Chapter 8: The Game's Just Begun

13 1 0
                                    

Chapter 8: The Game's Just Begun

*Shawn's POV*

Nakaupo ako sa aming veranda habang umiinom ng beer, hindi kasi ako makatulog, ang daming lumulutang sa isipan ko.

'Yung nangyari kay Alzei kanina, at kung anong gagawin ko sa bet.

Hindi ko pa rin nagagawang pahulugin ang loob niya sa'kin. Oo, hindi ko pa rin nakakalimutan ng bet. Tinatanong na nga ako ng mga ga*o kong mga katropa kung forfeit na raw ako.

Ako? Isang Shawn Kendrick Lopez, magfo-forfeit? Heh. I always get what I want, bakit naman ako magfo-forfeit.

Patuloy pa rin ako sa pag-inom hanggang sa nakatulog na ako.

--------------

*Alzei's POV*

Takte 'yung Shawn na 'yun! Hindi maalis sa isipan ko ang mga salita niya.

"Mag-ingat ka sa susunod."
"Mag-ingat ka sa susunod."
"Mag-ingat ka sa susunod."

Waaa!!!! Lord, help me! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Baka magka-heart attack na ako nito! >///////<

Sino bang hindi kikiligin eh crush mo ang nag-sabi nun?!

Whoo Lord! Di ko na 'to keri mga 'te! Kilig over load!!!!

"Anak, ano ba 'yan? Hind ka ba nasasarapan sa pagkain? Magpapaluto tayo ulit kay manang." sabi ni mama habang nakatingin sa pagkain kong hindi ko pa pala ginagalaw.

Sagot ko naman, "Ah 'wag na po ma, okay na 'to. Masarap nga eh."

Sarap talagang patayin si Shawn, pinagalala ko pa si mama. Tsk. Humanda ka sa akin Shawn Kendrick Lopez! TT^TT

Kumain na ako hanggang sa mabusog na ako at umalis na kami ni kuya papuntang school.

"Kuya, sure ka ba hindi na natin kailangang sabihin kay mama 'yung nangyari kagabi?" paninimula ko para mabawasan ang katahimikan na namumuo sa kotse.

"'Wag na. Baka mag-alala pa ng sobra si mama. May sakit pa naman si mama sa puso."

Tumahimik nalang ako uli hanggang dumating na ang kotse sa school.

Bumaba na ako sa kotse at pumunta sa room ko.

Eksaktong pagdating ko ay nakatingin na si Dianne sa akin habang naka-pameywang.

"What?" tanong ko sakanya habang umuupo na sa aking upuan.

Yumakap naman 'tong si Dianne sa akin, nababaliw na ba siya? Kanina nakapameywang 'to ngayon yumayakap na sa akin?

"Alzei! Ba't di mo sinabi sa'kin?!"

"Ang alin?"

"Na napahamak ka pala kagabi!" sigaw nito.

Napatingin naman ako sakanya, "Paano mo nalaman?" sagot naman niya, "Duh. I have connections."

"Dianne," seryosong paninimula ko, "'Wag mong sabihin kahit kanino, please?"

Tumango na ito at bumalik na sa upuan niya, dumating na rin ang first subject teacher namin. Math. Ugh.

--------------

Thank God! At natapos na rin ang klase, dumiretso na kami ni Dianne sa canteen, as usual.

Nagtipon-tipon naman ang mga babae sa table nila Shawn. Jusko. Oh wait. Teka, OMO! Naalala ko ang sinabi ni Shawn kagabi! >///////<

Started with A KissWhere stories live. Discover now