"ayesa pasenysa na ah kung hindi agad ako naka balik kahapon ng dinala ka namin dito" paliwanag ni loki nasa hospital pa din ako at paki ramdam ko kahit anong araw o oras ay bibigay na ang katawan ko. pinatanggal ko yung salamin dito ayaw ko kasi makita ang sarili ko. ngumiti muna ako kay loki bago mag salita "ayos lang best atleast andito ka" sabi ko
"may gusto ka bang kainin?" tanong nya halata kay loki na namamaga ang mga mata nya
"loki..bakit maga ang mga mata mo?" tanong ko napa iwas sya ng tingin
"a-ah kasi nag review ako mag damag" sagot nya pero hindi yun halata sa mata nya na umiyak sya ayaw nya lang sabihin saakin. "ano may gusto ka bang kainin?" ulit na tanong nya saakin
"bili mo ko chuckie" sagot ko kahit na nang hihina na ang boses ko ay pilit ko pa din mag salita
"osige, bibili lang ako hintayin mo lang ako" sabi nya at tumayo na sa kinauupuan nya, ng maka alis na si loki may hinugot ako sa bulsa ko yung sulat na ginagawa ko nung isang araw dahan dahan ako umupo kahit na hihirapan ako. kinuha ko yung ballpen na nasa table katabi ng kama ko at pinag patuloy ang sinusulat ko.
Dear God,
Hello po ako si ayesa Marie Grace labing anim na taong gulang at high school student at may dalawa po akong magulang na sobrang mag mahal saakin Sina mama loiusa at si papa Bryan ko po syempre hindi mawawala ang matalik ko na kaibigan na si Loki at yung mga taong mahal ko.
God siguro po na kikita nyo ang kundisyon ko ngayon, nahihirapan po ako kumain at di tinatanggap ang gamot sa sikmura ko at isa pa po wala na ang mahaba kong buhok,payat,nang hihina at na mumutla na po ako ngayon.
God pag subok ko pa ba ito na dapat kong lagpasan? paano po kung hindi ito nalagpasan kukunin nyo po ba ako? pero po kung ganon paano na yung mga iiwanan ko yung mga mahal ko sa buhay? sa totoo lang po ay ayaw ko pa po mawala kasi hindi pa po ako handa ayaw ko po iwan sina mama at papa atsaka si best.
may mga pangarap po ako na gusto ko marating, maka graduate kasama ang mga classmates ko at si best.pero kung ito po talaga ang tadhana ko ---
habang nag susulat ako ay hindi ko naiwasan umiyak habang nag susulat di ko din na pag patuloy dahil dumating na agad si loki dali syang lumapit saakin.
"oh best bakit ka umiiyak?" tanong nya ng maka upo sya sa kama ko at pinupunasan ang mata ko
umiling ako "wala na puying lang ako" sagot ko dali ko tinago yung papel na sinusulat ko
"na puying? wala naman buhangin dito" sabi nya
"hehe kaw naman koe lang..asan na?" tanong ko binigay nya naman saakin yung binili tapos nag kwentuhan lang kami at nanood ng palabas sa tv. at maya-maya ay nakaramdam na ako ng antok kaya pinatulog nya na ako.
Loki pov
na tutulog na ngayon si ayesa ang himbing ng tulog nya halata na sakanya ang sakit nya maitim na ang ibabang mata nya, namumutla at payat na si ayesa, kung minsan nga iniisip ko sana ako nalang yung nag kasakit dahil nasasaktan ako makita si ayesa na ganyan ang kalagayan.
"ayesa" banggit ko habang hinahaplos ko ang ulo nya " mag pagaling kana *snift* alam mo ba na mi-miss ko yung dati natin ginagawa, na mi-miss ko na yung kakulitan mo at yung mga ngiti mo na hindi mapapalitan" sabi ko habang umiiyak.
creaaakk**
"loki" napa tingin ako sa likuran ko at nakita ko sina tito at tita na yung mga mata nila ay kagagaling lang sa iyak, pinatawag kasi sila ng doctor kaya ako muna ang nag bantay kay ayesa sumenyas si tito na lumapit ako saka nila kaya tumayo ako at lumapit sakan nila ng dahan-dahan.
