Ten

7 0 0
                                    

"Where are we going?" tanong ni Stephen habang palabas sila ng gallery.

"Secret" sabi ko sabay kindat sa binata. Kinuha ko ang susi ng kotse nito. Magdamag kong pinag-isipan kung ano ang gagawin ko. Nakapagdesisyon na ako, gagawin ko kung ano ang tama.

"Hindi na ba muna natin kukunin yung paintings ng mga estudyante mo?" tanong pa nito.

We are supposed to pick-up the paintings sa Bahay na Walang Hagdan para madala na dito sa gallery but i change my mind.

"Ako na ang bahala doon" sabi ko lang. Narating na namin ang kotse ni Stephen. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa drivers seat.

"Ako nalang ang magda-drive" sabi nito.

"Secret nga yung pupuntahan natin eh" nakangiti kong sabi. "Sige na sumakay kana" pilit ko dito. Wala naman itong nagawa kaya sumakay na ito. "Don't worry i'm not a wreckles driver, hindi ko gagasgasan itong kotse mo".

Natawa naman ito. "Hindi naman yun ang inaalala ko. I am your boyfriend at gusto kong pinagsisilbihan ko ang huggy boo ko".

Inabot ko ang mukha nito. Ngayon palang ay nasasaktan na ako sa gagawin ko. Pero ayoko nang lokohin ang sarili ko. Gusto ko maging masaya siya sa piling ng babaeng totoo niyang minamahal. At hindi ako yun.

"I love you so much Hugsy Wugsy, i am so lucky na minahal mo ako" sabi ko.

"Mas maswerte ako kasi minahal mo ako" ganti naman nito.

Gusto ko maiyak, i don't want to let him go but i have to. Ang unfair ko kay Ali dahil pinagkait ko sakanya ang pagmamahal ni Stephen. At napaka-unfair ko din sakanya. Things are different now dahil may bata nang involve dito.

"Today is a You and Me day" i smiled and tried to hide what i really feel. Ayokong masira ang huling araw na makakasama ko si Stephen. Yung huling araw na mahal niya ako. Ayokong maging malungkot. I want this day to be perfect as possible.

"You're so sweet huggy boo" hinawakan siya nito sa pisngi.

Kitang kita sa mga mata ng binata ang pagmamahal sa kanya. How she wished that it's true.

"Are you ready?" binuksan ko ang makina ng sasakyan.

"Yes" agad naman nitong tanong. "Kahit saan mo ako dalhin as long as i am with you ay okay lang sa akin".

Tumawa ako. "Hindi kita itatanan" naiiling kong sabi. Kung pwede lang eh.

"Hindi ba? Sasama pa naman sana ako kung sakaling itatanan mo ako" seryosong biro naman ng binata.

"Sira" natatawa kong sabi.

Pinaandar ko na ang kotse nito. We're going to Rizal Province kung saan nandoon ang ancestral house nila Mommy. Matagal na panahon na din mula ng huli akong pumunta sa lugar na yun. Actually, hindi ako pinapayagan ni Kuya na pumunta doon. And until now i still don't understand why he's mad with Mom. Hindi ko naman ito magawang tanungin dahil nagagalit ito. Iniisip ko nalang na siguro ay hindi pa nito tanggap ang nangyari.

"May advantage din pala ang pagiging pasareho mo" maya maya ay sabi nito.

"Ano naman yun?" bahagya akong lumingon kay Stephen and he's looking at me.

"Pwede kitang pagmasdan nang matagal" sabi nito.

Napangiti ako "stop staring at me, it made me feel uncomfortable" sabi ko. Hindi ako makapagfocus sa pagmamaneho knowing that he's looking at me.

Nilingon ko ulit ito, nakatingin na ito sa dinadaanan namin.

"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na girlfriend na kita" sabi nito habang nakatingin sa labas.

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now