Seven

16 0 0
                                    

Pagdating ko sa gallery ay abalang nagpipintura si Stephen. Nagpapatugtog din ito kaya hindi nito narinig ang pagdating niya. Pinagmasdan ko muna siya. He's just wearing a white shirt and a khaki shorts, may nakasiksik sin na towel sa bulsa ng short nito. Basa ng pawis ang buhok niya at may iilang pintura sa damit. Hindi naman siya macho pero hindi naman payat. Sakto lang. Ayoko naman sa macho, hindi ko type ang mga lalaking may matitigas na muscles. Hindi siya gwapo pero ang lakas ng dating niya. Sa pagkakaalala ko ay madami sa classmates namin ang nagkakagusto kay Stephen. Mabait kasi siya at mabuting kaibigan. For me he's like a prince charming not a knight in shining armour.

Inilapag ko sa sahig ang mga dala ko at dahan dahang lumapit dito. Niyakap ko siya mula sa likod na bahagya naman nitong ikinagulat. Gustong gusto ko siyang niyayakap, yun lang yung paraan para maiparamdam ko sa kanya na ayoko siyang mawala.

"Andito ka na pala" sabi nito at humarap sa kanya.

Nanatiling nakapulupot sa bewang nito ang mga kamay ng dalaga. Napangiti ako. Minsan kasi naiisip ko na baka panaginip lang to. Pero hindi, everything is real!

Pinunasan ko ang pawis sa noo niya. "Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo. We still have a month to prepare".

"I'm fine. Para matapos ko na, gusto kitang masamahan sa lahat ng lakad mo" sagot nito. "How are you?"

Galing ako sa Bahay na walang hagdan kung saan ako nagtuturo ng painting. Dito din mapupunta yung kikitain ng exhibit na gagawin nila. Ang bahay na walang hagdan ay isa sa mga foundation na sinusuportahan ni Mommy. Everytime na nandoon ako ay parang kasama ko na rin si Mommy.

"By next week tapos na nila yung paintings nila. Nakakagulat nga eh, napakatalented talaga nila" sabi ko. Inayos ang buhok nito na nalalaglag sa noo. Ito ang unang pagkakataon na napagmasdan ko sa malapitan si Stephen. And i can't really help my self na mahalin siya. Habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Kasi napakatalented din ng teacher nila" nakangiting sabi ni Stephen. "To be honest, hindi ko naisip na ito pala yung pinagkakaabalahan mo. I thought you're just a happy go lucky type of person, you know..."

"Yung mga mali ko lang naman ang nakikita ng media. Buti nga ngayon tinigilan na nila ako" natatawa kong sabi. "Mabait din naman ako. Si kuya at si Penny lang ang nakakaalam nun" masaya na ako na may dalawang taong naniniwala sa akin.

"Idagdag mo na ako sa mga taong naniniwalang mabait ka. From now on ako na ang tagapagtanggol mo" hinapit siya nito sa bewang at pinaglapit ang mga ilong nila. "Hindi ako magsasawang mahalin ka..kahit sino ka pa at kahit ano pa ang ugali mo. Tanggap kita".

This man never fails na pakiligin ako. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay nagpapakilig sa akin. Ganito pala yung sinasabi nila na feeling nasa cloud 9 ka. Para talaga akong lumulutang. Ang sarap niyang magmahal, lasang belgian chocolate. At ang swerte ko dahil naranasan ko ang mahalin ni Stephen.

"I love you Moly" bulong nito.

Naramdaman ko ang unti-unting paglapit ng labi niya. Then he closed his eyes and ready to claim my lips. Eto na yung first kiss namin. Parang nanginginig yung buo kong katawan. I slowly closed my eyes and saw the face of Nanay Suling.

"Isang halik ang makakapagbalik ng tunay na itinitibok ng puso niya" naalala ko ang bilin ni Nanay Suling. One kiss will broke the spell. Idinilat ko ang mga mata ko. Ilang pulgada nalang ang layo ng mga labi namin. Gusto ko man siyang halikan ay hindi pwede. Iniwas ko ang mukha ko at niyakap nalang ang binata.

Nanghihinayang ako sa moment, yun na yun eh. First kiss na naging bato pa. Sa dinami dami naman kasi ng pwedeng makasira sa spell bakit yun pa. Pwede namang kapag sinabi ko na Game over ay mawawala na yung gayuma. Bakit halik pa? Hindi ba alam ni Nanay Suling na importante yung kiss sa magjowa?

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now