Chapter 2: Amin
*Alzei's POV*
Pag-dating namin ni Dianne sa classroom, kami palang nila Natalia at ang kanyang mga alipores. Si Natalia ay isa sa mga nangbu-bully sakin, ngunit paminsan-minsan lang naman dahil kapatid ako ni Josh.
"Oh, ayan na pala si Alzei malandi. Nakikipag-landian sa kay Shawn." at heto, nakita siguro 'yong nangyari kanina. Akala niya magpapatalo ako sakanya? Pwes, hindi. "Hahaha. Ako malandi? Kumpara kaya natin sa isang contest ng Reyna ng Malandi. Tingnan kaya natin kung sinong mananalo, diba ikaw naman? Kaya wag kang makealam dahil hindi mo naman alam ang buong storya. Wag ka munang magpakapal ng mukha, mahiya ka naman. Tsk. Tsk." tumahimik naman sila dahil pumasok na rin sila Josh, Lawrence, Shawn at Diego.
Umupo na kami ni Dianne sa aming mga upuan at naramdaman kong may umupo sa vacant seat na katabi ko sa right side ko. Tinignan ko, at nakita si Shawn na nakatingin sa akin na nakangiti dun sa upuan na katabi ko. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa white board.
Ugh! Ilang minuto ko na nararamdamang tumitingin sakin si Shawn, nakakailang na. Tumingin ako kay Shawn at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi naman 'to proper seat mo? Ba't nandito ka umupo? Punta ka nga sa proper seat mo, baka markahan ka pa ni sir ng absent. At, wag mo nga ako tignan. Sige na, go, shoo." pagtataray ko, nag-gesture ako sa aking kamay ng shoo na gesture.
Ngunit, hindi siya umalis. Tinaasan ko siya ng kilay at siya naman ngumiti nang nakakaloko. "Bakit ko naman gagawin 'yang pinapapagawa mo sakin? Bakit? Pagmamay-ari mo ba ako? Kung gusto mong sayo na ako, isang halik sa labi lang naman kailangan, sayo na ako." nginuso naman ni Shawn ang pink niyang mga labi, pumipikit pa siya. I must say, tempting rin, pero hindi ko siya gusto at as if namang hahalikan ko siya.
Nilagay ko 'yong palad ko sa mukha niya at sinubsob sa mukha niya. Na nagpalayo sa mukha niya sa mukha ko, tumawa ako, "Kiss mo mukha mo! Che!" nagtinginan naman ang mga tao sa amin. Pati na si Josh ang sama ng tingin sa akin at Shawn, over-protective lang.
Wala naman kaming ginagawang masama ah. Nevermind, nandiyan na si sir Mendez. Nag-discuss na si sir.
*krinnnggg*
Yes, uwian na, "Goodbye, class." pagpapaalam ni sir. Humakbang akong papalapit kay Dianne, "Dianne, uuwi ka na?" tanong ko kay Dianne. Sinagot niya naman ako kaagad, "Ay. Oo, Alzei. Nandiyan na sundo ko eh. Tomorrow na tayo magkita, sige, bye." kumaway muna sa akin si Dianne bago umalis sa pintuan.
Bago pa man ako makalabas sa room may humablot sa kamay ko at hinirap ako sa kung sino man ang humablot sa akin, akala ko kung sino. Si Josh lang pala.
Hala, patay, mukhang galit siya. "J-Josh, a-anong k-kelangan mo?" tanong ko painosente pa. "Kayo ni Shawn, bakit ka ba lumalapit sa kay Shawn, ha? Gusto mo ba siya, Alzei?" hala. Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan, galit na galit na siya.
"Kuya, hindi naman ako ang lumalapit sakanya. Siya, mismo ang lumalapit sakin. Kanina pa siyang lunch. At, excuse me, bakit naman ako magkakagusto sa isang tulad niya. Sobra nga ang pride eh." sagot ko, bigla namang ngumiti si kuya. Hay, good, ngumiti na siya, "Good. Basta, prinsesa ng kapangetan Wag na wag na wag mo siyang lapitan. Kuha mo?" tumango naman ako, "O siya, mauna ka nang umuwi sa bahay, prinsesa ng kapangetan. Magiinuman pa kami ng mga kompare ko." napaface-palm naman ako at sinabihan si kuya, "Kuya naman, inuman na naman. Baka mag-alala pa si mama, at tiyaka malalasing ka na naman."
