming walang imikan ni Dad. Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula.

"Si..." bumuntong hininga muna ako bago muling nagsalita. "Si Stephen ba yung lalaking gusto niyong pakasalan ko?

May kinuha ito sa loob ng drawer pagkatapos ay inabot sa kanya ang envelope. Naalala ko ang envelope na yun nung araw na sabihin nito ang tungkol sa engagement.

Hinawakan ko yun at bahagya pang nag-isip kung titingnan ba ang laman niyon. Ang sabi ni Dad nakalagay doon ang picture ng lalaking papakasalan ko. Pinagdadasal ko na sana ay hindi si Stephen ang laman nun.

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang envelope. Dahan dahan kong inilabas ang laman niyon. Napaiyak ako ng makita ang picture ni Stephen. Siya nga.

Bakit ba napakakumplikado ng buhay ko? Yung lalaking inayawan kong pakasalan at ang lalaking pinakamamahal ko ay iisa pala. Kung sana tiningnan ko na noon ang laman ng envelope. Kung sana hinayaan ko nalang na mangyari ang dapat na mangyari. Kung sana hindi ko na ginayuma si Stephen. Maayos sana ang lahat ngayon.

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now