Chapter 5: Forced Date (Part 2)

18 2 0
                                        

Chapter 5: Forced Date (Part 2)

O, eto na po ang part two ng Forced Date?!
Hehe... Alam kong marami sa inyo ang gusto ng POV ni Shawn for a whole chapter, kaya... Here it is! Thank you! Please vote!

~Crazymania60

--------

*Shawn's POV*

Nag-hintay muna kami ni Josh sa sala para kay Alzei at nag-usap muna kami ni Josh, "O, ano pre, planado na ba lahat? Basta, ingatan mo kapatid ko at 'wag mong manyakin, K?" sabi ni Josh, "Yeah bro, no probs. At alam mo naman ako Josh, maypag-kamanyak ako, hehe... Sorry. No promises." sabi kong painosente. Inirapan naman ako ni Josh at binalaan, "Shawn. Seryoso ako, basta ikaw nang bahala sa kapatid ko. No funny business. O, ayan na pala si Alzei."

Lumingon naman ako sa direksyong tinitignan ni Josh, at 'yun, siya na ang pinaka-inosente at pinaka-magandang nilalang na nakita ko, may porma rin pala katawan niya ah, sexy— Ay p*cha! Anong pinagsasabi ko! Nababakla na ba 'ko, hell no way! "Ummm... Hi?" patanong na sabi ni Alzei, ninenerbiyos ba 'tong babaeng 'to? Dahil ba ngayon palang siya naka-experience na mag-date? O, dahil ngayon palang siyang makaka-experience na mag-date sa isang gwapong katulad ko?

"'Sup Zei? Ayos ka na ba? You ready for the date?" sabi ko, in a cool way, para hindi marinig sa boses ko ang niyerbos. Yeah, I've gone to a date several times before but... I don't know why I'm like this. But, I don't care, "Ummm... Yeah."  naiilang yata 'tong babaeng 'to... Pero ang cute, ay sh*t! Kailan pa ako nangungumplement sa isang babae, tsk. What is happening to me? "Umm... Let's go." sagot ko at inilahad ang kanang kamay ko sa kanya, tinanggap niya at nagsimula na kaming maglakad ni Alzei palabas ng bahay, pero bago 'yon... Nag-smirk ako kay Josh at sinimangutan niya ako at pumunta na kung saan.

Sumakay na kami ni Alzei sa kotse ko at nagsimula na akong mag-drive, may sandaling katahimikan at binasag 'yon ni Alzei, "So... Um... Where are we going first?" tanong ni Alzei, "Diba sabi mo, Alzei, na ikaw ang mamimili ng papasyalan natin?" tanong ko naman. Aish! Napa-alala ko naman sa kanya, "Ay! Oo nga 'no! Salamat sa pagpapa-akala sa'kin, Shawn!" sabi ni Alzei, haysss. Think before you act, Shawn.  "O, 'san mo gusto pumunta?" tanong ko, bahagyang inis. "Hmm... Parang gusto ko sa... Park."

"Then park it is." sabi ko na tilang nagugulat, huh, porket mayaman sila, simple lang pala ang babaeng 'to. Parang... Magaan ang pakiramdan ko sa babaeng 'to.

Huminto na kami sa harap ng entrance gate ng park at unang bumaba si Alzei kasi nagpa-park pa ako sa kotse. "Halika na Shawn! Bilisan mo!" pag-aaya ni Alzei na tilang excited ng matapos ko nang mag-park sa kotse, lumabas na ako sa kotse at sinundan si Alzei papasok sa gate, "Wahh!!! Matagal tagal na ring hindi na ako nakakapunta sa  park!" sabi ni Alzei habang nagpalingon-lingon sa buong park. "Ummm... Shawn, uh... Pwedeng... Bumili tayo ng fishball, doon oh... Wala akong dalang pera, nakalimutan ko eh," pakiusap ni Alzei na may nahihiyang tono, "Huh? Eh, kakakain mo lang sa bahay niyo." sagot ko naman, "Eh, kasalanan ko bang hindi ako nakakain dahil matagal akong nakabangon sa higaan ko, halos 4:30 na nga ako nakabangon at sa sobrang pagmamadali ko, eh, nakalimutan kong kumain?" paliwanag ni Alzei. Is she kidding? 4:30 na siya nakabangon? Anong ginawa ng babaeng 'to kagabi? At, 4:30 na nakabangon? At aba! May papout-pout pa talagang nalalaman 'tong babaeng 'to, at I must say... Ang cute! Ay, f*ck! I complimented again! "Fine." sapilitan kong sinabi at nagmarcha na kami papunta sa isang fishball stand, "Manong, dalawang fishball ho." sabi ko at tumango naman ang tindero at binigyan na kami ng fishball. "Ah, manong saan ho dito ang hindi maanghang na sauce?" tanong ni Alzei sa tindero, at tinuro naman ng tindero ang isang container na may laman na sweet sauce at ibinigay iyon kay Alzei. Sinawsaw naman ni Alzei ang fishball niya doon at nagsimula nang kumain, isinawsaw ko naman ang akin sa chili sauce at nagsimula na ring kumain.

Started with A KissWhere stories live. Discover now