Loki pov
"naku anak panigurado ako magugustuhan ito ni aye" sabi ni mama sa habang nag aayos dito sa park, nasa park kasi kami ngayon at nag aayos ng supresa ko para sakanya ngayon gabi. tinutulungan ako ni mama at isa pa ni rentahan namin itong park para mamaya buti pumayag yung taga pamahala ng park.
Gusto ko maging masaya si ayesa ayoko syang makitang nahihirapn dahil sa sakit nya kahit ngayon gabi ay maka limutan nya na may iniinda syang sakit. buti nalang na pumayag sina tito at tita na madala dito si aye at syempre may pahintulot ng doctor na lumabas si ayesa.
"mama salamat po sa tulong nyo po"
"naku naman anak ikaw pa, alam ko naman kung gaano kahalaga si aye sayo"
"opo.."
"anak lakasan mo ang loob mo ah kahit anong mang yari"
"opo mama" sagot ko at nag patuloy na kami sa pag hahanda para mamaya
end of pov
"mama san po ba tayo pupunta ngayon gabi?" tanong ko kay mama habang nilalagay ang bonet ko sa ulo, wala naman masyadong nang yari kaninang umaga pero si best kanina weird nag mamadaling umuwi.
"basta anak..magugustuhan mo ang pupuntahan mo" sagot ni mama
"ano ready na ba?" tanong naman ni papa. ang weird nila ngayon uso ba ngayon ito?
"tara na" sabi ni mama, at sinakay na ako ni papa sa wheel chair ko at lumabas na kami ng silid ko
**
Park
"andito na tayo" banggit ni papa kaya napa tingin naman ako sa bintana
"sa park?"
"oo anak"
"eh madilim na po bakit andito tayo?" tanong ko saka nila
"basta anak" sagot ni papa at lumabas na ng driver seat at kinuha ang wheel chair ko sa likuran binuksan na ni papa yung pintuan ko at inalalayan ako ni mama na maka upo.
"oh andyan na pala sya" sabi ni mama kaya napatinggin ako
"loki" masayang sabi ko
"magandang gabi po" bati nya
"magandang gabi din hijo" tugon ng magulang ko
"ano ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya
"basta malalaman mo" sagot nya
"hijo ikaw na ang bahala" sabi ni papa
"anak..maging masaya ka" sabi naman ni mama na niyakap ako
pag katapos mag usap ay iniwan na kami dito ni loki at sya tinutulak ang wheel chair ko napapansin ko na palapit kami ng palapit sa park at huminto kami sa may upuan.
"dito kalang" sabi ni loki
"ah ako iiwan mo dito?"
"oo" pag katapos nya mag salita ay tumakbo sya "LOKI!!" tawag ko pinilit ko sumigaw iiwan nya ako sa madilim na lugar na ito ayoko na tatakot na ako.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow
One step closer
bigla nalang may tumugtog na musika dito sa park at na gulat ako ng mag sindi ang mga ilaw yung mga Christmas lanterns ang gaganda ng kulay ng ilaw habang may musika eto ba ang sinasabi ni mama?
BINABASA MO ANG
[Completed] My Letter To God
SpiritualMinsan ba naisip ba natin ang pakiramdam na may sakit na walang lunas? at Naisip ba natin kung ano ang pakiramdam ng may taong may sakit?at bilang nalang ang buhay mo sa mundo?.Si Ayesa ay isang babeng masiyahin at mabait subalit lahat ng ito ay nap...