Lunes ngayon at ngayon araw ang uwi ko sa bahay namin at sa wakas makaka langhap na din ako ng sariwang hangin ang tagal ko din ito hinintay na maka uwi sa bahay namin,
"ayesa yung bilin ko sayo sana wag mo kalimutan" sabi ni doc andito muna kasi sa clinick nya yung parang opisina sa hospital
"opo doc hindi ko kakalimutan" sagot ko dahil sabi nya wag daw ako masyadong mag pagod at gumala kung saan-saan at dapat inumin ko yung bago kong gamot, bagong gamot na naman baka ireject ng bituka ko na naman katulad ng dati
"doc babalik nalang kami ulit" sabi ni papa
"doc salamat" sabi naman ni mama
"sige oh basta wag nyo lang syang papabayaan at dapat mainom nya ang gamot nya sa tamang oras" dagdag pa ni doc
"sige doc aalis na kami" sabi ko naiinip na kasi ako umalis para naman kasi ayaw ako paalisin sa hospital mahirap na
baka mag bago ang isipan nila at di na kami maka alis
"ikaw talaga atat kana umalis sige ayesa take care you'r self ah wag masyadong pasaway dahil alam mo naman" sabi pa ni doc
oo alam ko na talagang stage 4 na ang sakit ko kahit na may na raramdaman ako sa katawan ko pinipilit ko pa din maka tayo at maka lakad dahil mas gusto ko pa sa bahay.sawa na ako sa hospital
**
Nasa loob na kami ng sasakyan at kasalukyang bumibiyahe na papunta sa bahay, na miss ko yung kapa ligiran mga puno at ibon na nag liliparan napa daan din kami sa park at nakikita ko yung mga batang masayang nag lalaro nag hahabulan kasama ang mga kaibigan nila na miss ko yung dati kong ginagawa na nakikipag laro sa tinuturing ko na Best friend.na iingit ako sa mga bata dahil sila wala silang na raramdaman na sakit at malaya silang na gagawa ang gusto nila.
hindi ko na pigilan na maluha sa mga nakikita ko, ganito na ba katagal ako sa hospital at ang dami na nag bago.
"anak ayos ka lang ba may masakit ba sayo?" tanong ni mama na mukhang nag aalala saakin nasa passenger seat sya at si papa ang nasa driver seat
"ah..opo mama *snift*" na miss ko lang yung dati *snift* na iingit ako sa mga bata dahil sila magagawa pa nila yung gusto nila" sabi ko habang humihikbi
"anak..gagaling ka magagawa mo din yung mga gusto mo" sabi ni mama
"oo nga anak wag ka mag alala gagaling ka din kaya dapat lagi ka umiinom ng gamot" sabi naman ni papa
Nag papasalamat ako kay God at sila yung binigay nyang magulang saakin napaka bait at mapag mahal na magulang, kaya iniisip ko palang na mawala sa piling nila ang hirap ayoko makita sila na umiyak kapag ako ay nawala sa piling nila sixteen palang ako at masyado pa akong bata para mawala...
Tumigil na yung sasakyan namin di ko na malayan dahil sa pag iisip at sumilip ako sa bintana ng kotse at nasa haraapan na pala kami ng bahay namin na miss ko itong itsura ng bahay namin.
"anak tara na" sabi ni papa sya na yung nag bukas ng pintuan dito sa back seat
lumabas na ako at sinarado ang pintuan nag lakad na kami papasok ng bahay namin hindi ko maiwasan maalala yung nakaraan ko pag ka pasok namin ng bahay napansin ko yung garden namin at yung tinanim ko na white rose ay madami na sila at gumanda na din yung garden namin.
"mama asan po si chuckie?" tanong kay mama bago nya buksan yung pintuan
"nasa loob si chuckie" sagot ni mama na naka ngiti
"anak alam ko matutuwa ka sa sopresa namin ng mama mo" sabi ni papa na naka level saakin
"talaga po papa?"
BINABASA MO ANG
[Completed] My Letter To God
EspiritualMinsan ba naisip ba natin ang pakiramdam na may sakit na walang lunas? at Naisip ba natin kung ano ang pakiramdam ng may taong may sakit?at bilang nalang ang buhay mo sa mundo?.Si Ayesa ay isang babeng masiyahin at mabait subalit lahat ng ito ay nap...