Ngumiti nalang si kuya ng napakasuspisyo, "Wag kang mag-alala. Hindi naman ako magpapakalasing eh. Sige na, umuwi ka na sa bahay. Baka hinahanap ka na ni mama, dumidilim na." tinignan ko naman si kuya at sinabihan, "Hay. Sige na nga, kuya. Basta mag-ingat ka ha, baka pag-dating mo sa bahay, may pasa ka na naman. Bye." at ayon, pumunta na ako sa kotse ko at nag-drive na pauwi.
*Josh's POV*
Pumunta na ako sa bar nina Diego, pagdating ko doon. Sasabihin ko na ring kapatid ko si Alzei, pumunta na ako sa loob sa VIP section. Kilala rin naman ako nung bouncer, at ayon. Nahuli ko nang nagsisimula na silang mag-inuman at mag-kwentuhan.
"Oy, ayan na pala si tanda." bungad ni Diego pagkaupo ko sa tabi ni Lawrence, "Anong tanda ka diyan? Mas gwapo kaya ako sayo." awat ko naman kay Diego, pero umangal pa rin. "Hoy! Mas gwapo pa ako sayo." aangal pa man sana ako kay Diego pero bigla namang sumulpot si Lawrence, "Tama na nga 'yan. Para maging fair, walang gwapo sa inyo dahil ako ang gwapo." binatukan naman namin ni Diego si Lawrence para mapasabi siya nang, "What the heck?! Ang sakit! Hoho..." hahay. Maiyakin parin, umaarte pa rin. Walang pinagbago, "Anyway, kamusta naman 'yong dare huh, Shawn?" ngumisi naman si Diego at Lawrence habang ako kinuha ko 'yong tequilla na nakalahad na.
"Anong dare? Bet na naman ba 'yan ha? Magkano?" nagtataka kong tanong, wala rin naman kasi akong narinig na dare na nanggagaling sa kanila.
Sinagot naman ako ni Diego, "P 50,000 ang bayad. At, oo, bet." ngumisi naman ako habang umiinom ng tequilla, "Playing hard to get eh, pahindi-hindi pa siya gusto naman pala. Hindi ko pa nagagawa ang bet eh, pero mahahalikan ko rin." at ayan, lumaki na naman 'tong ulo ni mokong Shawn.
At, sino kaya naman 'tong babaeng 'to? "Sino naman 'tong babaeng 'to?" tanong ko at uminom na naman sa tequilla ko, sinagot naman ako kaagad ni Shawn. "Hmm... Nerd at panget siya eh, ano ba 'yong pangalan niya?... Parang.......... Alzei ba 'yon? Ay, oo, tama Alzei nga." muntik ko nang maibuga 'yong tequilla, "Anong Alzei?! G*go! Kapatid ko 'yan eh! Walang ya!" gusto ko sanang suntukin si Shawn pero nang makita ko 'yong pagtataka sa kanilang mga mata. Tiniis ko nalang muna, nagtanong naman si Lawrence, "Huh? Kapatid mo si Alzei?" tumango naman ako, "Alzei Rodriguez ang buong pangalan ni Alzei." sagot ko.
Nanlaki naman ang mata ni Shawn, alam kasi niya, ayokong nasasaktan ang mga taong mahal ko. "Kaya Shawn, kung makikita kong umiiyak kapatid ko dahil sayo, ikaw mapapatay ko. Tandaan mo 'yan." natahimik naman sila at bumalik na ako sa pag-inom.
---------
*Kaway kaway!* Picture ni Shawn sa taas, hihihi! Thanks guysies! Please support this book!
~Crazymania60
Abangan...

YOU ARE READING
Started with A Kiss
أدب المراهقينWell, basically, it all started with a dare, a dare to kiss the nerd named, Alzei Rodriguez. A dare by one of the school's badboys, Lawrence Gregory. He dared it to one of the school's badboys, Shawn Kendrick Lopez. Yes, it all started with a kiss b...