"tito, tita ano po sabi ng doctor? may pag asa pa po ba na gumaling si ayesa?" tanong ko
umiling si tito bago mag salita "wala ng pag asa pang gumaling si aye, nasa stage 4 na ang sakit nya at patuloy na ito lumalala" sagot ni tito bakas sa mga mukha nila ang lungkot napa tingin ako kay tita at umiiyak sya "sabi ng *snift* doctor tanggapin na daw natin" sabi ni tita na habang lumuluha "ihanda na daw natin ang sarili natin dahil kahit anong oras---" hindi ko pinag patuloy ang sasabihin ni tito dahil ayoko marinig
"gagaling si ayesa.." sabi ko na lumuluha na ako
"loki.."
"mag tiwala tayo kay god pagagalingin nya si ayesa"patuloy ko
"nag papasalamat ako sayo loki dahil ikaw ang naging kaibigan ng anak ko.napaka bait mong binata" sabi ni tito habang naka patong ang kamay nya sa balikat ko.
"tama ka dapat manalangin tayo na gagaling si aye" sabi naman ni tita
may tiwala ako na gagaling si ayesa..
end of pov
***
Louisa pov
Kahapon ng sabihin ng doctor na di na gagaling si ayesa at bilang nalang ang buhay nya at kahit anu manng oras ay baka kunin na sya kaya kailangan pag handaan namin,pero ako bilang ina di ko kaya mawala ang kaisa-isa kong anak ang tagal ko inalagaan si ayesa at ngayon ay babawiin sya. araw-araw na sa chapel ako ng hospital upang mag dasal nasan gumaling sya.
"mama..?" tawag ni ayesa
"oh bakit anak?" sabi ko naka higa sya sa kama tapos na kasi sya i check up ng doctor at ako ay naka upo sa tabi nya
"ma..ano po ang iniisip nyo? mukha pong malalin?" pag tatanong nya iba na ang itsura ng anak ko, kailangan di nya makita ang luha ko
"hmm iniisip ko saan tayo maganda ma masyal kapag gumaling kana" sabi ko, hindi ko pwede sabihin sa kanya kung ano talaga.
"ah.. ma sa tagaytay gusto ko makarating doon" sabi nya na mahina ang boses
"sige kaya anak mag pagaling kana"
"opo.."
Creaaakk**
bumukas ang pintuan kaya napalingon ako pumasok si loki at bumati saamin "hello po tita hi aye" bati nya, napaka bait na lalaki nitong si loki "hello loki" tugon ni aye "aye kakausapin ko lang ang mama mo ah, ahm tita pwede ko po ba kayo makausap?"
"oo naman, sige aye dito ka muna"
"opo mama"
Pag kalabas namin ng silid ni ayesa ay nag salita na si loki "tita gusto ko po sanang mahingi ang permisyon nyo"
"para saan naman hijo?"
"may supresa po kasi ako kay ayesa kung ayos lang po?"
"saan naman ito gaganapin?"
"sa park po"
"sa park? kaso loki"
"tita..please po gusto ko po kasi makasama si aye gusto ko sya mapa saya" kita kay loki ang pag mamahal nya sa anak ko may tiwala naman ako kay loki.
"*sight* sige pero sasabihin ko muna ito sa doctor at sa tito mo"
"sige po salamat tita"
"sige.."
"bukas po yun"
"ok sige basta alagaan mo ang anak ko"
"opo"
pag katapos namin mag usap ay tumuloy na ako sa silid pag kapasok ko ay hinanap ni aye si loki sabi ko naman ay may gagawin sya..
nag papasalamat ako sa diyos dahil binigyan nya ang anak ko na mabuting kaibigan
end of pov
end of chapter 7
VOTE
COMMENT
FOLLOW
THANK YOU
❤-Youngfilipina-❤
BINABASA MO ANG
[Completed] My Letter To God
SpiritualMinsan ba naisip ba natin ang pakiramdam na may sakit na walang lunas? at Naisip ba natin kung ano ang pakiramdam ng may taong may sakit?at bilang nalang ang buhay mo sa mundo?.Si Ayesa ay isang babeng masiyahin at mabait subalit lahat ng ito ay nap...