Chapter 9: Like A Feather Falling

12 0 0
                                    

Chapter 9: Like a Feather Falling
*Alzei's POV*

Natapos na ang klase, pero ayon, nakatulala lang ako. Habang nilagpasan ako nila Nathalia, alam ko na pinag-uusapan nila 'yung sabi ni Shawn kanina, sa mga irap pa lamang nila sa akin.

Parang hindi ako makapag-isip ng mahinahon dahil halos ma-over work na 'tong brain ko sa pagiisip at pagtatanong sa sarili kung totoo ba 'yun o hindi?

Nagulat naman ako nang biglang may kumalabit sa akin, napatingin naman ako at nakita ko si Dianne na may pag-alala sa kanyang tingin.

"Alzei? Ayos ka lang?" tanong nito.

Tumango lamang ako kasi parang hindi gumagana 'yung bibig ko, hindi sumusunod sa aking brain. Ano ba 'yan?! Ganito ba ang epekto sa akin ng mga katagang inilabas ni Shawn sa bibig niya kanina?

Napailing-iling naman ako sa sarili ko, at lumabas na kami ni Dianne sa classroom.

------------

"Alzei, ba't ang tahimik mo ngayon?" tanong ni Dianne, "Wala lang 'to." sagot ko naman sa kanya habang pilit ngumingiti.

Patuloy pa rin bumabagabag sa akin 'yung sabi ni Shawn kanina at  hindi pa rin ako mapakali.

Tumaas naman ang isang kilay ni Dianne at sabi, "Tungkol ba 'to kay Shawn?"

Marinig ko pa lamang ang pangalan niya pumipintig na ng malakas ang puso ko, inilagay ko naman ang kamay ko sa aking dibdib habang nakatingin sa kawalan. "Alam mo, para kang baliw diyan," wika niya, "Sagutin mo nga 'yung tanong ko Alzei."

"Oo na. Tungkol 'to kay Shawn." napabuntong-hininga naman ako nang inilabas ko ang mga salitang iyon sa aking bibig, "Sabi ko na nga ba eh! So, spill." bulalas nito na nakatingin sa akin na parang intrigued na intrigued siyang malaman kung anong sasabihin ko.

"Remember 'yung sinabi ni Shawn kanina?" tanong ko kaniya.

Bigla naman siyang napatakip sa bibig niya at wika nito, "Nag-aalala ka ba kung totoo 'yung sinabi niya o hindi?"

Gets talaga ako ng bespren kong ito, tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Hinawakan naman ni Dianne ang mga kamay kong nasa lap ko, nginitian at sabi, "I'm cheering for you bessy!!!" napatawa naman ako, ano ba 'to? Parang sinusuportahan niya akong mag-confess kay Shawn. Wait... Baka akala niya, magco-confess ako kay Shawn?

Haluh! Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin ehhh >///////<

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, Dianne?" tanong ko sa kanya at tumayo upang hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.

Sa tono pa lamang ni Dianne alam kong naguguluhan siya, "Huh? Akala ko magco-confess ka sa kanya?" tsk. Sabi na nga ba eh =_____=

Humarap na ako sa kanya at bumulalas, "Hindi ako magco-confess sa kanya! Ano naman ang ico-confess ko sa kanya?" tinalikuran ko na siya at akmang aalis na nang may nakabangga akong matigas na bagay.

Pag-tingin ko naman, shems >//////<

Ba't nandito siya?! Kanina pa ha siya dito?! OMO! Baka narinig niya 'yung usapan naman ni Dianne kanina?! >________<

"S-Shawn... B-bat n-nandito ka? K-kanina ka p-pa ba?" aish! Ba't nauutal ako?! Hindi rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

Nagulat na lamang ako nang nagpaalam si Shawn kay Dianne, "Pwede ko bang mahiram si Alzei?" tinignan ko naman si Dianne na ngayon ay tumatango na parang baliw.

Tf Dianne?! Pagbabayaran mo talaga 'to TT^TT traydor ka talaga kahit kailan ajujuju

Bago ako hinila ni Shawn paalis, inirapan ko si Dianne, binigyan lang niya ako ng thumbs-up at ngiting nagsasabing you can do it, girl!

Gaga talaga siya kahit kailan.

"Shawn, saan ba tayo pupunta? Pwedeng bitawan mo nga ang braso ko." reklamo ko sa kanya. Kanina pa kasi niya ako hinihila palabas ng campus. Humarap naman siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya na ikinagulat ko.

A-ano bang nangyayari awtor?!

[A/N: Sa tingin mo? XD]

Gagang awtor!!!! Ibahin mo 'tong nangyayari!!! >//////<

[A/N: Ayoko nga! Now, carry on with the story baka naiinip na ang mga readers!]

Petmalu ka awtor ajujuju TT^TT okay so, back to reality... Nakatutok lang kami sa isa't isa habang ako ay nakasandal sa kaniyang magandang katawan, ang perv ko na >________<

Wala kaming imikan, ramdam na ramdam ko ang bawat pag-hinga niya, na-realize ko na rin na ang lapit na pala talaga namin sa isa't isa, isang inch nalang at mahahalikan ko na siya. Sa nangyayari ngayon, hindi talaga ako makagalaw sa posisyon namin ngayon. Parang idinikit ako ng mga mata niya sa kinatatayuan ko.

Mga ilang sandali pa, nagawa ko nang umiwas ng tingin at tinulak ko naman siya ng marahan habang nakatingin sa baba.

"S-sorry..." mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin.

Hindi na lang ako nag-salita at patuloy pa ring umiiwas ng tingin, "About what I said earlier," paninimula ni Shawn kaya't napatingin ako sa kanya, "Alzei, I'm serious." nakatingin lang ako sa mga mata niya at tinignan kung nagsisinungaling ba siya.

Pero wala akong mahanap na bakas ng pagsisinungaling sa mga mata niya, "Shawn..." 'yun lang 'yung tanging lumabas sa bibig ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

Nagulat ako nang hinawakan ni Shawn ang mga kamay ko at sabi, "Give me a chance, Alzei... Give me a chance to court you."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, na parang meron 'yung sinasabi nilang butterflies in your stomach. Gusto ko sapakin 'yung sarili ko upang makasiguradong hindi ako nananaginip. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-bukas sa aking bibig.

"Alzei, please." wika ulit ni Shawn na nakatitig pa rin sa akin at nakahawak sa aking mga kamay.

Alam kong sinabi ko sa aking sarili na hindi ako mahuhulog sa kanya, pero parang imposibleng hindi mangyayari 'yun, kasi alam ko sa sarili ko, na unti-unti na akong nagkakagusto sa taong 'to. At natatakot ako, na sa oras na bitawan ko ang mga salitang nasa loob ng bibig ko...

Baka hindi ko nang magawang mapigilan ang sarili ko na mahulog na ang buong loob ko sa kanya.

------------------

Hello po sa inyong lahat! Sorry po short chapter  Ang tagal na nung huli akong makapag-UD, nakakatamad rin kasi minsan XD pero gusto ko lang pong sabihin sa inyo na tatapusin ko po talaga 'tong SWAK. Anyway, no regular UD'S! See you next chapter!

                   -Crazymania60

Started with A KissWhere stories live. Discover now