Chapter 7: Help Me!

24 2 0
                                    

Chapter 7: Help Me!

*Alzei's POV*

Pagkatapos ng mga klase namin, nag-part ways na kami ni Dianne papuntang mga bahay namin. Naglakad narin ako papuntang bahay dahil nag-text si kuya sa'kin kanina, ang nakalagay;

Kuya Josh: Alzei, mag-lakad ka nalang papuntang bahay. May gagawin pa akong importante.

Habang naglalakad akong pauwi, bigla na namang umulan at mabuti nakadala ako ng jacket, sinuot ko na ang jacket ko at tinanggal ang glasses ko baka mabasa eh. Hindi ko na rin namalayang, gabi na.

Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa mga braso ko at kinaladkad sa isang matigas na bagay, "'Wag kang gagalaw kundi makakatikim ka ng sakit." may bumulong sa tenga ko na lalaki at ang kalamigan ng boses niya ay nagpatayo ng mga buhok ko, hanggang sa may naramdaman akong malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko at napalunok na ako sa kaba, dahil kutsilyo pala 'yon.

"A-anong ga-gawin mo? B-bitawan mo 'ko! Tulo—!" bigla na lang niyang tinakpan ang bibig ko at kinladkad akong papunta sa isang black na van, nang nasara na niya ang pinto ng van, parang ngumiti siya sa'kin ng nakakatakot, hindi ako sigurado dahil madilim kasi, hindi ko rin makita ang mukha niya.

Sabi niyang nakangiti, "Hmmm... Ang gagawin ko? Maybe... Gagalawin kita, maganda ka kasi, naswertehan ako ng timing. Pero, hindi kita gagalawin kapalit sa isang ransom, P 1,000,000. Akin na ang cellphone mo, tatawagan ko ang pamilya mo." umiling naman ako at pinwersa niyang kinuha sa bag ko ang cellphone ko.

Ngumiti na naman siya, "Ah, tawagan kaya natin ang kuya Josh mo." hala! Patay! 'Wag si kuya! Natatakot na nga ako, pinahaluan pa ng kaba, PLEASE!!!!! SOMEBODY! HELP ME!

"I-loud speaker ko ah," sabi niya at pinindot ang loud speak button,

Ring...

Ring...

[Hello? Alzei?] simula ni kuya, oh no!

"Kung gusto mo pang makita ang kapatid mo, pwes, magbayad ka ng ransom na P 1,000,000. Magkita tayo sa abandoned warehouse malapit doon sa Harmon University. 'Wag kang tumawag sa pulis kundi, hindi mo na makikitang buhay kapatid mo." paliwanag ng kidnapper ko. Uh-oh! I am so dead! Pagkatapos niyang sabihin 'yun, ibinaba na niya ang tawag at tinago phone ko. Binukas ko ang bibig ko at bigla nalang niyang tinakpan ang bibig ko, at, unti unti na akong nanghihina at ang mga mata ko ay unti unti nang pumikit hanggang sa makatulog na ako.

Iminulat ko na ang mga mata ko at ang tanging nakikita ko ay, kadiliman, sinubukan kong galawin ang mga kamay ko pero, hindi ko maigalaw. Sinubukan ko namang galawin ang mga paa ko, pero, hindi ko rin maigalaw. Ano bang nangyayari?!

Sumigaw ako, "Tulong! Sino bang nandiyan?! Tulungan niyo ako!" bigla namang may parang gumalaw, at nagulat nalang ako ng sumulpot si kidnapper ko sa harapan ko. "Walang makakarinig sa'yo. Parating na ang kuya mo, dala ang pera ko. At, hindi naman talaga kita ibibigay eh." nanlaki naman mata ko, watdaef! Walang 'yang g*go! Landi niya, awwws! Natatakot na ako. PLEASE! SOMEBODY HELP ME!

BOOM! Tunog ng pintong bumagsak, napalingon naman si kidnapper, at nakita ko si...





































Shawn?! At, sila kuya, Diego, at Lawrence?! Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa gulat, "Kuya?!" sigaw ko, agad naman akong binati ni kuya, "Alzei! Okay ka lang?! Nasaktan ka ba?!" Ghad!!!! Nandito na si kuya! Tawag ko naman, "Okay lang ako kuya!" bigla namang tumawa si kidnapper, "Tama na nga ang kakornihan ninyo, diba sabi ko na wag ka magdala ng mga kasama, ngayon, hindi mo na maririnig na sumagot ang kapatid mo." napalunok nalang ako ng itinutok niya sa leeg ko ang kutsilyo, shete! Ano bang napasukan ko?! "'Wag na 'wag mong hawakan ang babaeng 'yan." banta ni Shawn na ngayon ay lumalapit na papunta sa'min, tumawa nalang si kidnapper at itinutok sa direksyon ni Shawn ang kutsilyo, ohmegesh! May madadamay namang tao!

Hindi ko na namalayan na umaagos na pala ang mga luha ko, ghad! Mama! Tulungan niyo po kami! Huhuhu! >_________<

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko sa takot at pag-bukas ko sa mga mata ko, nagulat nalang ako...

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nakahiga na ang kidnapper na may dugo sa labi, teka, 'wag mong sabihing... "Sinuntok ko siya." sabi ni Shawn na nagsisimulang tanggalin ang mga tali sa kamay at paa ko, inilahad niya ang kamay niya para sa'kin, kinuha ko naman at pinasalamatan siya, "S-salamat." dug.dug.dug. sabi ni puso na trayodor. Yieshh! Anong nangyayari sa'kin?!

Bigla namang yumakap si kuya sa'kin ng mahigpit, "Uwi na tayo bahay, kuya. Baka hinahanap na tayo ni mama." sabi ko at tumango naman si kuya.

At, umuwi na kami sa bahay at pinasalamatan muli si Shawn at bago 'yun, yumakap si Shawn sa'kin ng mahigpit at sabi, "Mag-ingat ka sa susunod." at umalis na si Shawn.

Dug.dug.dug. sabi na naman ni pusong traydor.

------------

TANANANAN! SORRY MAIKLI ANG CHAPTER NA 'TO! WALA NA KASI AKONG MAISIP NA WORDS! AWWS. HAHAHA! ANYWAY, NEXT CHAPTER IS SHAWN'S POV! SEE YOU NEXT CHAPTER! AWWS! HAHA!

~Crazymania60

Abangan...

Started with A KissWhere stories live. Discover now