Chapter 6: Almost
*Alzei's POV*
Matapos ng date namin ni Shawn—este, forced date pala... Hinatid na niya ako at nag-thank you na rin ako.
Mabait rin naman pala si Shawn, hoy! Walang malisya 'to, I'm just... Complimenting. Wow! That. Was. Also. The. Best. Date. I. Ever. Had!!!!!
Ay. First date ko pa pala 'to, ahehehe. Can you blame me? Pumasok na ako sa loob ng mansion at agad namang bumungad sa harapan ko si mama. Agad namang gumanito ang face naming dalawa.
-_-///- syempre ako, sino pa ba
*^▁^*-mama
"So?" said mom, "So?" kopya ko naman kay mama.
"Ano na? Ano na nangyari sa inyo ni Shawn sa date?! Nag-kiss ba kayo?! Ano?!" nagha-hyperventilate na naman 'tong si mama. Parang siya ang nasa date kasi siya'y mas kinikilig pa sa'kin. Oo na, aaminin ko na, crush ko na si Shawn. Wala naman din kasing sekretong hindi nabubunyag.
"Relax lang mama, okay? Oo kinikilig ako kasi maraming kilig naman na mga gawain ang ginawa naman pero ma, walang halikan nangyari pero yakapan oo, sa isang romantic na place." sabi ko habang nirere-call 'yong hug namin ni Shawn. Bilis tibok ng puso ko 'non.
"Ohmegesh. Ohmegesh. Manang panging tubig." utos ni mama kay manang Sita at agad namang kumuha si manang ng tubig sa kusina, habang si mama, nagpapaypay sa sarili niya. Ay, OA much? Grabe si mama, parang teenager lang. Hehehe, kaya swerte rin naman ako kay mama.
"Eto na po mam." sabi ni manang Sita sabay bigay kay mama ng tubig. Ininom naman ni mama hanggang sa maubos, "Salamat po, manang."
"Ma, akyat na po 'ko sa taas." sumimangot naman si mama at tumango naman, natawa naman ako sa kay mama. Isip bata rin minsan. Ini-lock ko na ang pinto ko at humiga sa kama ko. Pero bago 'yun, nag-bihis muna ako.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at bw*set! Nag-rin pa talaga phone ko, sino bang tumatawag sa'kin. Tinignan ko naman at haysss.
Dianne calling...
Receive/ Accept
=____= Kahit ganyan mukha ko, in-accept ko naman.
[Waaaaahhh!!!! Besh! Narinig ko ang date ninyo ni Shawn. Mag-kwento ka naman, so? Ano na? Go!] bungad agad ni Dianne at napatakip naman ako ng tenga ko, ang sakit kasi, grabe makasigaw si bes.
"Mahabang kwento bes. Bukas nalang tayo mag-usap. Pagod na ako eh." sagot ko naman.
[Oy, oy! Ginawa niyo ba? Bakit pagod ka?! Ginawa niyo ba ang an—?!] sigaw na naman ni Dianne pinutol ko naman agad ang sasabihin niya, at aba! Grabe makapagbintang. Shet, hindi namin ginawa 'yung 'ano'. Ugh! My pretty innocent mind.
"Shunga! Ang ganda naman ng utak mo bes! Mapagbintang at marumi! Hindi namin ginawa 'yung ano! Sheez. Bestfriend ba talaga kita? Ba't mapagbintang ka sa'kin?" atraso ko,
[Ahehehe. Sorry na besh, pinoprotektahan ka lang. Sige na goodnight na. Ja mata!]
In-end ko naman 'yung call matapos kong magsabi sa'kanya ng ja mata (See you tomorrow). Ahhh!!!!! Hindi talaga ako makamove-on sa hug! Ugh. Oo, crush ko na siya! Official na. >//////<
Pinikit ko na ang mga mata ko at nagsimula nang matulog.
Naglalakad na ako sa aisle papunta sa kay Shawn. Huminga ako ng malalim at ngumiti, nang makarating na'ko, inilahad naman ni Shawn ang kamay niya para sa'kin. Inabot ko naman at nagsimula na ang seremonya.

YOU ARE READING
Started with A Kiss
Teen FictionWell, basically, it all started with a dare, a dare to kiss the nerd named, Alzei Rodriguez. A dare by one of the school's badboys, Lawrence Gregory. He dared it to one of the school's badboys, Shawn Kendrick Lopez. Yes, it all started with a kiss b...