"Ayesa hija kumain kana muna" sabi ni mama habang hinahanda ang pag kain ko
"opo mama saglit nalang po ito" sagot ko habang tinatapos ang sinusulat ko sa sketch pad ko gusto ko makita lang
ito ni mama kapag natapos ko na gawin
"ano ba yang ginagawa mo?" tanong ni mama at saka lumapit saakin habang dala ang tray ng pag kain ko
"ah..basta mama malalaman nyo din" sagot ko na lamang ayaw ko kasi makita ito ni mama, si mama ang nag babantay saakin sa
umaga tapos si papa sa gabi alternate sila sa pag aalaga saakin
"osya sige na kumain kana at maya-maya dadating na si doktor" sabi ni mama at nilagay sa lap ko yung
tray ng makakain ko at umupo sa tabi ng kama ko
"ok po" sagot ko at nag simula na ako kumain
Limang buwan na din ako dito sa hospital at hanggang ngayon ay naka confine pa din ako dito na mimiss ko na yung mga ginagawa ko dati kasama ang kaibigan ko, simula nang maiconfine ako pinag babawalan na ako ng mga gusto kong gawin dahil baka mapa ano daw ako. ayoko abutin dito ng pasko mas gusto ko mag pasko sa bahay kasama sina mama at papa at ang kaibigan ko.
iisang anak lang ako kaya todo bantay ang magulang ko saakin. sa totoo lang iniisip ko bakit ako ang dinapuan ng sakit na ito sa dami ng tao sa mundo bakit ako pa? alam ko naman na nahihirapan sina mama at papa sa kondisyon ko. siguro may plano si God saakin.
"Ma tapos na ako kumain" sabi ko
"osya eto inumin mo na ang gamot mo" sabi ni mama at sabay abot ng gamot saakin
"salamat ma" sabi ko at kinuha ko ang gamot ko pero di ko pa ito sinusubo tinitingnan ko muna ito, sa tuwing umiinom ako
ng gamot paki ramdam ko ang lubha ng sakit ko.
"Ma.." tawag ko kay mama at lumingon naman sya
"bakit anak?" naka ngiting sagot ni mama
"ma..bakit ganun may gamot naman ako na iniinom bakit di pa din ako gumagaling?" sabi ko habang naka tingin sa gamot na nasa
kamay ko
"anak basta inumin mo nalang yan gagaling ka din" sagot ni mama kahit diko lingunin si mama naiiyak sya
**
"doc ano na po ba ang lagay ng anak ko?" narinig ko na sabi ni mama
"Ma'am lumalala po ang sakit nya ng lumabas ang resulta ng test nya naging stage 4 na po" sagot ni doc
"hindi maaari" sabi ni mama kahit anong oras ay iiyak na naman si mama ng dahil saakin
"Ma'am kailangan natin tanggapin ito, sige po pupunta nalang po ako ulit dito kung may makita pa kami sa resulta" sabi ni doc at saka lumabas ng silid ko
naka tulog pala ako hindi na muna ako dumilat dahil ayoko makita si mama na lumuluha ng dahil saakin kung hindi ako ang dinapuan ng sakit na ito ay hindi siguro iiyak si mama.
Tok*
Tok*
"pasok.." sabi ni mama
Creeaaaakkk
"Luisa"
"Bryan *snift*" sabi ni mama kay papa, si papa pala ang dumating na dama ko na tumakbo si mama palapit kay papa siguro ni yayakap na naman ni mama si mama dahil hindi nya kaya yung nalaman nya.
"bryan..si ayesa" si mama umiiyak na sya
"shss..tahan na naka salubong ko si Doc at sinabi nya saakin" mahinahon na sabi ni papa "ang gawin natin ay mag pakatatag para sa anak natin wag natin ipakita sakanya na nahiirapan tayo sa kundisyon nya wag tayo mag pakita ng kahinaan sakanya" dagdag pa ni papa.
BINABASA MO ANG
[Completed] My Letter To God
SpiritualMinsan ba naisip ba natin ang pakiramdam na may sakit na walang lunas? at Naisip ba natin kung ano ang pakiramdam ng may taong may sakit?at bilang nalang ang buhay mo sa mundo?.Si Ayesa ay isang babeng masiyahin at mabait subalit lahat ng ito ay nap...