Chapter 3: Plan B
*Alzei's POV*
Nang makarating na ako sa bahay, binati ko na si mama at pumunta sa room ko.
Nag-bihis na ako, kinuha 'yong laptop ko at binkusan ang facebook ko. As usual mga gossip rin sa school, pero may isang nakakuha ng atensyon ko. Isang status na sinulat ni Natalia.
SI ALZEI RODRIGUEZ NAGLA-LANDI KAY SHAWN KENDRICK LOPEZ. NAPAKALANDI TALAGA.
Posted: 1 hour ago
Likes: 99 likes
Comments: 99 commentsSh*t! Walang ya yung babaeng 'yon! Mapapatay ko talaga 'yon, ngayon na, isinara ko na lang iyong laptop ko at humiga-higa sa kama ko.
Nag-iisip ng kung anu-ano, hays. Ayon, naisipan kong tawagan si Dianne.
Ring...
Ring...
Ring...
[Hello, Alzei! Anong ginagawa mo?] tanong ni Dianne.
"Wala lang, tinatawagan ka lang."
[Ah... Okay, nakita mo na ba iyong sinulat ni Natalia?]
May sandaling katahimikan bago ako makasagot, "Ahh... Oo."
[Wag kang mag-alala Alzei. Papatayjn natin 'yong si Natalia bukas, OK?]
"OK." maikli kong sagot.
[O siya, I need to go na, pupunta pa kami nila mommy sa mall. Mag mother and daughter bonding pa kami. Babush! See you tomorrow!] paalam ni Dianne.
In-end ko na ang tawag, at pumunta sa baba para makita si kuya na tulog, sabi hindi daw malalasing. Tsk. Pumunta na ako sa dining room at nagsimula nang kumain ng inihain ni mama.
"Ma! matutulog na po ako." paalam ko kay mama, "O sige anak, goodnight."
Pumunta na ako sa kwarto ko at ini-lock ang pinto, humiga na ako sa kama ko at tinignan ko ang phone ko at may text message. Tinignan ko naman ang message, nakalagay;
Unknown number: +63 9123456910
Alzei, susunduin kita bukas.
Sino ba 'to?! Nag-reply naman ako,
Sino ka?! Pano mo nakuha number ko?!
Sent
Ugh. Sino naman 'to, anyway matutulog na ako. Isinara ko na ang mga mata ko at natulog na.
*******
Kinabukasan...
*Alzei's POV*
Minulat ko ang mga mata ko at nag-handa na para sa skwela, pumunta na ako sa baba. At binati si mama at kuya, "Good morning ma, kuya!" binati din naman nila ako pabalik.
"Good morning din anak, halika na anak, kumain ka na." yaya ni mama, umupo na ako at nagsimula nang kumain.
Si kuya naman nagbabasa ng dyaryo, "Kuya bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko kay kuya, "Tapos na akong kumain, dali na. Kumain ka na, baka ma-late pa tayo."-Kuya.
Nagmamadali na akong kumain at nang matapos na ako, nagpaalam na ako kay mama. Lumabas na kami ni kuya sa bahay at papunta sa labas ng gate. Nang makalabas na kami sa gate, nanlaki naman agad mata ko at sumigaw. "IKAW?!" siya... Siya kaya ang nag-text sakin kagabi. WTH?!

YOU ARE READING
Started with A Kiss
Novela JuvenilWell, basically, it all started with a dare, a dare to kiss the nerd named, Alzei Rodriguez. A dare by one of the school's badboys, Lawrence Gregory. He dared it to one of the school's badboys, Shawn Kendrick Lopez. Yes, it all started with a kiss b...